KABANATA 34

108K 3.2K 424
                                    

It's been a month since I got discharge from the hospital. Minsan naisip ko rin na isa na ang ospital sa mga pasyalan ko. Tss!

Nandito kami ni Adrian sa condo unit ni Andrei, hindi siya pumayag na hindi kami magkakasama. Hindi ko naman siya tinutulan pa. Sa lahat ng nangyari sa amin pakiramdam ko ay gagawin ko ang lahat para lang makabawi sa kanya.

Kasalukuyan kong pinapanood ang mag-ama ko na busy sa panunuod ng cartoons. Sa ilang linggo na magkakasama kami roon ko lang talaga napatunayan na magkasundong-magkasundo si Andrei at Adrian. Walang bakas ng hindi pagkikita o ilang. Hindi ko tuloy naiwasan na ma-guilty.

Gano'n ba ko naging tutok sa pagtratrabaho at hindi ko napansin na nasa kuta ko na pala ang lalaking ito?

Lumingon sa gawi ko si Andrei dahilan para magtagpo ang mga paningin namin. Ngumiti siya sa akin at saka bumulong sa hangin.

"I love you," he mouthed.

Awtomatikong nag-init ang pisngi ko. He chuckled when he saw my reaction. Umiling na lamang ako at dumiretyo ng kusina para ayusin ang pagkain.

Sa mga nakalipas na mga linggo ay palagi siyang ganito. Kung hindi mangyayakap o manghahalik ay bigla naman siyang maglalambing ng gano'n.

Papatayin niya ata ako sa kilig.

Ilang minuto pa ang lumipas habang nag-aayos ako ng hapagkainan ay narinig ko ang mga yabag nila papalapit. Pumulupot ang matitipunong braso ni Andrei sa aking bewang at pinatakan ng halik ang sintido ko.

"I love you, wife," malambing na bulong niya.

Tulad ng palagi kong reaksyon, iyon na naman ang nagkakarera kong puso. Imbes na tugunin siya ay pinatakan ko na lamang ng halik ang pisngi niya at marahan kumalas.

"Let's eat."

Dumaan ang lungkot at pagtatampo sa mukha niya at alam ko kung ano'ng dahilan niyon. Sa halip na pagtuunan ng pansin ay hinayaan ko na lamang siya. Napangiti ako sa isip ko nang naalala lahat ng mga plano ko.

Sisiguraduhin kong tatatak sa kanya ang lahat.

Masaya kaming kumain dahil na rin sa maganang pagdaldal ni Adrian. Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang paghanga ko sa anak namin, tatlong taon pa lamang siya pero marami na siyang alam. Malawak ang kanyang pag-intindi at kakayahan. 

"I'll bring you somewhere tomorrow," nakangiting wika ni Andrei habang nakatingin sa amin ng anak niya.

Katatapos lang naming kumain at ngayon ay nasa sala upang magpaantok.

Kunot-noo ko siyang tiningnan at pinagtaasan ng kilay. "Shopping?" tanong ko na agad niya namang inilingan.

"It's a surprise," aniya.

Ang kaninang anak ko na tutok sa panunuod ng tv ay agad na pumalakpak nang narinig na may surpresa ang kanyang ama. Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahang iyon nang tumunog ang doorbell ng unit. Tulad nang inaasahan, nagtatakang tumingin sa akin si Andrei.

"May inaasahan ka bang tao sa ganitong oras?" salubong na kilay niyang tanong.

Painosente naman akong umiling kaya naman kusa siyang tumayo at naglakad patungo sa pintuan.

"Delivery po para kay Sir Andrei Villa Cruz," rinig kong sabi ng tao sa labas.

Nagtataka man ay tinanggap ni Andrei ang iniabot sa kanyang kahon at pinirmahan ang ibinigay na papel. Tuluyan na ngang nagpaalam ang delivery boy kaya isinara na niya ang pinto. Nakatitig ang kanyang berdeng mata sa akin habang naglalakad pabalik na animo'y nanghahalukay ng isipan. Napasinghal ako sa isip ko saka pasimpleng tinapik ang anak ko.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon