Chapter 28

62 4 0
                                    

Rokia's pov

"Namamaga na mata mo, nagmumukha ka ng zombie," sabi ni Mayuki na nakahiga sa tabi ko.

Nandito kami sa kwarto ko, ewan ko kung bakit pumunta siya dito para mang-asar.

"Isang buwan na ang lumipas, pull yourself together, hindi matutuwa si Ace kapag nalaman niyang palagi kang umiiyak."

"Namimiss ko siya."

"Lilipas din 'yan at masasanay ka. Para naman sa inyong dalawa ang ginawa niya."

"Ang hirap," ang sakit ng lalamunan ko, my vision blurred, may mga luhang tumulo.

"Gusto mo kumain ng fried chicken? Pizza? Ice cream? Bibili ako. Stop crying."

"Pwede rin."

"Sige, bibili ako, babalik din ako," at lumabas na ng kwarto ko.

Napabuntong-hininga ako, pinahid ko ang mga luha ko at bumangon. Isang buwan na nga ang lumipas simula ng umalis si Panget. Pagdating niya doon medyo busy siya dahil sa enrollment at may mga bagay pa siyang inasikaso, importante raw.

Sunday ngayon, bukas klase na naman. Tapos ko ng ginawa ang mga paperworks na bukas i-submit. Kinuha ko cellphone ko, baka may chat si Panget pero wala. Baka natutulog pa 'yon.

Rokia: Panget, natutulog ka pa ngayon? I miss you :(

Ayoko ng ganito, nakakalungkot. Tiningnan ko mga pictures namin na nandito sa cellphone ko. I really miss him.

Lumipas ang dalawang oras bumalik si Mayuki at kinaladkad ako patungo sa kusina. May isang bucket ng fried chicken na mula sa Mcdo, meron din pizza at isang gallon ng chocolate ice-cream.

"Tataba naman tayo sa kagagawan mo," sabi ko at kumuha ng isang slice ng pizza.

"Basta wag ka ng umiyak. Nag-aalala kami sa'yo. Mugto na mata mo," sabi ko Mayuki habang nagscoscoop ng ice cream. Ibinigay niya sa akin ang isang mug na puno ng ice-cream.

Hindi na ako umimik at kumain nalang. Biglang tumunog cellphone ko mula sa bulsa ko, si Panget tumatawag. Agad kong sinagot at inilagay sa harapan ko. Bumungad sa akin ang bagong gising na Panget. Ngumiti siya.

"Hello Boss," nakangiti niyang sabi.

"Hmmm," at kumagat ako ng pizza.

"Ace! Umiiyak na naman 'yang Boss mo!" sabi ni Mayuki.

"Bakit ka naman umiiyak?" nakita kong bumangon siya.

"Miss kita," I pouted, he just sighed.

"Ako rin, miss kita. Gusto kong umuwi diyan."

"Umuwi ka na lang," sabi ko at tumawa.

"Sayang ang scholarship ko dito, Boss."

"I know, I know, kumain ka na ba? Anong oras ba diyan?"

"Madaling araw na, matutulog ako ulit mamaya. Tatlong oras lang tulog ko."

"Bakit?"

"Tinapos ko pa kasi ang model na ipapass ko mamaya," sabay pakita niya ng isang bahay.

"Maganda."

"Mas maganda ka, Boss," at ngumiti sa akin.

"Alam kong maganda ako, matagal ko ng alam."

"Boss, ayos lang ba kung papatayin ko na ang tawag?"

"Hmm, chat me later. Matulog ka muna diyan."

"I love you so much, Boss."

"I love you too so much, Panget."

"Ano ba 'yan, ang daming langgam," tiningnan ko ng masama si Yuki.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon