KABANATA 18

113K 3.4K 279
                                    

Totoo nga siguro ang kasabihan na nagiging mabilis ang takbo ng panahon kapag masaya ka. Halos isang buwan na rin ang lumipas buhat nang maging maayos ang pagsasama namin ni Andrei. Umaapaw ang kaligayahan sa puso ko dahil hindi ko lubos maisip na magiging ganito kaming dalawa. Ang akala ko ay habang buhay ako magtitiis na nakikihati sa kaniya, akala ko ay magiging kulungan para sa kaniya ang kasal naming dalawa. Siguro nga, alam talaga ng mga magulang natin ang makabubuti sa atin.

"May naisip ka na bang pangalan sa mga baby niyo?" pagtawag pansin ng kaibigan ko habang kumakain ng icecream na pinabili ko sa kaniya.

Ilang linggo na rin buhat nang makabalik ako sa trabaho, ayaw pa sana ni Andrei, pero alam ko na hindi ko pupuwedeng iasa sa kaniya lahat. Besides, wala na rin naman sigurong basta susugod sa akin dito.

Wala akong balita kay Yhanna, hindi ko rin kailanman siya nabanggit sa asawa ko. Inisip ko na lamang na marahil sa nangyari sa akin siguro naman ay may katiting na konsensya siya para sa dinadala ko.

"Wala pa. Masyado pang maaga para roon," sagot ko at sumandok din sa icecream.

Bigla naman siyang tumawa na siyang ipinagtaka ko. "Hindi ko alam kung totoo ba 'yong mga sabi-sabi, pero alam mo ba sabi nila kapag daw nag-share kayo sa pagkain ng isang buntis, aantukin ka?" sambit niya habang nakangiti.

"Huh? And why is that? May pampatulog ba ang laway ko?" kunot-noo kong sabi.

Ayesha's laughter filled the room.

Binibiro yata ako ng babae na 'to.

"Alam mo, ngayon ko lang talaga napatunayan kung gaano ka ka-inosente sa buhay. Well, what would I expect sa babaeng walang ginawa kundi pagtuunang pansin ang pag-aaral niya?" kibit-balikat niyang ani.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Seriously, Ayesha? Hindi magkakakonek iyang mga sinasabi mo. Nakasindi ka ba?" inis na tanong ko.

Inirapan niya naman ako saka maarteng inilagay ang takas niyang buhok sa tainga.

"Well, Mrs.Villa Cruz ganito kasi 'yan, may mga iba't ibang paniniwala ang mga matatanda sa buntis, katulad na lamang nang sinabi ko sa iyo. Hindi maipapaliwanag ng s'yensa ang ilan sa mga iyon, pero karamihan talaga ay naniniwala," paliwanag niya.

Tumango na lamang ako kahit ang totoo ay wala pa rin akong naintindihan sa mga iyon.

"Mas marami ka pang alam kaysa sa akin, ako itong buntis," nakanguso kong saad at sumubo ulit ng icecream.

"Because I have a life when we're still studying, while you, arghh! Ako lang yata at si Rozz ang nakapagtiis sa iyo at sa mga libro mo." She rolled her eyes at the last line.

I chuckled because I know it's true. Pag-aaral ang priority ko noong pumapasok pa ako habang sila nag-aaral din naman, pero may iba't iba pang nakahalo roon; relationships, night outs, parties, travelling, and so on.

Pakiramdam ko ay saka lang ako nakatungtong sa tunay na mundo nang nakapagtapos ako. I partied with Ayesha, bitching someone I don't like, having a so called crush and etc.

"Speaking of Rozz, matagal nang hindi tumatawag sa akin iyon. Tumawag ba sa iyo?" I asked.

She rolled her eyes for the nth time as if I'm asking a horrible question. "May I just remind you, kayo ang close, hindi kami. Tayo ang close, hindi kami. Gets?" she said while pointing her fingers sideways.

Ngayon naman ay ako ang nagpaikot ng paningin. "I'm just asking, bakit ba ayaw na ayaw mo sa kaniya? He's a good person," I pointed out.

Bigla naman siyang sumeryoso at saka pumangalumbaba sa lamesa. "Ghorl, hindi sa totally na ayaw ko sa kaniya, I just hate the part that he's fucking obsess with you," walang kalatoy-latoy niyang saad.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon