Chapter 26

65 3 0
                                    

Rokia's pov

Habang napapalapit ang sabado, unting-unti akong naging malungkot. Hindi ko pinapakita kay Panget na malungkot ako dahil baka umiyak din siya kagaya ng nangyari last tuesday night.

Tumawag siya nun, pinipigilan ko ang pagluha dahil nalalapit na ang sabado. I was stunned because I heard him crying. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, mabuti nalang at unting-unti siyang tumahan nun.

Pagkatapos ng klase ko, magdadate kami. Kahit simpleng pamamasyal lang sa mall, ayos na sa akin iyon basta siya kasama ko. Pumunta kami sa arcade kahapon at nagdinner siya sa mansion.

Noong lunes nagdinner kami sa bahay nila. Nahihiya ako, noong una kong punta doon, kung hindi ako nagkakamali, iyon ang araw na paalis siya papunta sa America. Welcome na welcome ako sa bahay nila. Inasar nga kami ng mga kapatid niya. It was fun.

"Sleepover ka sa bahay nila Panget ngayong Friday?" tanong ni Mayuki habang nakahiga sa tabi ko.

"Hmmm, pumayag naman si Lolo."

"Hindi lang ikaw mag-oovernight 'no," nilingon ko siya.

"Anong hindi lang ako?"

"Hala, magslesleepover ang barkada sa bahay nila Ace, sasama kami sa paghatid sakanya sa airport."

"Ano?!" inirapan niya ako.

"Naging boyfriend mo lang si Ace, ang damot mo na!"

"Talagang ipagdadamot ko boyfriend ko!" sabay yakap sa teddy bear na binigay ni Panget. Yes, noong naglaro kami sa arcade ito ang prize. Binigay niya sakin.

"Wala namang umaagaw sa'yo niyan!"

"Well, kamusta naman lovelife mo? Zero balance pa rin ba?" pang-aasar ko, inirapan niya lang ako.

"Wala akong crush, wala akong lovelife, tsaka, mas mabuti na focus muna ako sa pag-aaral."

"Oh? Si Nate? Hindi mo crush?"

Bumangon siya at tiningnan ako ng masama. I smirked, hanggang ngayon, deny pa rin ng deny. Tsk.

"Bestfriends lang kami," sagot niya.

"Bestfriends lang kami," I mocked her. "Paano kung magkaroon ng girlfriend si Nate, anong gagawin mo?"

Nakita kong natigilan siya dahil sa tanong ko. Bumangon ako at tiningnan siya. Iyan ba ang walang nararamdaman? Psh.

"Kung magkakaroon siya edi, good for him, may mag-aalaga sakanya! Busy pa naman mga architect."

"Oh? Hindi mo ba nakikita sarili mo na alagaan siya?" at ngumisi ako.

"Hindi! Bes—"

"Alam mo, nakakainis ang sagot mo. Halata na sa kilos mo Mayuki, e. Deny ka ng deny. Bestfriends, 'yan palagi sinasagot mo. Makakaya mo kaya makita si Nate na may kasamang iba?"

"O--Oo! Kaya ko! Bakit naman hindi? Bestfriends lang kami, wala ng hihigit pa doon."

"Oh, I heard his courting someone from our the educational department," at tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

"H-Huh? Hoy, Rokia! Sigurado ka ba diyan?!"

Iniwan ko siya sa kwarto at bumaba para iinom ng tubig. Joke ko lang 'yon na may nililigawan si Nate, 'no. Gusto kong asarin si Mayuki. Pagkatapos kong uminom bumalik na ako sa taas, wala na siya sa kwarto ko. Naglakad ako papunta sa kwarto niya, naririnig kong may kausao siya sa phone.

"Nate... Ano may itatanong ako sa'yo..."

Tinakpan ko ang labi ko para mapigil ng tawa, naglakad na ako papunta sa kwarto ko para matulog. May klase pa ako bukas.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon