40

29.6K 767 27
                                    


NAKAUPO sa ibabaw ng stretcher si Lance at ginagamot ng isang nurse ang galos nito sa kaliwang braso nang hangos na dumating si Franco kasunod si Billie na hindi na nakuhang magbihis at nakasuot ng silk pajama na kulay rosas.

"Lance!" ani Franco sa may bungad pa lang ng ER. "Ano ang nangyari? Are you alright?" sunod-sunod nitong tanong, halos mawalan ng kulay ang mukha sa matinding pag-aalala.

"W-were you hurt?" nag-aalalang susog naman ni Billie na agad na humawak sa braso ng asawa.

"Stop play acting as if you're worried," he snapped sa halos pabulong na tinig. May mga nurses sa paligid at naroon din ang resident doctor. "And what are you both doing here? I instructed those damned medics not to contact anyone!"

"Karapatan kong malaman kung ano ang nangyari sa iyo, Lawrence," sagot ni Franco sa kalmado na subalit mariing tinig. Nilingon ang resident doctor. "Nasuri na ba ninyo ang anak ko? May dapat bang—"

"So far, wala kaming nakitang palatandaang nasaktan ang anak ninyo, Mr. Navarro, maliban sa galos na nasa kaliwang braso niya," sagot ng doktor na nilingon si Lance. "Tumama marahil sa nabasag na windshield. But he will undergo scanning to—"

"I am perfectly all right," agap ni Lance at bumaba ng stretcher. "There's no need for further examinations. Hindi ako nasaktan and I am getting out of this damned place bago pa madagdagan iyong nag-iisang reporter sa labas." mahigpit nitong hinawakan sa braso si Billie. 

"And you are coming with me..."

Wala sa loob na nilingon ni Billie si Franco na tila humihingi ng desisyon mula rito. Bahagyang tango ang ibinigay ni Franco sa manugang at nakita ni Lance ang palitan ng tingin ng dalawa. Tumaas ang dibdib nito kasabay ng pagtagis ng mga bagang sa pinipigil na galit.

"You are still my wife, Billie," he said clenching his teeth habang halos kaladkarin ang asawa palabas ng ER. "Hindi mo kailangang humingi ng permiso sa papa kung sasama ka sa akin!"

"You're hurting my wrist, Lance," daing niya. "Hindi mo ako kailangang hilahin, sasama ako sa iyo."

"Ihahatid ko na kayo," habol ni Franco.

"Don't bother. Maraming taxi sa labas." nagbabaga ang mga matang nilingon nito ang ama. 

"Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa iyo. Ang tanging nag-uugnay sa atin sa mga sandaling ito'y ang katotohanang ama kita!"

"Dammit, what are you talking about?" galit na wika ni Franco. Si Billie ay nagsasalubong ang mga kilay at pinaglipat-lipat ang tingin sa mag-amang nagsusukatan ng tingin.

"And I wish to hell you'd never see my wife again!" huling sabi nito bago hinila sa labas ang asawa. Si Billie ay nalilitong nililingon si Franco na nanatiling nakatayo at nakatanaw sa kanila.

Isang taxi ang sadyang nag-aabang ng mga pasahero sa bukana ng ospital ang kinawayan ni Lance. Pasadlak na ipinasok si Billie sa likurang upuan habang sa harap ito umupo. Ilang sandali pa ay nasa daan na ang taxi.

Hindi malaman ni Billie kung ano ang sasabihin. Halos gusto niyang maiyak sa relief na hindi naman pala nasaktan ang asawa pero hindi niya maiparamdam iyon. At hindi rin niya naiintindihan kung bakit ito nagagalit. She attributed his anger to the near-death accident na bagaman hindi ito nasaktan ay nakapagpaalala naman dito ng aksidenteng nangyari ilang taon na ang nakaraan. Bumabalik marahil kay Lance ang trauma ng nakaraang aksidente.

Subalit ang hindi niya kayang hanapan ng paliwanag ay ang binitiwang salita nito sa ama.Walang kibuan ang dalawa hanggang sa makarating sa bahay. Si Lance ay sa bar nagtuloy at agad na nagsalin ng brandy sa kopita and took it all in one swallow.

"A–ang... sabi ng mga pulis na tumawag sa bahay ay nakainom ka and you were driving fast," banayad niyang akusa kasabay ng paghakbang palapit dito. "You nearly cause m—Franco his first stroke..." ang sa halip na nasabi gayong gusto niyang sabihing halos mapugto ang hininga niya sa pag-aalala habang patungo sa ospital.

Pabagsak na ibinaba ni Lance ang kopita sa counter ng bar na ikinapitlag niya. "So, it's Franco now, huh?" he mocked bitterly and angrily.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Billie. Hindi niya gustong patulan si Lance sa mga sinasabi nito. Sa halip ay natuon ang paningin sa kaliwang braso ng asawa na may bahid ng gamot na pula ang dalawang mahaba at may kalalimang galos.

Banayad niyang dinama iyon. "Does it hurt?" she asked softly kasabay ng pagtingala sa asawa.Napahugot ng matalim na paghinga si Lance. He felt a sudden ache in his groin. He could still faintly smell her perfume and her face void of any makeup. Her eyes worried, her lips slightly parted. Passion overrode his hatred. Desire intertwined with anger and jealousy, he roughly pulled her and hungrily claimed her lips.

He needed her. Sa kabila ng matinding galit nito ay naroon ang tensiyon dahil sa nangyaring aksidente. He considered it a miracle that he came out of the accident with only a scratch on his arm at bahagyang pananakit dahil nabugbog sa pagtama sa windshield na nabasag. Sa ikalawang pagkakataon, he got his new lease of life.

Bagaman nabigla ay nagpaubaya si Billie at gumanti ng halik. And suddenly realized how much she wanted the kiss. A reassurance na walang masamang nangyari dito. Angkin pa rin ni Lance ang mga labi niya nang umatras ito patungo sa malaking sofa at ihiga siya roon. He rained kisses on her face and throat as he fumbled the buttons of her pajama top only to get impatient pagdating sa ikatlong butones and ripped it apart.

"L-Lance..." nakulong sa lalamunan niya ang paghinga nang marahas na damhin ni Lance ang dibdib niya. His teeth erotically biting her lips and when she moaned in pleasure-pain, grazed it with his tongue. White heat flowed down to her belly.

"Tell me you want me, too, Billie, tell me!" he commanded harshly. "Kahit magsinungaling ka!"Ipinagsalubong niya ng mga kilay ang huling sinabi nito subalit hindi magawang pag-ukulan ng pansin dahil sa ginagawa ng mga kamay at mga labi nito sa katawan niya.

"Oh, I want you, Lance..." you'll probably never know how much. And you'll never know how much I started to care... she sobbed silently as emotions and passion overflowed together.

Muli nitong inangkin ang mga labi niya and she helped him undressed. His hunger matched hers. And it was a normal human emotion to want someone matapos mapaharap sa takot at panganib. Sex, normally is the ultimate outlet of emotions.

MAY ilang minuto nang tulog si Lance ay nanatiling nakatitig sa kisame si Billie Rose. Bagaman malaki ang sofa ay mabigat ang asawa na nakatulog sa dibdib niya, his hand on her breast. Subalit hindi niya makuhang gumalaw dahil hindi niya gustong magising ito. Two hours more and and the sun will start to come out and she knew Lance was exhausted and tensed. Huwag nang idagdag pa ang sa palagay niya ay maraming nainom nito.

"Sometimes I wonder if we will ever get to the bed," bulong niya at niyuko ito. Still amazed by the intensity of their lovemaking.

"Oh, I need you so much, my darling Rose... love me, baby..."

Lance was wild and passionate and spoke the sweet-nothings in the spur of the moment. How she wished they were true. And that he really needed her. She sighed deeply at masuyong hinaplos ng kamay ang buhok ng asawa at hinawi mula sa balikat.

"You've used me again, Lance," bulong niya. "And I wonder why I stayed with you and allowed you to do this to me."

"My marriage with you didn't bother me, Billie Rose. Not even with my constant affairs with your sex..."

Ang kinasusuklamang pagpapakasal ni Lance sa kanya ay ginamit nitong advantage para sa mga affair nito sa ibang babae. Hindi nga naman ito obligadong magpakasal dahil may-asawa na. Isang asawa na sa loob ng tatlong taon at kalahati ay ngayon lang lumitaw. A wife who was so naive and uncomplaining and foolishly allowed herself to be used because she couldn't resist her husband's charm.

Then she remembered Luke Wendell. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. Bagaman nagpapasalamat siyang nakilala niya ang tunay na pagkatao nito, hindi niya maintindihan ang pag-aaksaya ni Lance ng panahon at pera upang paimbestigahan ito.

Muli niya itong niyuko, her fingers softly moved down to his muscled back. "But I can't let you use me forever, my dearest," mariing bulong niya. "Annulled or not, I am going back to Colorado."

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon