Chapter 16

90 3 0
                                    

Mayuki's pov

Nakahiga ako kama ko ngayon, bakit ko ba kasi ginawa 'yon?! Ilang araw na ba ang lumipas? Its been three days mula nagbakasyon kami. Masaya ako dahil ayos na sina Ace at Rokia.

E, ako?! Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?! Oo, naalala ko lahat ng nangyari nung gabing 'yon. Parang malaking alon na pumasok ang mga alaala ng gabing 'yon.

Wala rin akong narinig kay Nate.

(T ^ T)

Aware naman ako, I'm totally aware! Nahihiya ako! Sino ba naman ang hindi mahiya?! Miss ko siya.

Oo! Miss ko ang bestfriend ko. Pero, inuunahan ako ng hiya (x.x)!

"Mayuki, wala ka bang planong lumabas ng kwarto mo?" napatingin ako sa may pinto, nakatayo doon si Rokia.

"Wala."

"Ayos na ba kayo?"

"Nahihiya pa rin ako."

"Ewan ko sa'yo. Magsisisi ka rin kung hindi mo kakausapin si Nate," inirapan niya ako at lumabas, kasabay ng pagsirado ng pinto.

Napabuntong-hininga ako. Matutulog nalang ako, wala naman akong gagawin. Pumikit ako, bakit ba kasi nagyaya si Bea ng bar noong gabing 'yon?!

Pagkapasok namin sa bar na sinasabi ni Bea, ang daming tao. Bar ba 'to o club? Ang ingay, dami pang taong nagsayawan. Umupo kami sa isang table na may couch.

"Order tayo ng drinks!" yaya ni Bea.

"Bea, hindi tayo magpakalasing ngayon, diba, mag island hopping tayo bukas?" tanong ni Elric.

"Gusto ko sumayaw, tara na! Please!"

Umalis silang dalawa para mag-order ng drinks, katabi ko si Nate, tahimik lang siya. Sinulyapan ko, naglalaro pala. Sumilip ako sa nilalaro niya. Clash of clans.

"Nakainom ka na ba, Nate?" tanong ko.

"Oo. Nakainom na ako."

"Oh? Sino kasama mo?"

"Matagal na 'yon. It was just a dare."

"Magkwento ka," sabi ko.

Sinulyapan niya ako at ibinalik ang tingin sa cellphone niya at nagpatuloy siya sa paglaro.

"Outing namin noong highschool. Truth or dare ang laro. Alam naman nila na hindi ako umiinom. Pinainom nila ako ng tatlong shot. Mabuti nalang hindi ako nalasing kaagad."

"Edi wow."

Dumating na ang drinks namin, nagsimula na kaming uminom. Wine lang ang naiinom ko, masarap kaya ang beer? Sa unang inom ko, ang hapdi sa lalamunan! Hindi ko maiintidihan, pero masarap!

"Mayuki, sayaw na tayo!" yaya ni Bea.

Uminom muna ako bago tumayo. Baka dahil sa alcohol nawawala ang hiya ko. Pumunta kaming tatlo nila Cath sa dance floor, nagpa-iwan sina Elric, susunod lang daw sila. Nagtatawanan lang kaming tatlo nila Bea at Cath habang sumasayaw.

"Anong dance moves ba 'yan, Mayuki?" natatawang tanong ni Bea.

"Hindi naman ako marunong sumayaw, e!"

"Baka dahil sa kakaaral ni Mayuki hindi na alam kung paano sumayaw," natawa kami sa sinabi ni Cath.

Ilang saglit ay nakaramdam ako ng hilo at pagod na ako sa kakasayaw. Nagpaalam ako na bumalik sa table. Nagkasalubong kami nila Elric.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon