KABANATA 21

97.3K 3.1K 833
                                    

White walls welcomed my eyes when I slowly opened it. Tahimik kong inilibot ang paningin ko. Katulad ng dati, natutulog si Mommy sa tabi ko habang hawak ang aking kamay. Samantalang tulala naman si Andrei na nakatingin sa kisame habang nakasalampak sa sahig. Kung may lamang pa sa salitang miserable ay iyon ang itsura niya ngayon. Dahan-dahang napunta sa akin ang kaniyang paningin.

Bahagyang nanlaki ang mata niya sa gulat, pero napalitan din agad iyon ng ibang emosyon. Lungkot, pagkaawa, pagsisisi at pagdadalamhati. Unti-unti akong pumikit at marahang hinawakan ang tiyan ko dahilan para magising si mommy.

Nanatili ang katahimikan sa amin, walang naglakas-loob na magsalita. Naghihintay sa kung anumang gagawin ko.

"Did I... lose them?" I barely manage to say saka marahang idinilat ang mata ko. I just stared at the ceiling waiting for their confirmation.

I heard my mom's little sob and held my hand. "They are now at peace, anak. They are now in a good place," she said and tighten the grip on my hand.

I closed my eyes and let my tears flow. "Is being with me is not a good place for them, Mommy?" mapait kong tanong.

Kaagad niyang pinunasan ang luha ko at hinalikan ang noo ko. "Anak, I know it hurts. But we need to accept that they are now gone," malumanay niyang sabi.

Sana gano'n kadali.

I slowly opened my eyes saka siya tiningnan. "Why, Mom? Bakit sa 'kin nangyayari ito? I didn't do anything bad. Bakit sa 'kin? Bakit sa 'min?" I said with a broken voice.

She hugged me and caressed my hair. "Anak, h'wag mong isipin na kaparusahan ito o anuman. Palagi mong iisipin anak na ang lahat ay plano ng Diyos," pag-alo niya sa akin.

"Bakit niya pa ibinigay kung babawiin niya rin naman? It's so unfair, Mommy. It's so unfair. Ni hindi ko man lang sila naalagaan, ni hindi ko man lang sila nahawakan," I said while crying hard.

"Ssshh. Magiging maayos din ang lahat, anak. Alam ko masakit kaya magpakatatag ka." She hugged me tight, it was as if she's telling me that she know my pain.

I hugged her back and broke down. "The moment I saw too much blood running through my legs. I know at that moment I lost them, but still, I hoped...I've wish hat they would be save, Mommy," pagsusumbong ko rito.

"Calm down, anak," pagpapatahan sa akin ni Mommy habang paulit-ulit na hinahaplos ang buhok ko.

Gustuhin ko mang tumigil at kumalma, pero hindi ko magawa. Sobrang sakit, sobra.

"Why, Mom? Bakit ang mga anak ko?" muli kong sabi habang malakas na humahagulhol.

Kumalas si Mommy sa akin at hinarap ang mukha ko. "Anak, calm down. Makakasama ito sa 'yo," she pleaded, tears were streaming down on her cheeks.

Napailing ako at umiyak pa rin nang umiyak. "I want to die, Mom. I want to die. I want be with them, Mommy. Please, wala silang kasama. Hindi pa nila kaya, they need me," I said as I plugged out the dextrose on my wrist.

"Oh my god. Anak! Cassandra, please stop this," histerya na pakiusap ni Mommy.

"Mommy, I want to be with them. I can't leave them there alone," umiiyak kong pakiusap habang pinipilit na pinagtatanggal ang mga nakatusok sa akin.

"Baby..." Andrei called as he grabbed my hands tight.

Siya na ngayon ang may hawak sa akin at hindi na si Mommy. Napatigil ako saglit at pagod na sinalubong ang paningin niya.

New tears build up in my eyes. "Why? Hindi ba ako naging mabuting asawa sa 'yo?" puno ng hinanakit kong sambit.

Umiling siya at hinaplos ang mukha ko. "You are great, you are the best wife, Cassandra," he said with full of sincerity.

Mapait akong ngumiti at hinayaan ang luha kong pumatak. "Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko, Andrei. Pagod na ako, pagod na pagod na akong mag-isip," I said.

"I'm sorry, I'm really sorry, baby."

"Please do me a favor, Andrei," wika ko saka tinanggal ang kamay kong hawak niya.

"Maghiwalay na tayo. Let's file an annulment," sabi ko at iniiwas ang paningin.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paninigas niya saka muling hinawakan ang kamay ko. "Don't, please baby. I can't. I've already lost our baby. Please, h'wag naman pati ikaw," nanghihina niyang sambit. I heard him sobs.

Marahan akong lumingon at tiningnan siya. "This marriage is totally a mess, Andrei. Can't you see it?" mapait kong wika.

"We can fix this, baby. Please, don't leave me," pakiusap niya saka hinawakan ang mukha ko.

Kaagad ko naman iyong inalis at galit na tumingin sa kaniya. "T*ng-na, Andrei! Kahit minsan, pakiusap, pagbigyan mo naman ako!" sigaw ko kasabay ng aking pag-iyak.

"Can't you see? I need space! I need a fucking time to heal, Andrei! I just lost my babies! I just lost them, Andrei! At hindi makakatulong sa akin ang patuloy kang makita, hindi kita kayang makita dahil naaalala ko na ikaw at ang babae mo ang dahilan kung bakit sila kinuha sa 'kin!" dagdag ko at humagulhol sa iyak.

Hindi naman siya sumagot pa at hinayaan akong umiyak nang umiyak.

"Please, let me go..." I pleaded hoarsely.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Dahan-dahan siyang tumayo at lumayo nang kaunti sa akin.

"Will you be happy when I'm gone?" he asked.

Namumungay ang mga mata niya na para bang nakikiusap na sagutin ko siya sa paraan na magugustuhan niya.

"Yes."

"I-If that's what you want, okay. J-just send me the papers," his voice broke.

I just nodded my head and didn't look at him anymore. Bahagya akong nagulat nang lumapit siya sa akin at iniangat ang paningin ko sa kanya.

"I love you," he said with his bloodshot eyes and kissed my forehead. "Goodbye," mahina niyang bulong at tuluyan nang umalis.

Tulala lang ako sa pintong pinaglabasan niya habang tahimik na umaagos ang luha sa pisngi ko. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni mommy habang hinagod ang likod ko.

"I lost everything, Mom. Daddy, my babies, my husband," I mumbled. "Umasa ako, Mom. Umasa ako na magiging maayos ang lahat, ang pagsasama namin. Naniwala ako na mahal niya ako pero paano niya nagawa sa akin ito?"

She hushed me. "Nandito pa ako, anak. I'm still here," pang-aalo niya.

"I'm so hurt, Mom. I couldn't stand seeing him. I just can't... naaalala ko ang mga nawala kong anak," paliwanag ko sa mga desisyong ginawa ko.

"I understand, anak. I understand," kaagad na sagot ni mommy.

"I did him a favor, Mommy. I unchained him from our marriage," muli kong wika at mapait na ngumiti.

"Rest, anak. Magiging maayos din ang lahat," bulong ni mommy.

"Mom..." I broke off from her hug.

"Yes, my princess?" tugon niya na puno ng pagmamahal at pag-intindi habang sinalubong ang tingin ko.

"Gusto ko po munang pumunta ng Amerika," pakiusap ko.

She let out a deep sigh, then hugged me again. Narinig ko ang mahina niyang pag-iyak habang hinahaplos ang buhok ko na paborito niyang gawin sa akin. Alam kong mahirap sa kanya ang hinihingi kong desisyon. Hindi rin madali para sa akin, pero alam kong hindi makakatulong sa akin ngayon kung maaalala ko ang lahat. Hindi lang isa ang nawala sa akin. Lahat ng anak ko... binawi sa akin ng gano'n kabilis.

"Is that what you want?" pilit niyang sambit.

Tumango lang ako at mahigpit siyang niyakap.

"I want to rest, Mommy. I want to escape this pain for a while," I whispered and let my tears streamed down for the nth time.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon