Chapter 15

91 3 0
                                    

Rokia's pov

Last day na namin sa resort. Kahapon nagisland hopping kami, inalalayan naman ako ni Ace kaya nakasama ako. Kumakain kami ng dinner ngayon. Pagod kaming lahat dahil sa water activities na sinubukan namin kanina, ayos na rin ang paa ko. Nagpapasalamat talaga ako dahil walang Stephanie na sumulpot!

"Boss, gusto mo ba nito?" tanong ni Panget habang nakaturo sa isang slice ng chicken na nasa plato niya.

"Hmmm, bakit?"

"Sa'yo na 'to," sabay lagay sa plato ko.

"Thanks."

"Ayieee, good na sila," kantyaw nila Bea.

Yeah, medyo ayos na kami ni Ace. We're good. Napansin kong hindi medyo nag-uusap si Nate at Yuki, o baka I'm just imagining it. Hindi na sila nag-uusap mula noong umuwi sila galing sa bar.

"Anong oras pala tayo aalis?" tanong ni Jhake.

"Maaga, 8am. Para hapon na tayo dumating sa mga bahay natin," sagot ni Elric.

"Saan ka didiretso, Ace?" tanong ni Jhake.

"Sa bahay siguro. Maybe sa susunod na araw pupunta kayo sa mansion ni Lola."

"Anong meron?" tanong ko.

"Sabi kasi ni Lola gusto niya magheld ng party. Welcome party para sa pag-uwi ko."

"Marami bang imbitado?" tanong ni Cath.

"Tayo tayo lang, uh, Mayuki, pakisabi naman nila Meshel at Shawn na pumunta sa mansion," sabi ni Panget.

Napalingon ako kay Mayuki. Patuloy lang sa pagkain, parang walang narinig.

"Hey, Mayuki," tawag ni Nate sakanya, agad siyang napaayos ng upo, nagulat ata.

"Bakit?" tanong ni Yuki.

"Pakisabi kay Meshel at Shawn tungkol sa party," ulit ni Panget.

"Ako nalang magsabi kina Kuya at Meshel," sabi ni Nate. "Parang masama ang pakiramdam ni Mayuki."

"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Yuki.

"Hmmm, ayos lang ako. Don't mind. I'm okay."

May tinatago 'to.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa mga kwarto namin. Naggoodnight na ako kay Panget bago pumasok sa room namin, nilock ko na ang pinto. Biglang tumunog ang cellphone ko.

Ace: Goodnight Boss, sleepwell <3

Rokia: Goodnight din Panget <3 sleepwell too.

Agad akong pumasok sa kwarto, naabutan kong nag-aayos ng kama si Mayuki. Umupo sa kama ko bago siya kausapin.

"Hey, Mayuki," nilingon niya ako.

"Bakit?"

"May problema ba kayo ni Nate? Nag-away ba kayo?" diretso kong tanong.

"Hindi naman. Wala lang. Okay lang naman kami."

"Cath, ano bang nangyari sa dalawang 'to habang nasa bar kayo?" tanong ko kay Cath na kakalabas lang ng cr, sinulyapan niya si Mayuki bago nagsalita.

"Wala ka ba talagang naalala?"

"Hey, hey, hey! Anong nangyayari diyan?" tanong ni Bea na kakapasok lang ng kwarto.

"I'm just asking kung anong problema ng dalawa."

"Wag niyo na kasing pag-usapan. Ayos lang kami ni Nate."

"Sigurado ka? Hindi nga kayo masyadong nag-uusap," tanong naman ni Bea.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon