Entry #17 - "BAHAY KUBO"

251 8 2
                                    

                                   "BAHAY KUBO"


                                  

"SAAN ka naman ba galing, ah? Siguro totoong may babae ka nga talaga!"

"Pagod ako, Mang.. Tinapos ko kasi 'yun bahay."

Magdalawang taon na silang magkarelasyon buhat nu'n nagkabalikan sila. Si Ben ang first boyfriend niya nu'n high school hanggang college pero bigla na lang ito naglaho iyong pala ay nakabuntis.

After fourteen years, muli silang nagkita at nagkaunawaan uli. Pareho sila ng kapalaran na iniwan ng mga partner nila at may anak na rin silang pareho.

"Kelan mo ba ako ipapakila sa pamilya mo, Pang?"

"Basta lang."

Sambukol ang mukha niya. "Last bakasyon ko, sabi mo sa sunod na bakasyon ko tapos wala rin."

Hindi siya sinagot nito sa halip ay dumiretso sa kusina at nagluto ng mauulam nila na ito mismo ang namalengke.

 

"Galit ka pa, Mang?" tanong ni Ben nang nakahiga na sila para matulog.

"Isang buwan lang ang bakasyon ko at babalik na uli ako sa Malaysia. Malalayo naman ako sa iyo, at sa anak ko. Balik naman tayo sa dati na mag-aaway lagi sa text o sa tuwing pagtawag ko." umiiyak niyang wika.

"Ikaw man lang umaaway sa akin, basta lagi lang ako nandito para sa iyo." anito na niyakap siya pero tinulak niya ito.

"Communication ang mahalaga sa atin, Pang. Lalo na malayo tayo sa isa't isa pero hindi mo man lang magawa na replyan ako o sagutin ang mga tawag ko."

"Pasensiya na, nagtitipid kasi ako at gusto ko ganoon ka rin. Alam mo naman na trycicle driver lang ako." wika nito na umuubo.

Napahinto siya sa pag-iyak, lumapit siya rito at hinagod ang likod nito pero panay pa rin ang pag-ubo ni Ben kaya sinalat niya ang leeg nito.

"May lagnat ka, Pang!"

"Naulanan kasi ako kanina dahil tinatapos ko 'yun bahay."

"Eh, bakit ka ba kasi nagpapanday? Kaninong bahay ba 'yun?!"

Hindi siya sinagot nito, niyakap na lamang siya nito. Pagkagising niya kinaumagahan ay nakatunghay ito sa kanya.

"Good morning, Mahal ko... Maligo ka na at magkape, may pupuntahan tayo."

"Wala ka na lagnat, Pang?"

Ngumiti lamang ito sa kanya at kumindat. Nagtataka man ay bumangon siya at sinunod ang sinabi nito.

"Saan ba tayo pupunta, Pang?"

"Basta!"

Halos kalahating oras din ang kanilang byahe nang nakarating sila sa isang bahay kubo na gawa sa kawayan at bagong varnish pa. Nagandahan siya sa design ng bahay, ganitong-ganito ang pinapangarap niya ang simple lang.

"Nagustuhan mo ba, Mang."

Napaawang ang labi niyang tumingin dito. "Pasensiya ka na kung minsanan lang ako nagte-text sa roaming mo o kaya hindi kita nabibili ng kahit anong regalo. Iniipon ko kasi ang kita ko sa pagbabyahe para maitayo ito. 'Di ba ito 'yun pinakita mo na photo nasa facebook sa akin na parang cottage style lang na gawa sa kawayan na bahay? Ginaya ko 'yun, mahal kong Chengkay! Please 'wag ka na magduda sa akin. I love you, Mang." pahayag nito na panay pa rin sa pag-ubo.

Lumuluhang napayakap siya ng mahigpit dito. Mahal nga talaga siya ni Ben! Kahit na umuulan o subrang mainit ay namamasada ito at nagpapanday para lang sa bahay kubo na pinapangarap niya.

"Mahal na mahal kita, Pang. Patawad kung lagi ko pinagdududahan ang pagmamahal mo sa akin."

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Where stories live. Discover now