Chapter 19

96 3 0
                                    

Mayuki's pov

"Mayuki, anong oras ang shoot bukas?" tanong ni Rokia habang nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.

"9am," sagot ko.

"Okay," sabay sirado ng pinto.

Kakagaling ko lang magbasa ng libro tungkol sa isa sa mga subjects ko. Its been four days mula ng kinausap kami ni Ma'am Cass or Tita Cass—or Lola Cass. Nung araw na bumisita si Ace, sa hapon na iyon ay nakipagkita siya sa amin ni Rokia at tinanong kami kung ayos lang ba sa amin na maging model sa bago niyang ilalaunch na damit.

Pumayag naman si Lolo kaya ayos lang, nasa amin naman ang decision kung tatanggapin namin ang alok o hindi. May bayad din kaya kinuha namin ang alok.

Napahiga ako sa kama, limang araw na ang lumipas mula noong party ni Ace. Nag-usap kami ni Nate nun kaya natagalan akong umuwi.

Niyaya niya ako sa pool area, gusto niya ako makausap. Kinakabahan ako, alam ko naman na nag-uusap kami kanina habang kasama si Emmanuel at noong kumakain kami, pero hindi gaya ng dati na chikka ng chikka. Napabuntong-hininga ako, parang tungkol ito sa gabing 'yon.

Sa gabing ang tanga ko.

Binuksan niya ang gate doon at umupo sa isa sa mga pool lounger. Tumayo lang ako sa gilid niya.

"Sit down."

Umupo ako, magkaharap kami ngayon. Tumingin ako sa swimming pool, gumagalaw ang tubig dahil sa hangin. Ayaw kong tumingin kay Nate dahil nahihiya pa rin ako.

"Tungkol saan pala ang pag-uusapan natin?" tanong ko habang hindi nakatingin sakanya.

"Galit ka ba sa akin?" napatingin ako sakanya dahil sa tanong niya. Napakurap ako ng ilang beses, magsasalita sana ako ng tumawa siya ng mahina.

"No, wait. Hindi na pala ako dapat nagtanong kung galit ka ba sa akin o hindi," nakita kong napabuntong-hininga siya. "Alam ko kung bakit mo ako iniiwasan. Nahiya ako sa ginawa ko. I'm really sorry, Mayuki. Hindi ko iyon sinadya. You can slap me."

"W-wag na!" seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.

"I don't know if naaalala mo ba ang lahat ng nangyari. I'm really sorry for what happened. I'm sorry for making you uncomfortable right now, alam kong ayaw mo itong pag-usapan. Gusto ko lang humingi ng tawad."

"Hmmm. Sorry din," yumuko ako. Iniiwasan ko ang tingin niya.

"Sigurado ka bang ayaw mo akong sampalin?" tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niya.

"Bakit? Gusto mong sampalin kita?"

"Hmmm, gusto. Para gumaan naman pakiramdam ko. Atleast, para mabawasan ng kaunti ang nararamdaman mong galit o inis o kahit ano para sa akin."

"Wag na, baka sugurin ako ng mga fans mo."

"Hindi ka na galit sa akin?"

"Uh, hindi naman ako galit sa iyo or ano. Nahihiya lang ako."

"I'm sorry for opening this topic. Hindi ako mapakali na hindi mo ako kinakausap."

Ganun din pala nararamdaman niya?

"Ayos lang, sorry din."

"Let's just forget about what happened. Let's just say na walang nangyari na ganun. I don't want you to feel uncomfortable."

"Sige."

Nakita kong sinulyapan niya ang relo niya at tumayo na siya.

"Its getting late. Ihatid na kita."

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon