Chapter 30

55 3 0
                                    

Rokia's pov

Naiinis ako kay Panget! Tinadtad ko siya ng mga message at calls pero ayaw niya pa rin magreply. Bakit ganun?! Nakontak siya ni Mayuki tapos ako hindi! Nakakainis! Tanging seen lang!

Rokia: Hoyyyyy

Rokia: Reply!

Rokia: Ano bang problema mooo 🙄

Rokia: Magreply!

Seen

Rokia: Ayaw mo talagang mag reply

Seen

Dinial ko siya pero hindi niya sinagot. I groaned in frustration. Pwede ba bumyahe papuntang America para suntukin siya?! Argh! Kainis!

Ace is typing...

Sa wakas! Nag typing ka na rin—

Ace: ?

"Argghhh!"

"Hoy Rokia, ano bang nangyayari sa'yo?" napatingin ako kay Mayuki na may dalang libro, nasa may pinto siya nakatayo.

"Ayaw niya pa rin magreply!"

"Stop shouting, hindi ako makapagconcentrate," reklamo niya. "Wala ba kayong mga assignment? Or quiz para bukas? Mag-aral ka."

"Hindi ako mapakali, hindi ko siya makontak tapos ikaw natawagan mo!"

"Calm down, Rokia, stop shouting."

"Nakakainis kasi."

"Sabi ni Ace may ginagawa siyang model ngayon, pagkatapos ay baka magreply na 'yon sa'yo. Mag-aral ka muna diyan. Okay?"

Tumango nalang ako at isinirado na ni Mayuki ang pinto. Tiningnan ko ang cellphone ko. Hmp, question mark lang pala, huh. Tingnan natin kung anong gagawin mo ngayon.

You can't reply to this conversation. Learn more

Pinatay ko rin cellphone ko at nag-aral na, bahala si Panget. Ayaw niya akong kausapin, pwes ayaw ko na rin siya kausapin! Bahala siya mag-alala doon sa kabilang parte ng mundo.

Umupo na ako sa upuan ko at kinuha ang libro ko. Binuksan ko iyon at binasa. Underlining the important words para mas madaling maalala. Hindi ko alam ilang oras akong nag-aral, inaantok na ako. Humiga na ako sa kama at pumikit.

Nagquiz kami sa ilang subjects, kung tinatanong niyo kung nireplyan ko ba si Panget, well, hindi! Hindi ako nag-online mula kanina! Hindi ako nag-goodnight at nag-good morning sakanya. Heh, ayaw niya akong kachat! Disturbo ako, tch.

"Miss Rokia!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin, nandito ako sa cafeteria. Si Jhake pala at Elric. Umupo sila sa harapan ko, tinaasan ko sila ng kilay.

"Ano?"

"Hindi ka raw makontak ni Ace," sagot ni Jhake.

"Ayaw niyang magreply sa akin, bahala siya."

"Naku, Miss Rokia, nag-aalala na 'yon sa'yo," sabi naman ni Elric.

"Hmp, bahala siya. Ayaw niyang mag-reply kagabi," tumayo na ako. "Una na ako sa inyo, may klase pa ako," tinalikuran ko na sila.

"E unblock mo raw siya sa messenger!" pahabol ni Jhake.

Hmmm. Ayoko nga! Nandito na ako sa classroom, umupo ako at kinuha ang libro ko para magreview. Iniwan ko rin cellphone ko sa bahay, may dala naman akong cellphone. Keypad, tanging driver lang at number ni Lolo ang naka save dito.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon