KABANATA 32

101K 3.5K 649
                                    

ANDREI'S POV:

"Relax, man," my friend, Daevon, said as he tapped my shoulder.

Mukhang kadarating niya lang kasama ang kanyang asawa. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. I weakly shook my head.

"It's been an hour since I brought her here. Hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ang doktor na kasama niya."

Napasandal ako sa pader at marahan na napasalampak sa sahig. Naiiyak akong napatingala at pumikit nang mariin.

Please... 'wag mo akong iiwan ulit. Please.

"A-Ano bang sabi ng doktor?" nauutal na usisa ni Ayesha, bakas sa tono niya ang kaba at pag-aalala.

I slowly opened my eyes and glanced at her. "Sabi nila hindi naman daw kritikal ang tama niya. Pero kailangan pa rin siyang isailalim sa operasyon para matanggal ang bala sa kanyang tiyan," paliwanag ko.

Kita ko ang kahit kaunting pagkalma niya pero sa akin ay hindi sapat iyon. Kailangan kong makitang gising ang asawa ko para mapanatag ang loob ko.

Humahagos ding dumating ang isa pang kaibigan ni Cassandra. Katulad ng mukha ni Ayesha kanina ay puno rin siya ng pag-aalala at takot.

"How's Adrian?" tanong ko kay Azaia, sa kanya ko kasi siya ibinilin.

"He's fine. He's with Cassandra's mom together with Daeshaia," imporma niya sa akin.

Tanging tango na lamang ang naitugon ko at muling tumingin sa pintuan ng OR.

"How is she?" Azaia asked.

"The doctor said it's not critical. Pero kailangan siyang operahan para alisin ang bala na tumama sa kanya," si Ayesha na ang sumagot para sa akin.

"Kukuha lang ako ng pwedeng inumin," ani Daevon kapagkuwan, hindi na niya hinintay ang sagot namin at naglakad na paalis.

"How about Rozz? Ano'ng nangyari sa hay*p na iyon?" gigil na tanong ni Azaia.

Muli akong nakaramdam ng galit at panggigil sa tuwing naaalala ko ang lalaking 'yon. Napabuga ako ng hininga at walang emosyong tumingin sa kanila.

"Dead," I answered simply.

Their face went from shocked to satisfied.

"Good for him," sabay na wika ng dalawang babae at pare-pareho na kaming tumingin sa OR.

Few minutes later, the doctor finally went out. Agad ko siyang sinalubong at tinanong sa kalagayan ng asawa ko.

"Successful ang operasyon. The patient is stable. Ililipat na namin siya sa kanyang kwarto. Hintayin na lamang natin siyang magising para sa iba pang test," he stated.

Mabilis na prinoseso ng mga nurse at doctor ang paglilipat kay Cassandra sa isang silid. Magkakasama kaming nagbantay at naghintay sa paggising niya. Nasa sofa sila samantalang ako naman ay nasa tabi ng hospital bed niya. I watched her as she slept like an angel. Marahan kong hinaplos ang buhok niya at hinalikan ang kanyang noo.

"Please, don't leave me again, baby," bulong na pakiusap ko.

"Noon pa lamang pansin ko na ang pagka-obsess ni Rozz kay Cassandra, pero hindi ko akalaing aabot iyon sa ganito. To the point na papatayin niya ang kaibigan ko para lang makasama niya kahit sa kabilang buhay," marahang kwento ni Ayesha na nakakuha ng atensyon naming lahat.

She looked livid. Huminahon lang siya nang haplusin ni Daevon ang likod niya bilang pagpapakalma.

"Good thing, I shot him first." I heaved a deep sigh.

Hindi naman bulletproof ang sasakyan ni Rozz kaya alam kong tatagos ang bala ng baril na ipuputok ko. While they are busy arguing in the car, pasimple akong naglakad papunta sa mga pulis at kinuha ang isa sa mga baril nila. Nagulat ang pulis ngunit wala nang nagawa pa nang iputok ko iyon dahil nakita ko ang paghahanda ni Rozz para paputukan ang asawa ko.

Good thing, she was not shot in her head. Bad thing, nakalabit pa rin ni Rozz ang gatilyo ng baril dahilan para tamaan sa tiyan ang asawa ko. I was out of breath when I saw her head leaned against the car. Nawalan siyang malay.

Sinubukan pang i-hostage ng kasama ni Rozz ang nanay ng asawa ko, ngunit agad iyong nagawan ng paraan ng mga pulis. Tulad ni Rozz ay dead on the spot din ang tauhan.

Mabilis kong pinuntahan at binuksan ang sasakyan pagkatapos nang palitan ng putok. Namutla ako at nangatal nang nakita kong duguan ang asawa ko. Agad ko siyang binuhat at dinala sa aking sasakyan saka iyon mabilis na pinaharurot papuntang ospital.

"Everything will be okay now," pagpapagaan ni Daevon ng loob ko.

Simpleng ngiti lang ang itinugon ko saka muling ibinalik ang atensyon sa natutulog kong asawa. Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahang pinisil.

"Wake up, wife. Please...wake up. I'm going crazy already," I murmured.

ILANG oras ang lumipas ay nagpaalam na silang lahat at nangakong babalik ulit. Tanging pagtango lamang ang nagawa ko at inihatid sila hanggang sa may pintuan ng kwarto. Huling lumabas si Daevon, muli niya akong tinapik sa balikat at tipid na ngumiti sa akin.

"She'll be okay," he assured and walked away.

Sinaraduhan ko ang pinto at muling bumalik sa upuan na nasa tabi ng kama ng asawa ko. I held her hand again and gently it kissed. Naluluha kong hinaplos ang mukha niya.

"Baby, want to hear a story?" pilit ngiti kong sambit.

I sat properly and caressed her hair. "One day, may isang batang lalaki ang isinama ng isang mabait na matanda sa bahay niya. Napakaganda ng bahay nila pero hindi iyon ang lubos na nakakuha ng atensyon niya," nangingiti at naluluha kong pagkukwento.

"Sa halip na mga muwebles at disenyo ng bahay ang mapansin ng lalaki ay isang batang babae ang pinatuunan niya ng pansin. Napakaganda ng babae pero hindi iyon ang lubos niyang hinangaan kundi ang ugali niya," pagpapatuloy ko habang nakatingin sa maamo niyang mga mukha.

"Nakita ng batang lalaki ang pagiging inosente ng batang babae sa nangyayari sa paligid niya. Minsan pa nga niyang nadatnan ang batang babae na kausap ang isa sa mga katulong nila ng panahon na iyon. Itinatanong ng babae kung nahihirapan ba raw ang katulong nila sa pag-iintindi sa kanya at sa gawaing bahay dahil tutulungan niya raw sila o kaya'y hindi gagawa ng kung anumang makakapagpapagod sa katulong." I smiled.

"Halos ilang araw na isinasama ng matandang lalaki ang batang lalaki sa bahay niya, ngunit kahit kailan ay hindi iyon napansin ng batang babae dahil malimit siyang tutok sa libro. Binalak ipakilala ng matandang lalaki ang bata sa anak niyang babae pero agad na tumutol ang bata rito. Nagtataka man ang matanda ay hinayaan niya na lamang iyon." I licked my lower lip and touched my wife's face. "Simula noon ay tuluyan na ngang nagustuhan ng batang lalaki ang babae hanggang sa lumaki siya. Akala niya ay simpleng pagkagusto lang iyon kaya sinubukan niyang makipagrelasyon sa iba pero mukhang talagang tinamaan ito sa babae." Munting halakhak ang pinakawalan ko at tipid na nailing.

Sumandal ako sa upuan at tumingin sa kisame na para bang pinapanuod ang mga eksenang ikinukwento ko.

"Hanggang isang araw, pinakiusapan siya ng ama ng babae na pakasalan ang dalaga. Agad siyang pumayag hindi dahil malaki ang utang na loob niya sa kanya pero dahil talagang gusto niyang matali sa babae," natatawang usal ko.

"So, you already like me back then?" mahinang sambit ng isang boses.

Napatigalgal ako sa pagkakaupo at marahang ibinaba ang paningin sa ibaba. Napaawang ang bibig ko at nagsimulang maluha nang ngumiti ang asawa ko sa akin.

"Hey, baby," she greeted and touched my face.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon