KABANATA 6

136K 4.2K 1.1K
                                    

Pasado alas dos na nang nagising ako dahil sa mabigat na pakiramdam. Nanlalabo ang aking paningin kasabay pa ang pananakit ng aking buong katawan, higit pa ang pagkababae ko. Inilibot ko ang aking paningin sa silid. Unti-unting kinain ng pagkabigo ang damdamin ko nang hindi ko nakita ang taong inaasahan ko.

Ano nga bang aasahan ko? Nangyari lang ang lahat ng ito dahil sa libog. Nadala lang kami ng init ng katawan, nothing more nothing less.

"Shit!" daing ko nang sinubukan kong umupo at napabagsak akong muli sa pagkakahiga.

Gano'n pala iyon kasakit.

My face heated. Hindi na ako nagpumilit pa, hinayaan ko na lang ang sarili ko nang nakahiga para makapahinga at makakilos mayamaya. Ngunit malas siguro ako ngayong araw dahil mukhang sasabay pa ang pagkakasakit ko. I felt like I'm having a flu any moment from now.

Napangiti ako nang mapait. "Then, 'yong asawa ko wala pa sa tabi ko pagkatapos nang nangyari sa amin," mahinang bulong ko.

Gusto kong maiyak pero kasalanan ko rin ito. Nagpadala ako sa init ng katawan. Paano ko siya pakikitunguhan pagkatapos ng mga ito?

Stop thinking, Cassandra. Panigurado hindi niya gagawing big deal ang nangyari. Naiwan ka nga niya rito, 'di ba?

Naalala ko na naman ang nangyari bago ako nakatulog. "Yeah, maybe nasa girlfriend niya na siya ngayon doing the same thing," mapakla kong sambit.

Pinilit kong balewalain ang mga tumatakbo sa isip ko at pumikit dahil umaalon-alon na ang paningin ko sa sama ng pakiramdam.

Mas kailangan ko ang pahinga kaysa isipin lahat nang makaka-stress sa 'kin.

Marahan kong binalot ang katawan ko ng kumot dahil nagsimula akong lamigin. Wala pang ilang minuto akong namamahinga ay nag-ingay ang telepono ko. Hindi ko magawang imulat ang aking mga mata sa sobrang bigat nito kaya naman kinapa ko na lang kung saan iyon nag-iingay. Nang sa wakas ay nahawakan ko na ang cellphone ay basta ko na lang sinagot ang caller.

"H-Hello?" napapaos at nanghihina kong sambit.

Sobrang sama na talaga siguro ng pakiramdam ko kaya hindi ko na naintindihan pa kung ano'ng sinasabi ng nasa kabilang linya. Nabitawan ko na lang iyon at tuluyan na nga akong kinain ng kadiliman.



NAGISING ako sa isang puting silid. Nanlalabo pa rin ang paningin pero nahihinuha kong ospital ito.

"Bro, she's awake," pakinig kong sambit ng kung sinuman.

"Baby, are you okay?" wika ng pamilyar na boses.

Nagha-hallucinate na 'ata ako. Ipinikit kong muli ang mga mata ko at hindi ko na muling alam kung anong nangyari pa.

Nang muli akong nagising ay medyo gumanda na ang pakiramdam ko. Masakit pa rin ang aking paibabang katawan pero umayos na ang paningin ko kaya naman gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang nakita si Andrei na nakaupo habang natutulog sa tabi ng hospital bed. Nakapang-opisina pa siyang damit kaya batid kong hindi pa siya nakakauwi.

"Andrei," mahinang tawag ko saka mahinang tinapik ang kanyang mukha.

Dahan-dahan namang siyang nagmulat. Mabilis siyang tumayo at hinawakan ang balikat, braso, at kamay ko.

"What?! Nasaan ang masakit? Tatawag ako ng nurse," sunod-sunod niyang usal at astang aalis kung hindi ko lang siya nahawakan.

"Stop. I'm okay, well hindi okay na okay pero medyo umayos na ang pakiramdam ko," pagkumbinsi ko sa kanya.

Para naman siyang nabunutan ng tinik at naupong muli. Bahagya naman akong nakaramdam ng ilang sapagkat hawak niya pa rin ang kamay ko.

"I'm sorry."

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon