Chapter 53

79 4 0
                                    

Rokia's pov

"Anong nangyari kay Emma?" tanong ko kay Cath, galing kasi sila doon ni Jhake.

"Dumugo raw ang ilong," sagot ni Cath.

"E checheck ko muna si Emma," paalam ni Mayuki.

"Sama ako," sabi naman ni Nate at sumunod.

Nandito kami sa parte ng dagat kung saan hanggang leeg ang tubig. Hindi pa rin mawawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Bakit ba kasi nangyari 'yon?!

"Boss, ayos ka lang?"

Tiningnan ko siya ng masama.

"Wag kang feeling close."

Ngumuso lang siya, medyo malayo sina Bea sa amin. Naglalaro rin sila, yung wrestling? Yung may isang player na nakapatong sa shoulder ng isang player tapos magwrewrestling sila. Like that.

"Ayaw mong subukan laro nila, Boss?"

"Stop calling me—"

"Okay, Baby—"

"Ace!"

"Rokia," saby ngiti.

"Tss," lumangoy ako palayo.

"Hey, wag kang lumayo," sabi niya pero hindi ko siya nilingon.

"Wag kang lumapit!"

Malalim na sa part na 'to. Nagfloating ako, pumikit ako at dinama ang alon. I can feel the heat of the sun. Ang ganda nito sa pakiramdam.

Napatili ako ng may naramdaman ako sa kaliwang paa ko. Oh my God! Ano 'yon?! Barakuda?! Shark?! Piranha?! Teka, may piranha ba sa dagat?—Baka kainin ako! Shit!

Nanlaki mata ko ng biglang nagkaroon ako ng cramp! Hindi ko magalaw ang kabilang paa ko. Sinubukan kongigalaw pero wala, natatakot na ako! Baka may shark na nakanganga diyan sa ilalim! Ayoko pang mamatay!

Napansin kong ang layo ko sakanila. Shit! Hindi talaga maigalaw ang paa ko!

"Aceeee!"

Napatili ako ng naramdaman ko naman sa kabilang binti ko yung naramdaman ko kanina! Oh my God! Mama! Papa! Lolo! Help me!

Napasigaw ako ng may naramdaman akong pumulupot sa bewang ko.

"Rokia, Calm down! Its me, calm down," sab niya habang nakahawak sa akin. "Wag ka ng umiyak."

"M-May naramdaman ako kan-kanina! Natatakot ako! Baka may shark dito!"

"Seaweed lang 'yon, Boss."

"Paano kung may shark?!"

"Kaya nga sinabi ko sa'yo na wag kang lumayo. Let's go—"

"Hindi ko maigalaw paa ko. Nagkaroon ako ng cramp—hoy!"

"Yumakap ka lang sa akin. Sige ka, iiwan kita dito," banta niya.

Huminga ako ng malalim at kumapit ng mabuti sakanya. Damn it. Pagdating namin malapit kina Bea tinanong nila kami anong nangyari. Si Ace na nagpaliwanag, napagod ako kakasigaw kanina dahil sa takot.

"Maigalaw mo na ba paa mo?" tanong niya.

"Doon nalang ako sa may buhangin," tatanggalin ko na sana ang pagkayakap ko sakanya pero hinawakan niya kamay ko.

"Dito ka lang, sumandal ka lang sakin. Natakot ka kanina, diba?"

"Doon nalang—"

"Rokia, I'll catch you.. Dito lang ako.. Hindi ako mawawala.."

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon