Entry #19 - The Truth in Forever.

119 4 0
                                    

The Truth in Forever

 

Naniniwala ba kayo sa forever? Ako, oo. At alam kong nahanap ko na siya. Nahanap ko na ang lalaking sasama sa akin para patunayan ang salitang 'forever'.

-

"Kyle, If I Stay na lang panuorin natin." Nag-aaway na naman kami kung ano ang papanuorin.

"Elaine, ayoko nyan. Action na lang." He said. "Please." Nag-puppy eyes pa ang loko.

"Whatever you say, Kyle. If I Stay pa rin." I teasingly said.

At ako nga ang nasunod. Ganun naman kami lagi, mag-aaway pero magbabati rin. Siya lagi ang magpapakumbaba, mataas kasi ang pride ko eh. Pero kahit ganun, mahal na mahal niya ako, at mahal na mahal ko rin siya.

Habang nanunuod kami, we're holding each other's hand. I like moments like this. Yung magkahawak lang ang mga kamay namin na parang walang problema. Sana ganito na lang kami. Magkasama at masaya.

-

"Kyle, sigurado ka na ba talaga?" I asked him.

"Oo, Elaine. Alam mo naman na para sa'tin din naman 'to." He said. Nandito kami sa airport para ihatid siya. Pupunta siya sa Canada para doon mag-aral as an exchange student. And that thought made me cry.

Sinabi ko sa kanya lahat ng dapat kong sabihin. Ang hirap ng ganito, yung malayo sa mahal mo. Pero kahit masakit, titiisin niyo, dahil mahal niyo ang isa't isa.

-

"Masakit. Sobrang sakit." Eto na lang ang nasabi ko sa bestfriend ko. Five months na ng umalis ang boyfriend ko. Sa first 3 months, ayos pa naman ang set up namin. Hindi ko alam kung bakit naging ganito, bigla na lang siyang hindi nag-respond sa mga messages ko. Hanggang sa nabalitaan ko na may iba na pala siya doon. Nung una, ayaw kong maniwala, pero bigla siyang nag-text na tapusin na daw ang realasyon namin. Wala na rin naman daw mangyayari. Gusto ko siyang reply-an pero siya na mismo ang nagsabi na wag na daw akong mag-tetext. Ang sakit, sobra. Walang communication, walang closure. How great.

"Best, ayos lang yan. Makaka-move on ka din dun sa hayop na Kyle na yun." My bestfriend said, trying to calm me in this stupid situation.

Napatawad ko na naman siya eh. Ang bait ko? Ayos lang, magpakasaya na siya dun sa Canada with her new girlfriend. Ang akin lang, masakit mawalan ng taong akala mo sasama sa'yong magpatunay ng 'forever'. Pero wala eh, wala na akong 'forever'.

-

"Aaaaaaaah!" This is the last word I said nang bigla akong mabangga ng truck. But it feels like na hindi masakit. Yung sakit about Kyle, at yung about sa aksidente, parang wala. Wala na akong nararamdaman.

Then I found out na parang I was in a paradise, then I saw a man with white all over him. He said his name is God. Wait, God? Does it mean...

"Welcome to heaven, Elaine." The man said, smiling.

Now I know. I found my 'forever' here in heaven. With God, 'forever' is possible.

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Where stories live. Discover now