KABANATA 17

123K 3.4K 497
                                    

⚠️🧹🧹🧹⚠️

Lumipas ang mga araw na puros saya lang ang nararamdaman namin. Lambingan dito, lambingan doon. Tulad nang sinabi ng doktora, nagpahinga muna ako sa pagtratrabaho kaya naman si Andrei ang sumalo ng mga iyon. Gusto kong humanga sapagkat nagagawang pagsabayin ng asawa ko ang kumpanya niya at sa amin kahit pa magkaiba iyon ng klase.

Sa mga nagdaang araw na iyon ay hindi namin napag-usapan si Yhanna. Wala akong ideya kung ano na ba'ng nangyari sa kaniya, sa kanila. Basta ang malinaw lang sa akin ay kasinungalingan ang mga sinabi niya. May parte sa isip ko na naaawa at naiintindihan siya. Nasaktan siya at nasisigurado kong mahal niya si Andrei kaya niya nagawa ang lahat ng 'yon, pero mayroon din sa loob ko na naiinis at nagagalit dahil muntik nang mapahamak ang mga anak ko ng dahil sa kaniya.

"Earth to Cassandra," pagkuha ng kaibigan ko sa atensyon ko.

I tsked and drank my chocolate frappe—which I made her bought.

Nandito ngayon sa condo namin si Ayesha. Mukhang gusto talaga ng mga anak ko na pinahihirapan siya kaya naman nakiusap ako sa kaniya na bil'han ako ng frappe at dalahin dito.

"Ano'ng iniisip ng mahal na prinsesa?" tanong niya sa akin habang umiinom din nang binili niyang inumin para sa kaniya.

"That girl," simpleng sagot ko.

Tinaasan niya naman ako ng kilay bago niya inilapag ang iniinom niya sa lamesa. Naka-dekuwatro siyang umupo at sumandal sa sofa.

"At ano naman ang mga iniisip mo tungkol sa kaniya?"

Ibinaba ko rin ang iniinom ko at sumandal sa sofa. "May balita ka ba tungkol sa kaniya?" usisa ko kahit alam kong napakaimposible n'yon.

"Nothing, huling kita ko sa kaniya ay no'ng naospital ka nga dahil sa katangahan niya."

"Speaking of, wala kasi akong matandaan no'n. Hindi ko rin naman natatanong si Andrei dahil hindi namin nagiging topic 'yon. What happened that day?" I asked.

"Hmmm... 'yon nga, buti na lang sakto ang pagdating niya noong araw na iyon. Kasi ghorl, hindi ko talaga alam ang gagawin sa iyo kundi ang magsisigaw ng tulong. Takot na takot akong hawakan ka kasi baka mamaya magkamali ako at mapahamak pa kayo," pagsisimula niya sa kuwento.

"Si lolo mong superhero mabilis na lumapit sa 'yo at maingat kang kinarga.  Lumapit sa kaniya si dephotta at nags-sorry, pero mabilis siyang tinabig ng juwawa mo.

"Tapos syst, nakakatakot siya that time. Sabi niya talaga no'n 'kapag may nangyari sa mag-ina ko mapapatay kita' 'tapos ayon, mabilis siyang tumakbo para madala ka sa ospital."

"Nagulat nalang ako nang sumunod siya sa amin sa ospital. Iyak siya nang iyak no'n habang paulit-ulit na nags-sorry sa asawa mo, hindi niya raw alam. S'yempre mainit ulo ko no'n, sinigaw-sigawan ko siya. Sabi ko  'punyeta kang babae ka! Lakas ng loob mong sumunod dito! Lumayas ka rito at baka makalimutan kong buntis ka at mabugbog kita!' g na g ako no'n, bitch."

"Tapos 'yon, naintriga 'yong labidabs mo. Gulat na gulat siya sa sinigaw ko at tinanong 'yong babae kung ano'ng pinagsasabi ko. Then 'yon, nag-usap sila sa gilid. Nagulat pa nga ako nang bigla niyang suntukin 'yong pader sa tabi. Umalis na si haliparot pagkatapos n'yon, or should I say pinaalis na siya ni Andrei."

"Iyon ang huli kong kita sa kaniya," pagtatapos niya saka muling kinuha ang frappe niya at ininom.

Napabuntonghininga naman ako nang narinig ang mga nangyari. "I don't know, pero naaawa ako sa kaniya," ani ko.

"Hmmm... ine-expect ko na iyan. Hindi ko makakalimutan. You are Cassandra Monasterio, ang napakabait na babaeng nakilala ko. Napakalayo ng ugali natin, 'no?" natatawang sambit niya na nakapagpatawa rin sa akin.

C H A I N E D  (MarriageSeries#1) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon