KABANATA 30

103K 3.1K 1K
                                    

Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng dugo sa katawan pagkatapos akong yakapin ng anak ko. Pasimple kong sinilip si Andrei, madilim ang mga mata niya at umiigting ang panga habang nakatitig sa labas.

Doon ko lang din napansin si Rozz na may malamig na emosyon habang nakatayo sa labas ng pintuan. Nasa gilid niya naman ay si Mommy na may namumutlang mukha.

"W-What are you doing here?" nauutal at kinakabahan kong wika.

Hindi ko maintindihan kung anong uunahin ko. Ang anak ko na masayang makita ako, si Andrei na mukhang sasabog anumang oras, si Rozz na nasa harapan ko ngayon, o ang nanay kong namumutla.

Tuluyang pumasok si Rozz at nilapitan ako. Hinigit niya ako papunta sa tabi niya at binigyan ng masamang tingin si Andrei. Agad namang sumunod at yumakap sa tabi ko ang aking anak na nagsimula nang matakot.

"I'm here to pick you up," Rozz uttered and gripped me tight on my elbow.

Nasasaktan ako sa pagkakahawak niya subalit hindi ko maisatinig iyon dahil baka lalong matakot ang anak ko. I understand his anger. Kahit sinong fiancee ata ang makita na magkasama ang fiance at ex nito ay magagalit.

"Sasama ako, Rozz," I assured him.

Umaasa akong hihinahon siya pagkatapos niyon pero walang nagbago.

"You're not going anywhere, wife," matigas na ingles ni Andrei.

Napapikit ako sa frustrasyon at sakit dahil mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Rozz.

"Nasasaktan ako, Rozz," bulong ko para hindi marinig ni Adrian pero parang wala siyang narinig sa sinabi ko.

Tiim-bagang niyang tinitigan si Andrei at nakakalokong tumawa. "She's my fiance," pagdidiin ni Rozz sa harapan ni Andrei.

Oh, fvck!

Agad ko namang sinilip si Andrei at binigyan ng makahulugang tingin ngunit katulad ni Rozz ay binalewala lang niya ang mga pinapakita ko.

He smirked and walked near us. Kaunti na lamang ang agwat niya sa amin nang tumigil siya. He gave him a smug look.

"You are holding my WIFE Mr. Fuederigo" he said emphasizing that word.

Saglit namang natahimik ang silid. Mayamaya pa ay binalingan ako ng tingin ni Rozz, kung kanina ay malamig ang ekspresyon niya ngayon ay nakikiusap ang mga mata niya.

"Tell me, Cassandra, will you choose him over me?" he asked as he directly looked in my eyes.

Stilled. I looked at him and Andrei.

Nakakatawang isipin na kani-kanina lang ay desidido akong ipagpatuloy ang pakikipaghiwalay kay Andrei ngunit ito ako ngayon naguguluhan.

I paused my eyes at Andrei. Puno ng pangamba ang kanyang mga mata, alam kong alam niya na nakapili na ako sa kanila ni Rozz kanina. Rozz tightened his grip against mine when he saw me looking intently at Andrei.

Sino'ng hindi maguguluhan? Dahil sa mga nalaman ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Andrei. Sa tuwing naaalala ko kung pano ko siya ipinagtabuyan at hindi paniwalaan ng mga panahon na iyon. Kung paano ko minaliit ang pagdadalamhati niya sa anak namin.

Inilipat ko ang aking paningin kay Rozz. Hindi ko mabasa ang emosyon niya, nandoon ang takot pero walang pangamba akong nakikita. Para bang alam niya sa sarili niya na siya ang pipiliin ko at gusto niya lang iyong iparinig kay Andrei.

"We're still married, Rozz," sa halip na pumili ay iyon na lamang ang nasabi ko at saka nag-iwas ng tingin.

Tumama ang paningin ko kay Yhanna na ngayon ay namumutla sa tabi habang nakatingin sa amin. Hindi ko maiwasang magtaka, para siyang takot o nakakita ng multo. Nagsalubong ang tingin naming dalawa, gumagalaw ang panga niya para magsalita pero ilang beses siyang nabigo.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon