Chapter 57

83 7 0
                                    

Emma's pov

Ang sakit talaga ng ulo ko, para mabibiyak na ata. Oh my ghaddd! Ito ba ang sinasabi nilang hangover?! Paano ba ako dumating sa kama ko? Kagabi..

Teka..

Ano bang nangyari kagabi?

"Oh, you're awake."

Napalingon ako sa nagsalita, tinitigan ko siya dahil nanlalabo pa paningin ko. Nanlaki mata ko ng makilala kung sino siya.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito sa kwarto namin?!"

"Binabantayan ka, mahal na reyna," bored niyang sagot, nakaupo siya sa paanan ng kama habang hawak ang cellphone niya.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.

"Ayan, sumama kasi sa taong hindi naman kilala," rinig kong sabi niya, lumabas siya ng kwarto.

"Hindi naman ako sumama, ah."

"Here, take this medicine," sabay abot ng gamot at baso na may laman na tubig.

"Nasaan pala sila Miss Dizon?" tanong ko pagkatapos uminom ng gamot.

"Hindi ko alam kung nasaan si Miss Dizon at Kuya, maybe they are together. Sina Kuya Elric ay nagmomovie marathon sa kwarto namin. Ayaw ka nilang disturbuhin sa pagtulog."

"Anong ginagawa mo dito? Ayaw mo manood ng movie?"

"Tch. Hindi. Kaya nga binantayan kita dito, diba? Psh."

"Ano palang nangyari kagabi? Paano ako napunta dito?"

"Ewan ko, may naghatid sa'yo dito kagabi."

"Huh?!" napatayo ako dahil sa sinabi niya. "Sigurado ka?"

"Yeah, you're wasted kagabi. Nakalimutan ko pangalan ng lalaking 'yon. Sina Miss Mayuki kasi umasikaso sa'yo. Ngayong umaga lang kita binantayan."

Teka, sino? Hala.. Oh my gosh..

"Hoy Pader, ayos ka lang ba?"

Agad akong lumabas ng kwarto at pumasok sa banyo at nilock 'yon. I heard him called me pero hindi ko siya pinansin. Iba ang suot kong damit, ah, inasikaso pala ako ni Miss Mayuki. Pero—oh my ghad! May naghatid sa akin kagabi! Sino?!

May ginawa ba ako?! Oh my gosh! Parang mababaliw na ata ako ngayon! Hindi ko talaga maalala ang mga nangyari! I took my shirt off at tiningnan ang katawan ko sa salamin.

"Pader, ayos ka lang ba?"

"Hermes.."

"What? Lumabas ka nga diyan."

Wala naman pagbabago sa katawan ko, pero.. That's a good thing. Wala namang masakit, ulo ko lang. Inayos ko ang damit ko. Binuksan ko ang pinto pero hindi pa ako lumabas, sinilip ko si Hermes na tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong tumatakbo sa isip mo?"

"Hermes, sigurado ka bang may naghatid sa akin dito?"

"Yeah. Why?"

"Hanapin natin siya, may itatanong ako."

"About what?"

"Hermes, naman, e! I'm a girl, sabi mo lalaki naghatid sa akin dito! Paano kung may ginawa siya sa akin!"

"As if may ginawa siya sa'yo, let's go grab some food," sabay talikod.

Napaupo ako sa sahig, nanghihina ang tuhod ko. Ano ba kasi ang nangyari kagabi?! Wala talaga akong maalala!

"H-H-Ho-Hoy, Pa-Pader, why are you crying?" taranta niyang tanong.

"Ewan ko sa'yo, hindi mo ako naiintindihan," nilock ko ang pinto pagkatapos sabihin iyon.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon