Entry #20 - Sad movie

141 5 0
                                    

Sad movie

“Victor, let’s see a movie.” aya ni Yvonne sa kanyang nobyo ilang oras bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya. Ngunit isang tango lamang ang itinugon nito, na sa tingin niya ay sumang-ayon naman ito sa kanyang sinabi.

Kinabukasan, mataman siyang naghihintay sa bintana ng kanyang kwarto sa pagdating ng nobyo ngunit ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin ito. Nakabihis na siya ng damit at paalis na ng bahay kanina pa. Isang maikling at hanggang tuhod na bestidang na abuhing kahel at napapalamutian ng maliliit na hugis lasong disenyo at pinaikutan ng laso sa bewang ang suot niya. Isang perfect outfit para sa kanyang sandalyas. Naglagay din siya ng kaunting make-up sa mukha na nagpalabas lalo sa kanyang kayumihan.

Napabuntunghininga na lamang siya habang nakaharap sa salamin. Ayaw niya namang masayang ang kanyang paghahanda sa wala. Binuksan niya ang kanyang drawer kung saan nakalagay ang kanyang may kamahalang cellphone at agad na idinayal ang numero ni Victor. Saglit lamang ay narinig niya na ang pagring nito ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. Ilang ulit pa at sa wakas ay sinagot na rin ito.

“Hello?”

“Victor, I’ve told you to come with me today. Where are you?”  may halong pagtatampong sabi niya dito.

“I’m sorry babe, I got a load of papers to finish today. I really want to come but I’m busy, promise I’ll make it up to you.”

“But…”

“I’m sorry babe but I need to hang up now. I love you.”

Nanlulumo namang napaupo siya sa kanyang kama. Napakahalaga ng araw na ito para sa kanya at nais niya na makasama ito upang ipagdiwang ang kanilang unang anibersaryo.  Hawak niya sa kanyang kamay ang dalawang ticket ng pelikulang matagal na nilang inaabangan na lumabas sa sinehan. Itatapon niya na sana ito ngunit bigla niyang narinig ang pagkatok sa kanyang pinto at pagbukas nito.

“Yvonne, aren’t you leaving yet? Where is he? You two will going to miss the movie. It’s already 6 p.m.” sabi ng kanyang ina.

“I’m going now, mom. Victor will meet me there.” pagsisinungaling niya na lamang dito.

Mag-isa na lamang siyang pumunta sa sinehan, naupo siya sa may bahaging itaas upang ‘di siya masyadong mahalata na nag-iisa. Sa palagid niya kasi ay halos magsising-irog ang magkasama. Labis ang panghihinayang niya ng patayin na ang ilaw at magsimula na ang pelikula.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay dalawang pigura ng tao na tumatakip sa kanyang panonood. Naupo ito sa bandang harapan niya. Napakasweet nito sa isa’t isa. Minsan ay naririnig niya ang pagtawa ng babae at nakikita ang minsang pagyakap dito ng lalaki.

Sa kalagitnaan ng pinapanood niyang cartoon ay hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mata. Dahil sa nakita niyang paghahalikan ng kanyang nobyo at kanyang matalik na kaibigan na matagal ng nagtataksil sa kanya.

Natapos ang palabas, hindi pa rin matigil ang pagluha niya. Nakauwi siya ng bahay at tinanong siya ng kanyang ina.

“What’s wrong?”

“Sad movies make me cry.” sabi niya sabay pahid sa kanyang mukha. 

POW 2014 (1st One-Shot Writing Contest)Where stories live. Discover now