Entry #7 - Her Wig

210 10 4
                                    

Her Wig

My leukemia was discovered seven years ago. After I gave birth to my twins when I was 15 at wala pang alam sa mundo. Love drove us mad, ako at ang boyfriend kong si Jelo. At nagbunga iyon.

Mom slapped me, my sister cried for me, and my father threw me out of our house.

I ended up living together with Jelo and his family. Pero hindi ako pinabayaan ni ate Janny. She secretly gave me money. Sinabi niya din sakin na nabigla lang si papa kaya niya ako nagawang paalisin sa bahay namin. She persuaded me to go back home, but I refused. Kahit bumalik ako doon ay wala na akong mukhang mahaharap pa sa pamilya ko.

Naghirap nga kami but we got through it all for nine months, and after that I gave birth to our two angels. Two girls: Lucy and Erza.

“Nari?! What’s wrong?! Anong nangyayari?!” Jelo shouted when I coughed up blood. Kakapanganak ko pa lang pero dinala ulit ako sa ospital. When the doctor examined me he confirmed that I have leukemia. Worse is that I may only live for 6-7 years.

Upon hearing that, Jelo ran to my family. He begged them to come for me. At noong magising ako sa ospital, sinalubong ako ng mga luha ng mga magulang at kapatid ko.

“I still have seven years.” I said habang nangingilid ang luha nina mama at papa at kalong ni Jelo ang kambal ko. “We can always make up for that.”

**

“Hi Mama!”

“Hello mama!”

Sinalubong ako nina Erza at Lucy ng masasayang ngiti nang pumasok sila sa kwarto ko. Nakasuot ang dalawa ng malalaking cap. Kagagaling lang nila sa eskwelahan. Nasa likod nila si Jelo na may suot ding cap na kagagaling naman sa trabaho at may dalang kumpol ng mga bulaklak. “Hey Nari. Kamusta ang pakiramdam mo?”

Ngumiti ako sa pamilya ko. Anim na taon na ang lumipas simula noon. “I’m beginning to like my new look,” sabi ko at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Naubos na ang buhok ko dahil sa chemotherapy.

“Mama we have a gift!” wika ni Lucy at ipinakita sakin ang isang malaking red box.

“Merry christmas mama! Open it. Open it.” Sigaw naman ni Erza at tumalon-talon na. Binuksan ko ang kahon na iyon at halos hindi ko mapigilang mangilid ang mga luha ko sa nakita ko.

Kinuha ni Jelo ang suot niyang cap pati din ng mga bata.

“Why did you do this?” sabi ko at iniangat ang wig na regalo nila sakin.

“It’s our hair mama! Papa donated his hair but we made a wig out of Erza and my hair”

“Wear it mama! You’ll be really pretty.”

Hindi ko napigilan ang pag-iyak at paghagulgol. Niyakap ko ang kambal ko at niyakap naman kami ni Jelo.

“What now? Are we a family of balds?” tumawa sila sa sinabi ko.

“I love you,” I said at isa-isa ko silang hinalikan sa noo. “I love you all so much.”

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon