Chapter 14

116 2 5
                                    

Rokia's pov

"Wala ka bang plano na sumabay sa kanila sa baba?" tanong ko sakanya.

"Wala," sagot niya habang nakahawak sa ice na inilagay niya sa paa ko.

"Pagod ka sa paglakad kanina. Tapos binuhat mo pa ako pababa sa bundok tapos hanggang dito sa kwarto. Hindi ka gutom?"

"Ayos lang, makikita lang kita, nawawala na pagod at gutom ko," sabay ngiti sa akin.

Kinuha ko ang throw pillow dito sa couch at binato sakanya, pero naiwasan niya iyon. Talagang bumabanat pa 'no?

"Baka umiyak 'yong prinsesa mong nature lover dahil iniwan mo," sabay irap ko.

"She can take care of herself—"

"Sinasabi mo bang hindi ko kayang alagaan ang sarili ko?! Kaya kong alagaan ang sarili ko!"

"Let me finish the sentence first. Okay?" inirapan ko lang siya. "Kaya niya ang sarili niya, alam ko rin na kaya mo ang sarili mo. Pero, gusto kitang alagaan, e."

Napalunok ako at tumingin sa labas, nararamdaman ko naman kasing namumula ang pisngi ko. Damn, Panget bakit ganito epekto mo sa akin?! Pwe! Naiinis pa rin ako!

Its dark out there, nandito na kami sa resort. Nasa couch kami ngayon ni Ace, nasa kabilang dulo siya at nilalagyan ng ice bag ang paa kong na injured kanina. Naghapunan sila sa baba. Sabi ni Bea ipapahatid niya ang pagkain namin ni Ace.

"Tsk."

"Wag ka ng magselos, kaklase ko lang si Stephanie."

"Kaklase lang daw," panggagaya ko sa boses niya, sabay irap ko.

"Ikaw nga, may kasama ka pang panget na unggoy kanina. Tuwang-tuwa ka pa nga sa selfie niyo."

Napanganga ako sa sinabi niya at sinulyapan siya, his pouting. Ang cute—agad kong ibinaling ang paningin ko sa ibang bagay. Naiinis pa rin ako sa'yo! Kahit anong pa-cute 'yan, hindi 'yan gagana! Teka, anong sinabi niya?  Unggoy? Si Justine? Talaga? Wow!

"Sinusubuan ka naman ng prinsesa mo kanina. Favorite mo pala ang adobo?" ganti ko.

"Hindi ko kinain. Gusto ko lang ikaw magsubo sa akin."

"Hindi ka naman bata para subuan, duh. You have your own hands, Panget," sabay irap ko.

"Hindi ba ako ang baby mo?"

"A--anong sabi mo?!" tanong ko at nilingon siya. I can feel my face heated up more! Ewan ko ba kung natutuwa ako o mahihiya?!

Tumawa lang siya. Sinipa ko siya ng mahina, pero tumayo siya kaya naiwasan niya 'yon, tumatawa pa rin siya. Tiningnan niya ako at ngumiti, halatang nagpipigil sa pagtawa.

"Nothing, Boss!" sabay lakad papunta sa banyo.

"Tapos na ba 'to?"

"Ang alin?"

"Ang paglalagay ng ice bag!"

"Hindi na masakit?"

Bumalik na siya galing sa banyo. Nakatayo siya sa harapan ko. Sinubukan kong igalaw ang paa ko, medyo masakit pero ayos lang.

"Ayos lang."

"Gutom ka na ba?"

"Hmmm," sabay tango.

"Tatawagin ko muna si Bea," sabay labas ng cellphone niya at nagdial na.

May number siya ni Bea? Nakatingin lang siya sa akin.

"Gutom na si Rokz, sige, sige, hintayin namin, salamat," sabay baba ng cellphone, ito yung cellphone niya noon, yung samsung S7 niya. Yung ipinakita niya sa amin pagkatapos ng laro.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon