Chapter 17

117 2 0
                                    

Mayuki's pov

"Ayos lang ba 'tong susuotin ko?" tanong ko kay Rokia at umikot habang suot ang kulay royal blue na dress, v neck ang style, at flowy na ito pababa, above the knees lang.

"Nakailang palit ka na ba?" bored na tanong ni Rokia habang nakahiga sa kama ko.

Nakita kong dami kong damit na nakalatag sa kama.

"Parang ang panget kasi."

"Wow, hiyang-hiya naman ako sa'yo!" naka black fitted dress siya, with a halter top design.

"Kasi..."

Bakit nga ba nag-aayos ng bongga, e simpleng party lang naman.

"Nagpapaganda ka para kay Nate?"

"Hindi!"

"Bahala ka, halata naman sa kilos mo. Don't me, Mayuki. Don't me," tumayo na siya at inayos ang damit niya. "Tara na sa baba. Papagalitan na tayo ni Tanda!" sabay lakad palabas ng kwarto ko.

"Hey! Wag mong tawaging ganun si Lolo!"

"Whatever!" at tuluyan ng bumaba.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at bumaba na.

"Ang tagal niyo naman mga apo," sabi ni Lolo.

"Matagal kasi nakapili si Mayuki ng damit," sabi ni Rokia.

"Nandoon na sina Meshel. Tara na."

Lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan. Ang lamig ng kamay ko, umaakyat na ang kaba ko sa dibdib ko.

"Mukha kang natatae diyan," sabi ni Rokia at inirapan ako.

Palibhasa, maganda ang lovelife dahil umuwi si Ace. Inirapan ko na rin siya. Huminto ang sasakyan, ibig sabihin ay dumating na kami sa destination. Bumaba na kami, sinalubong kami ni Ma'am Cass at Aunty Hannah.

"Good evening Ray!" bati ni Ma'am Cass, nakipagbesohan kami sakanya, pati si Aunty Hannah.

"Good evening din, sorry natagalan kami," sabi ni Lolo.

"Ano ka ba, ayos lang, tsaka, kakarating lang din ng mga bata," sabi ni Ma'am Cass.

"Pasok na tayo," yaya ni Aunty Hannah.

Pagkapasok namin sa mansion, ang tahimik naman. Akala ko ba may party?

"Nasa labas ang party, sa may garden," parang nababasa ata ni Aunty Hannah ang nasa isip ko. Tumango lang ako, paglabas namin.

Ang ganda, kahit simple lang ang ayos maganda pa rin. May nakalagay na banner doon malapit sa buffet table.

Welcome home Ace Hayate!

Meron ding mga lanterns na nakasabit sa puno na nandito. Nandito mga kapatid ni Ace, meron din akong nakitang hindi kilala. I guess mga employee ni Ma'am Cass, naka office attire kasi sila. Nakita ko sina Bea. Kinawayan ako ni Cath. Lumapit ako sakanila.

"Tagal niyo," bulong ni Bea sa akin.

"Kasi, natagalan akong pumili ng damit," at umupo ako sa tabi ni Bea.

Its a round table, good for eight people. Ito ata pinaka malaking table na nandito.

"Nasaan si Rokia?" tanong ni Cath.

"Ewan ko, sabay kami pumasok kanina."

Magsasalita sana si Bea ng may tumawag sa akin.

"Tita Yukiiiii!" napalingon ako sa likuran ko.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon