Chapter 46

90 5 0
                                    

Ace's pov

I can still remember everything that happened that night. We are having fun playing different games with our schoolmates. Maraming snacks at drinks.

"Ayoko ng uminom, bwisit na Cameron," reklamo ni Mikael, sa aming tatlo ni Cameron siya ang unang nalasing.

Medyo lasing na rin ako, nahihilo na ako. Tiningnan ko si Mikael na nakaupo sa upuan at isinandal ang ulo habang nakapikit.

"Are you already drunk, Mikael? Weak shit!" pang-aasar ni Cameron.

"Shut up, dumb ass," ganti naman ni Mikael.

Tumawa lang si Cameron, nagpaalam ako sa kanila na magcr ako. Gising kaya si Boss ngayon? May reply kaya siya? Nahihilo akong naglakad papunta sa comfort room.

Paglabas ko sa comfort room, nahihilo pa rin ako. Gusto ko ng matulog, uuna nalang ako kina Cameron sa dorm. Hays.

Biglang may tumulak sa akin, dahilan para mapasandal ako. Ang labo ng paningin ko, sino ba 'to? Parang babae.

"Sino ka?" tanong ko.

"Hayate-kun," napakurap ako, si Stephanie pala.

"Bakit, Steph? May kailangan ka ba?" tumayo ako ng maayos.

"Hayate-kun, gusto kita."

"Huh?" baka mali ang rinig ko, tinitigan ko siya ng mabuti.

"Gusto kita!"

Did she just confessed? Sa akin ba?

"Hayate-kun, gustong-gusto kita! Matagal na na kitang gusto. Mula pa noong first year college tayo, noong naliligaw ako sa campus noong first day, noong tinulungan mo ako, I admire you."

Nakatitig lang ako sakanya habang nagsasalita siya.

"The more I get to know you, mas lumalalim ang nararamdaman ko sa'yo. I love you Hayate!" sabay yakap sa akin. 

"Steph," hinawakan ko magkabilang balikat niya at inilayo.

"Baka nagkakamali ka. Maybe you're just admiring me, not love—"

"Hayate, mahal kita! Gusto kitang alagaan, gusto kong palagi kang masaya, gusto kong nasa tabi kita palagi, you make me happy—"

"Steph, stop."

"B-Bakit?"

"I'm sorry, I already have a girlfriend."

Nakita kong may namumuong luha sa mata niya at namumula ang ilong at ang magkabilang pisngi.

"Yung babaeng kasama natin mag moutain climbing. Si Rokia, girlfriend ko siya."

"No, hindi maaari... Paano?"

"I courted her ng umuwi ako and she said yes."

Nakita kong umiyak na siya at umiiling. Damn. Hindi ko naman sinadya na saktan siya, pero kailangan kong sabihin sakanya ang totoo.

"No, hindi 'yan totoo! Dapat alam ko noon pa! You're lying!"

Kinuha ko cellphone ko at ipinakita ang wallpaper ko. Picture 'yon ni Rokia, umiiling lang siya at tiningnan ako.

"Hayate, hindi kayo!"

"Ask Mikael or Cameron, they knew about it. Impossibleng hindi mo alam, Cameron is talkative."

"Hindi kayo bagay!"

Napalunok ako sa sinabi niya. I put my hands inside my pockets. Baka masuntok ko ng wala sa oras si Steph.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon