Entry #14 - Truth Hurts

174 7 0
                                    

TRUTH HURTS

Mataposang isang taong pagkakalugmok, hindi ko lubusang maisip na kaya ko pa palang bumangon.

Sa halos araw-araw na ginawa ng diyos, hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay na wala sya.

Si Harry.

Ang sumira ng buong buhay ko.

Nang buong pagkatao ko.

Pero sa kabila ng lahat, sobrang bait pa rin talaga ng nasa itaas.

Dahil ipinakilala nya saken ang kaisa-isahang  taong sumalo sa patapon kong buhay noon.

Ang kaibigan ko sa loob ng mahabang panahon.

Si Ethan.

Ang lihim kong minamahal.

“Rhianne! May gusto sana akong sabihin sayo.”

“Ano yun?” Pagtatanong ko sa kanya.

“Bukas! Alas-syete ng gabi, hihintayin kita sa Park. Sana makarating ka. Maghihintay ako.”

Hindi ko pa nakakalimutan ang napag-usapan namin kahapon.

Kinakabahan ako.

Ang sabi nya saken noon, ang taong pinaka-espesyal sa buhay nya ang kauna-unahang nyang dadalhin sa lugar na iyon.

Hindi kaya???

Haaaaaaaaaaay!

Bahala na.

Ang importante, makarating ako doon.

Maghihintay sya.

Ayoko syang biguin.

“Mama! Aalis na ho ako. Wag po kayong mag-alala. Hindi po ako magpapa-gabi ng uwe.” Pagpapaalam ko kay Mama na nagbabasa ng diyaryo.

“Sige anak! Mag-iingat ka.”

Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

Pagkalabas ng bahay ay agad akong pumara ng taxi. Sinabi ko na rin sa Taxi driver kung saan nya ako ibababa.

Mabilis naman akong nakarating sa park dahil hindi naman ito masyadong kalayuan.

Bagamat wala pa ako sa mismong tagpuan ay natatanaw ko na ang liwanag na nagmumula dito.

Binilisan ko na ang paglalakad  at ilang sandali lamang ay nakita ko na si Ethan na nakatayo malapit sa isang malaking puno ng mabolo.

“Anong meron?” Pambungad na tanong ko sa kanya ng makarating ako sa kanyang kinaroroonan.

Pinagmasdan ko ang paligid.

Isang Candle Light Dinner?

May mga musikero rin na nakahilera sa gilid nito hawak ang kani-kanilang instrumento.

“Ilang minuto na lang, malalaman mo na.”

Nakangiti nyang tugon.
Tumingin sya sa relong suot-suot nya, pagkatapos ay hinawakan ako sa magkabilang balikat.

“Finally nakilala ko na rin sya.”

Bakas sa mukha nya ang labis na pagkatuwa.

“H-hindi kita maintindihan.”

Nararamdaman ko ang pagtindig ng aking mga balahibo.

Did he feel the same way too?

“Highschool pa lang tayo, ikaw na yung kasama ko. Kapag may problema ang isa, hindi pupwedeng basta na lang rin manahimik  ang isa at hindi mag-isip ng paraan para masolusyunan ito. Alam mo bang sobrang nagpapasalamat ako sayo dahil ikaw yun na laging nandyan para saken.”

Pinipigilan kong hindi maluha dahil sa mga sinabi nya.

Bakit?

Anong gusto nyang iparating?

“Gusto ko sana maging masaya ka”

Mula sa likod ko ay may narinig akong mga yabag.

Awtomatiko akong napalingon at nakita ang isang babaeng mala-anghel ang mukha.

“Para sa akin”

Tumulo na naman ang luha na akala ko eh hindi na muling mantatraydor pa.

Pinunasan ko ito at muling humarap sa kanya.

“I-im so happy for you Ethan!”

Kasabay ng pagtakbo ko ang sunod-sunod na pagpatak ng aking  mga luha.

Sa ikalawang pagkakataon,

Muli akong iniwan.

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Where stories live. Discover now