Chapter 23

73 4 0
                                    

Ace's pov

"Ace, nahanda mo na ba ang papers na inutos ko?" tanong ni Miss Vilma, secretary ni Kuya Henderson.

"Opo Miss, ihahatid ko nalang doon."

"Sige," sabay alis.

Nandito ako sa cubicle ko, inaayos ko ang mga papel. Sinasave ko ang file sa dalawang usb ko dito.

Last week nagdinner ako sa mansion nila Boss, napapangiti ako tuwing maalala ko ang ngiti sa mukha niya.

"Panget! Ako nagluto ng adobo!" sabi niya habang papunta kami sa kusina. Ngitian ako ni Mayuki na nakupo sa upuan niya.

"Talaga?"

"Oo! Ako nagluto niyan."

"Tinulungan namin siya, Ace. Alam mo ba, kulang nalang siguro magpalechon kasi gusto niyo lutuan ka ng maraming putahi," sabay tawa.

"Hindi, ah!"

Sinulyapan ko si Boss, namumula ang pisngi niya. Hmmm. Napangiti ako.

"Oh," sabay lahay ng isang slice ng adobo sa plato ko. Nilagyan din niya ng rice plato ko.

"Boss ako na, ayos lang," sabay hawak ko sa kamay niya.

"Gusto ko. Bakit ba?"

"Umupo ka na at kumain ka na rin."

"Fine," sabay upo. Kumuha na rin siya ng pagkain niya.

Titikman ko na ang adobo na niluto niya. Sinulyapan ko siya, hindi ko maiwasan na matawa. Ang seryoso kasi ng mukha niya.

"Bakit ka tumatawa?!"

"Ang cute mo kasi Boss."

"Tikman mo na kasi, bilis!"

Napatawa nalang ako at kumuha ng piraso, isinubo ko na iyon. Tiningnan ko siya at pinanlakihan ng mata.

"M-M--Masarap ba?!"

"Parang.."

"Ano?!"

Nasesense kong kinakabahan siya. Hahahaha. Cute!

"Parang masarap."

Napaaray nalang ako kasi naramdaman kong binatukan niya ako.

"Iba talaga kapag in love 'no? Ngumingiti lang mag-isa," sabi ni Nate, magkatabi lang cubicle namin. "Baka makita ka ng dragon diyan, naku. Bitter pa naman 'yon."

"Marinig ka nun, papagalitan ka na naman," sabi ko kay Nate, si Lorenzo kasi ang sinasabi niyang dragon.

"May date kayo ni Rokia?" tanong niya.

"Wala. Diretso ako sa bahay."

"Hindi ka dadaan sa kanila?"

"May lakad daw sila ni Mayuki."

Napakunot ang noo ni Nate dahil sa sinabi ko, pasimpleng kinuha ang cellphone niya at may tinype.

"Oh, sino tinext mo?"

"Si Mayuki," sagot niya habang hindi nakatingin sa akin.

"Oh? Bakit?"

"Tinatanong ko kung nasaan siya."

"Bakit? Girlfriend mo?" pang-aasar ko, sinulyapan niya ako. "Ah, hindi pala, bestfriend lang pala kayo," sabay tango-tango ko.

"Sige, mang-asar ka pa," matabang niyang sabi, tinawanan ko lang siya.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon