Chapter 41

69 1 0
                                    

Mayuki's pov

Its been a month mula noong nangyari ang bagay na 'yon. Inasar ako ni Ate dahil nagsumbong si Eman sakanya, noong gabing 'yon na may horrible daw siyang nakita. Naririnig ko pa rin ang boses ni Ate na tumatawa, hays. I've been busy sa mga school stuff, kaya hindi ko masyado naiisip ang mga nangyari.

Pero sa tuwing wala akong ginagawa, naalala ko naman! Nahihiya talaga ako, bakit ba kasi hinalikan ako ni Nate?!

Aminin mo nalang kasi Mayuki na gusto mo rin—natural! Gusto ko si Nate kaya nagustuhan ko pero, uwaaaah! Bakit ba kasi nakita ni Eman?!

Iniiwasan ko siya, hanggang ngayon. Nahihiya ako, e. For years, close na close kami, tapos ngayon, gusto niya pala ako. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko?! Gusto ko siya, gusto niya ako, edi okay? Mutual.

Pero, nahihiya pa rin ako! May mga time na hindi ako nag-aayos kapag kasama kami ni Nate. Nakakahiya! Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Kinuha ko cellphone ko at tiningnan ang huling text ni Nate.

From: Nate.
I'm sorry for what happened. Hindi ko napigilan sarili ko. I'm sorry for making you uncomfortable. I'll wait for you, Mayuki. Liligawan kita.

Iyon lang ang huling text niya. Ano bang e reply ko dito? Magrereply ba ako? E, isang buwan na 'yan sa inbox ko.

"Oh my gosh! Teka lang—!"

I accidentally pressed the call button. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi pa 'yon nakaring ay sinagot niya kaagad. Nasapo ko nalang ang noo ko. Narinig kong nagsalita siya. Inilapit ko sa tenga ko ang cellphone, huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Wrong dial!" sabay off ko ng tawag.

Bakit ko ba pinatay ang tawag?! Bakit ba ako kinabahan? Ito ba ang sinasabi nila na apekto nila ng pag-ibig? Hindi ka makakaisip ng maayos?! Ganito ba?

Muntik na akong mahulog sa kama ko ng makitang nagtext si Nate.

From: Nate.
Really, Mayuki?

Taas naman ng confidence ng lalakimg 'to!

From: Nate.
Alam ko kung sinu-sino ang nasa contacts mo. You'll probably not call Rokia or Sir Dizon, you can talk to them directly. Malalim na rin ang gabi para tumawag ka sa family mo.

Aba! Kabisado talaga!

To: Nate.
Hiya naman ako! Sobrang kabisado mo contacts ko. Wow.

From: Nate.
Yeah, inuutusan mo kaya ako noon.

Yeah, kapag busy ako sa mga ginagawa kong report or assignment at magkasama kami, siya inuutusan kong magreply.

From: Nate.
Can I call?

Nahihiya ako, e!

Biglang tumunog ang cellphone ko, tumtatawag siya, huminga ako ng malalim bago sinagot.

"Bakit?" bungad ko. Hays, bakit ba ganito?!

Narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya. Ewan ko ba, ang sarap pakinggan ng boses niya. Nararamdaman kong namumula ang pisngi ko. Kinikilig ako dahil lang doon?!

"How are you?" tanong niya.

"Ayos lang."

"I miss you."

Ano ba isasagot ko?! Napahiga ako sa kama at pumikit. Ano ba ang sasabihin ko?! Miss ko naman siya, ah. Pero, uwaaaah! Paano ba 'to?!

"Mayuki?"

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon