KABANATA 12

120K 4.1K 1K
                                    

Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa isang mamahaling restaurant. Nagtataka man ako sa mga ginagawa niya ay hinayaan ko na lamang iyon. Ayaw kong mag-isip ng mga negatibong bagay para hindi malungkot ang baby ko. Nakakatawang isipin na kahit linggo pa lang s'ya sa tiyan ko ay gano'n na agad kalayo ang naiisip ko.

Sulitin na lang natin anak ang mga panahon na ito.

"How's work?" pormal niyang tanong.

"Ayos naman, nagkakaproblema minsan pero nareresolba naman agad. You?"

Binitawan niya ang kanyang kutsara at nagpunas ng bibig. Uminom muna siya bago tumingin sa akin.

"Hectic, nakakapagod," malumbay na wika niya.

"Did something happen?" lakas loob kong tanong.

"Mayroon kasing isang proyekto sa Cavite ang pumalya kaya iyon ang inaayos ko nitong mga nagdaang araw. Mabuti na lamang maayos na ang lahat. Now, magkakaoras na ako sa 'yo," aniya at ngumiti sa akin.

Stilled.

Tumawa ako ng peke para maiwala ang ilang ko. Nagpatuloy naman siya sa pagkain. Mayamaya pa ay tumunog ang telepono niya, tumingin siya sa akin at sinagot iyon.

"Okay, just leave it there. Thanks," simpleng sagot niya sa kausap at ibinaba na ang linya.

Gano'n lang kabilis 'yon? Do'n kaya sa babae niya gano'n din kabilis sila mag-usap? Napailing ako sa isip ko.

Think positive, Cassandra.

"It's Daevon, my friend, yung bestman ko no'ng kasal natin."

Tumango ako saka nagpatuloy sa pagkain gano'n din naman ang ginawa niya. "Siya rin 'yong pinagbalakan mong i-body shot," walang kalatoy-latoy niyang sabi.

Nasamid naman ako saka siya tiningnan nang nagtataka.

He smirked at my reaction. "Seems like hindi mo maalala. The last time I picked you up with your friend naabutan kitang umiinom at astang hahalikan ang kamay niya." Umigting ang panga niya na para bang nakikinita niya pa rin iyon sa isip niya.

Tila napunta lahat ng dugo ko sa mukha. Now I remembered, kaya pala napakapamilyar niya no'ng oras na 'yon.

I heard him chuckled. Bumalik ang atensyon ko sa kanya. He's smiling while staring at me.

"Pretty."

With that, I blushed more. Hindi na sa hiya kundi sa kilig kaya lalo siyang humalakhak. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at pinatakan ako ng saglit na halik sa labi bago muling umupo. Kung may ipupula pa ako 'yon na siguro ang pinakamapula kaya naman napatakip na lang ako ng mukha.

"Aww, my baby's blushing," malambing niyang saad.

"Damn you, Villa Cruz," I hissed.

"Yes, Mrs.Villa Cruz?"

I was left speechless.

PASADO alas sais na nang nakauwi kami sa building kung nasa'n ang unit namin. Sinalubong siya ng guard at may iniabot na paperbag, iyon siguro 'yong itinawag sa kanya ng kaibigan niyang si Daevon.

"Let's go?" nakangiting anyaya niya sa 'kin sabay lahad ng kamay niya.

Napakaimpokrita ko sa parteng kung anu-anong negatibong iniisip ko sa kanya pero gusto ko rin naman ang mga ito. Pagkapasok namin ng unit ay nagdiretyo agad siya sa kusina samantalang sa k'warto naman ako para makapagbihis.

'Yong mangga ko. Mangiyak-ngiyak ako sa isiping iyon. Hindi ko alam kung sadya ba talagang ganito ang buntis pero nakaka-stress kapag 'di mo nakuha 'yong gusto mo.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon