Chapter 51

56 3 0
                                    

Rokia's pov

It's been weeks mula ng mag-usap kami ni Mikael. Hindi pa rin mawawala sa isip ko. Ganun ba ako kasama? I'm just protecting my heart from the pain. Bakit parang ako pa ang masama?!

"Oh, Apo, hindi ka pumasok."

Sinulyapan ko si Lolo na nakatyo sa may pinto at tinalikuran. Niyakap ko lang ang unan ko, naramdaman kong umupo siya sa paanan ko.

"Apo, may problema ka ba? Ilang araw ka ng hindi pumapasok."

"I'm fine."

"Tigas talaga ng ulo mo."

"Tanda!"

"Sabi ni Emma, mula ng kausapin ka ng kaibigan ni Ace na si Architect Montez, wala ka raw sa mood mula ng mag-usap kayo. Lutang ka rin daw sa office."

"Wag mo akong kausapin."

"Bahala ka, magsasalita ako kung gusto ko."

"Tss," napairap nalang ako.

"Nagmana ka talaga sa Mama mo. Ang tigas ng ulo."

"Che."

"Alam mo bang muntik ng maghiwalay ng tuluyan ang Mama at Papa mo?"

Napabangon ako dahil sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa labas.

"Hindi 'yan totoo."

"Totoo ang sinasabi ko, ayaw mo pang maniwala."

"Baka gumagawa kayo ng kwento."

"Edi sana nagsulat nalang ako ng libro."

"Hmp."

"Totoo nga, kahit tanungin mo pa mga katulong natin. Si Wela, siya pinakamatagal na katulong natin dito. Saksi siya sa pangyayari."

Tahimik lang ako at naghihintay sa susunod na sasabihin ni Tanda.

"Dahil sa pangyayaring iyon muntik na silang maghiwalay. Magfafile na sana ng divorce ang Mama mo."

"Ganun ba kalala ang nangyari?"

"Ay, hindi, Apo. Mild lang, kaya nga magfafile sana ng divorce."

"Tss."

"Malala, Apo."

"Parang hindi ko maimagine. Ano ba kasi ang nangyari? Impossible naman."

"Nahuli niya ang Papa mo na may kasamang iba."

Nanlaki mata ko dahil sa sinabi niya. Tiningnan ako ni Tanda.

"Shocking ba?"

"You're kidding."

"Hindi nga. Seryoso ako."

"Heh."

"Hays, tatawagin ko nalang si Wela," sabay tayo at labas ng kwarto.

Hindi naman siguro nagjojoke si Lolo, 'no?

Bumaba ako at sumunod naabutan ko sila sa kusina. Napatingin sila sa akin.

"Tanungin mo si Wela sa lahat."

"Sigurado ba kayo, Sir Ray?"

"Hmmm, para magising 'yan sa katotohanan."

"Heh, bakit? Natutulog ba ako? Tss."

Tinapik lang ni Lolo ang balikat ko bago lumabas ng mansion. Tiningnan ko si Ate Wela.

"May gusto ba kayong kainin, Miss Rokia? Inumin?"

"Ayos lang. Gusto ko malaman kung totoo ba sinasabi ni Tanda."

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon