KABANATA 13

119K 4K 878
                                    

"Taray, magtutukaan na lang kayo sa kumpanya pa," sabi ng kaibigan ko habang naglalakad kami papasok sa kainan.

Siniringan ko naman siya kahit sa loob-loob ko ay naroon ang namumuo kong hiya. Nagpaparke si Andrei ng sasakyan kaya pinauna na niya kami sa loob.

"Masarap ba? Masarap?" natatawang kutya sa 'kin ni Ayesha.

"Reservation for Mr.Villa Cruz," pormal kong saad sa staff na sumalubong sa amin. Agad niya naman kaming inihatid sa pwesto namin.

"Tingin ko, may mali," seryosong sambit ni Ayesha pagkaupong-pagkaupo niya.

I rolled my eyes. "Ano na naman 'yang iniisip mo?"

Hinawakan niya ang kanyang labi at umaktong nag-iisip. "You said, magfa-file siya ng annulment right?" she asked, raising her eyebrows at me.

Awtomatikong kumalat ang pait sa dibdib ko. "Yes."

"Kung gano'n ang plano niya, bakit ganito siya sa 'yo? Hindi kaya tokis lang 'yong jowa niya?"

"Stop imagining things. Alam naman natin na napilitan lang siya sa kasal namin."

"How can you say so? Sinabi niya ba na napilitan lang siya?"

Natigilan ako saglit. "Not exactly, pero syempre aware ako ro'n. Sino naman ang papayag na ikasal habang nasa isang relasyon ka kung hindi ka napilitan, 'di ba?"

Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon. "Shhhk, may mali talaga. Kung ikaw, may balak kang magpa-annulled hindi ba dapat magiging cold ka? Hindi tulad ng ganito na puro bigay ng motibo."

Hindi naman ako nakaimik agad dahil sang-ayon ako sa sinabi niya gano'n pa man ay kailangan kong kontrolin ang emosyon ko dahil sa huli ay ako ang talo.

"Kung ako sa 'yo, b*tch, kausapin mo siya kaysa ganito na nanghuhula ka sa mga ginagawa niya sa 'yo. At least, mabuti na 'yong malinaw, 'di ba?"

I just smiled at her. Yeah, I should talk to him.

Baka hindi niya lang din ako madiretyo about sa annulment. Sakto namang dumating na si Andrei kasama ang kaibigan niya.

"Sorry, natagalan," paumanhin ng asawa ko.

"It's okay," I said.

"Siguro naman kilala niyo na ang kasama ko, but for the formality let me introduce my friend, Daevon Castanio. Daevon here's my wife, Cassandra. Then this is her friend, Ayesha."

Agad na naglahad ng kamay si Daevon kaya naman asta ko iyong aabutin kundi lang ito iniiwas ni Andrei.

Umismid si Daevon at saka inilipat ang kamay niya sa kaibigan ko. "Nice to see you again, Miss." He flashed a smile.

Nakita ko ang pamumutla ng kaibigan ko na aking ipinagtataka. Hindi nakaligtas sa akin ang alanganin niyang pag-handshake rito.

Weird.

"Let's eat." Si Andrei habang iniisod ang upuan sa tabi ko.

Naupo naman si Daevon katabi ni Ayesha. Nahahalata ko ang hindi pagiging kumportable ng kaibigan ko sa katabi niya. Tinitigan ko si Daevon pero wala naman akong napapansin na kakaiba sa kanya.

Minsan lang manahimik ang kaibigan ko kaya talagang kapansin-pansin iyon para sa akin. Gustuhin ko man na magtanong ay hinayaan ko na lang iyon, saka na ako mang-uusisa kapag kami na lamang dalawa ni Ayesha ang magkasama.

Nagulat ako nang biglang lumapit sa tainga ko ang mukha ni Andrei. "Stop looking at him, baby. I'm starting to kill him in my mind," bulong nito sa 'kin.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon