2

33.4K 803 22
                                    


MAKALIPAS ang labintatlong oras ay lumapag sa NAIA ang eroplanong sinasakyan ng dalawa.

"May sasalubong ba sa iyo?" Si Luke sa kanya.

Umiling siya. "Sinabi ko kay Nick na huwag ipaalam sa mga Navarro ang pag-uwi ko."Nagsasalubong ang mga kilay na nilingon siya ni Luke matapos kuhanin ang bagahe. "And I thought you want to meet them?"

"Hindi agad ngayon, Luke. Kailangang pag-isipan kong mabuti kung ano ang dapat kong sabihin..."

"Honey, dalawang linggo lang ang bakasyong hiningi ko sa opisina. We have to be back to Houston then," paalala nito na binitbit ang dalawang bagahe patungo sa cart.

"That's long enough." she gave him an encouraging smile.

Inihatid siya ni Luke sa mansiyon ng mga Gascon at hindi na rin ito bumaba pa at umalis na agad. Hindi siya gustong pagbuksan ng security guard dahil hindi siya kilala. Tinawag nito ang isang katulong upang kilalanin siya subalit hindi rin siya kilala nito. Ni hindi inintindi ng security guard ang mga identifications niya. Para dito ay madaling gawin iyon. Sa kulang tatlong taong paninilbihan ng guwardiya kay Nick ay wala itong kilalang kamag-anak ni Nick Gascon.In frustration ay naupo siya sa mababang bakod sa labas na umiikot sa mga halaman sa labas ng pader. Sa pagnanais niyang huwag ipaalam ang pagdating ay hindi rin nasabihan ni Nick ang mga katulong sa pagdating niya.

"Do you have a phone?" tanong niya sa security guard makaraan ang ilang sandali.

Umiling ito. "Intercom lang po, ma'am."

Kumislap ang mga mata niya. "Gamitin mo at utusan mo ang katulong na tawagan ang bahay ng mga Navarro. Kausapin ang mag-asawang Navarro, they knew me, ako ang—" she stopped. "Please, tinitiyak ko sa iyong kilala ako ng mga Navarro."

Hindi malaman ng security guard kung maaawa o maiinis sa kanya. Nag-iingat ito sa masasamang tao at ang isang magandang mukha ay luma nang taktika ng mga big time na magnanakaw. Lalo at nakita nitong ibinaba lang siya ng isang taxi kanina. Ganoon pa man ay dinampot ng security guard ang intercom at tinawagan ang mga tao sa loob. Narinig niyang inulit nito ang sinabi niya. Isang buntong-hininga ang ang pinakawalan niya at muling naupo sa bakod. Palingon-lingon sa security guard at hinihintay ang pagtawag mula sa loob o ang pagsungaw ng maid sa pinto.

Hindi nagtagal ay tumunog ang intercom. Napatayo bigla si Billie at lumapit sa guardhouse. Sinusulyapan siya ng security guard habang nakikinig sa sinasabi ng kabilang linya. Pagkatapos ay ibinalik nito ang receiver sa cradle.

"Wala ang mag-asawang Navarro, Miss. Umalis sila kaninang madaling-araw patungong Palawan kasama ang apong si Monique." may hinala sa mga mata ng guwardiya nang titigan siya.

Nanlumong sinapo ni Billie ang noo. Bakit naman ngayon pa nataon ang pag-alis ng mag-asawang Navarro? At bakit ba naman hindi naisip ni Nick na hindi siya kilala ng mga katulong sa mansiyon?

"Gusto kong tawagan mo uli ang katulong sa loob at tawagan ang security guard sa labas ng gate ng subdivision para hanapan ako ng taxi," utos niya sa guwardiya. At nang akma itong magbubuka ng bibig upang magprotesta ay naningkit ang mga mata ni Billie. Galit na idinagdag: 


"Alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo, but I'm tired. Ipinakita ko na sa iyo ang mga credentials ko pero ayaw mong maniwala. Now, if you don't get me a taxi, tinitiyak ko sa iyong ipatatanggal kita sa trabaho, that you can believe!" tuloy-tuloy niyang sinabi sa galit at pagod. Huwag nang idagdag pa ang gutom. She hated airline food at hindi siya kumain maliban sa prutas at kape.

Bagaman nag-aalanganin ay sumunod ang security guard sa awtoridad ng tinig niya.

"Damn the rich!" bulong niya na muling bumalik sa pagkakaupo.

Beinte minutos ang lumipas nang isang taxi ang pumarada sa harap ng mansiyon. Ipinabuhat niya sa driver ang malaking maleta at walang lingong sumakay.

"What is the nearest hotel?" tanong niya sa driver nang tumatakbo na ang taxi.

"Manila Garden, ma'am, o di kaya ang Manila Peninsula o ang Mandarin..." sinulyapan siya nito sa salamin.

"Take me to Manila Penn," utos niya at naiinis na isinandal ang sarili. It doesn't really matter kung sa hotel siya tumuloy. She can afford to stay at the hotel kung ilang linggo rin lang. But it wouldn't be comfortable. Bukod pa roon, magtataka si Luke at natitiyak niyang yayain siya nitong sa apartment nito sa Parañaque siya tumuloy.

Pinag-iisipan niya kung sino ang maaari niyang kausapin upang bigyan ng instruction ang mga katulong sa bahay ni Nick na papasukin siya. Kung wala ang mag-asawang Franco at Beatriz ay wala siyang mapagpipilian kundi si Lance Navarro.

She gritted her teeth. She wasn't expecting to see him now. Perhaps a week or so. Pero hindi sa unang pagtapak ng mga paa niya sa Pilipinas.

PAGKAALIS ng boy ng hotel na naghatid sa kanya ay isinara ni Billie ang pinto. Pagkatapos ay naghubad ng damit upang maligo. Alas-dos pasado na ng hapon at hindi pa siya nanananghalian. Pagkaligo ay bababa siya sa isa sa mga restaurant ng hotel upang kumain.

Ibinagsak niya sa carpeted na sahig ang mga suot at tinatanggal na ang bra nang mapasulyap siya sa salamin ng tokador. She frowned at the sight na kumuha ng atensiyon niya. Humakbang siya palapit sa salamin at muling tinitigan ang partikular na bahaging iyon ng dibdib. Ilang libong ulit na ba na napapahinto siya sa tuwing nakikita niya iyon? At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman kung bakit nalagay iyon doon.

Just a little over her left breast ay naroon ang tatak niya habang-buhay. Ang tatak ni Lance Navarro!

Sa maputing balat niya ay naroon ang rosebud. At sa ibaba ng hindi pa namumukadkad na rosas ay ang pangalang Lance Navarro.

Banayad niyang hinaplos ang tattoo. Who was that who sung the song Rose Tattoo? How ironic, bagay sa kanya. And smiled bitterly. The last time she saw the man who branded her was more than three years ago. She couldn't forget the hatred in Lance's eyes na nakamasid sa kanya habang tinatatakan siya ng kakilala nito.

Hanggang ngayon, she still shivered at the thought. Kasali ba siya sa dapat sisihin? Did she taunt him so much and added to the insult that he felt? Pero ginawa lang niya iyon upang pagtakpan ang sariling pride.

Sa pagkakatitig sa repleksiyon niya sa salamin ay unti-unting nagkaguhit sa isipan ni Billie ang nakaraan. Ikalimang araw mula nang maaksidente si Lance Navarro, sa Texas County Hospital...

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon