3

33K 787 21
                                    

"NAGKAMALAY na ba siya?" Si Nick kay Alvaro.

Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Alvaro bago sumagot. "Hindi pa rin. Pero narinig mo ang sinabi ng doktor kanina. Nilampasan na niya ang critical stage. But I am also worried about him." itinaas nito ang paningin sa may salamin ng ICU at mula roon ay tinanaw ang nakatayong si Franco Navarro at tinutunghayan ang anak.

Tumango si Nick. "Yeah. Hindi pa siya natutulog mula nang dumating tayo kahapon ng hapon."

"I haven't seen him like this, Nick," patuloy ni Alvaro na umiling. Hindi inaalis ang paningin sa ama na nakayuko sa anak. Nangingitim na ang paligid ng mukha sa mga tumutubong balbas. Tila nadagdagan ng maraming taon ang edad. "Idagdag pa ang kalagayan ng Mama sa Pilipinas..."

Hindi sumagot si Nick, sa halip ay tumingala sa kisame at hinagod ang batok kasabay ng malalim na paghinga. For four days, it was touch and go for Lance. Mula nang idating ito sa ER ay kaninang umaga lang idineklara ng mga doktor na ligtas na sa panganib ang binata. At hindi umalis si Franco sa tabi ng anak kahit na nang sabihin ng mga doktor dito kanina na ligtas na ito.

"Your son is going to be all right, Mr. Navarro," ayon sa doktor kaninang umaga sa kanilang mag-aama, itinuon ang tingin sa monitor na nagbabadya ng normal na pagtibok ng puso ni Lance.

Halos sabay-sabay ang paghugot ng hininga ng mga Navarro sa narinig. Bawat isa ay umusal ng pasasalamat.

"You may go home now. We will contact you the moment he wakes up..." patungkol sa kanilang lahat ang sinasabi ng doktor.

"Tayo na, Papa." si Jennifer na bahagya pang humihikbi at hinawakan sa braso ang ama.

"Sige na kayo," mahinang sagot ni Franco. "Gusto kong narito ako 'pag nagkamalay si Lance..."

Gustong magprotesta ni Jenny subalit nang mapasulyap kay Alvaro ay itinikom na muli ang bibig.

"Alright, but you could, at least take a cup of coffee," patuloy ni Jenny sa nag-aalalang tinig. "You haven't taken anything since you arrived yesterday afternoon and I doubt if you ate at the plane."

"Ako na ang bahala rito, Jennifer," ani Alvaro na sinulyapan si Zandro. "Take your wife home. Hindi pa rin kayo natutulog..."

"Ihahatid ko na sila sa cottage, Alvaro," alok ni Nick. "Magpapalit lang ako ng damit at babalik uli ako dito..."

That was this morning. At pasado alas-dos na at nakabalik na muli si Nick ay naroon pa rin si Franco. Gusto nitong manlumo para sa ama. Nang malaman nila ang nangyaring car crash ni Lance ay nag-breakdown si Beatriz. Ganoon na lang ang pagkakagulo ng sambahayang Navarro. 

Nahati ang isip sa nangyari kay Lance at sa ina. Mabuti na lang at tiniyak ng mga doktor na matinding shock ang nangyari kay Beatriz at wala itong diperensiya sa puso.

Hindi malaman ni Franco ang gagawin. He was dead worried for his son and his wife. The doctors advised his wife to have a complete rest. At si Beatriz mismo ang nag-utos sa asawa na umalis kaagad. Hindi gustong iwan ni Franco ang asawa kung hindi nito sinabing ito mismo ang aalis patungong Texas. At kinailangan pang matiyak ni Franco mula sa mga doktor ang ligtas na kalagayan ni Beatriz bago sila sabay-sabay na umalis na mag-aama ng Pilipinas.

"Hindi pa ba lumalabas mula kanina ang Papa?" muli niyang tanong kay Alvaro.

"For a while. Napilit ko siyang kumain."

"Ikaw naman ang umuwi, Alvaro. Ako na ang bahala rito," wika niya sa kapatid.

Tumango ito. "Thanks. I need a shower." tinapik nito sa balikat si Nick at sinulyapan muli ang loob ng ICU bago lumakad palabas.

Si Nick ay tinungo ang isang coffee machine sa dulo ng pasilyo at naghulog ng coin para magkape. Pabalik na ito nang bumukas ang elevator at lumabas ang isang dalagita.

"Billie!"

"Nick," lingon ng tinawag na bahagya lang kinakitaan ng pagkabigla. "So you're here. How's Lance?"

"Thank God, he's out of danger," sagot nito sa nagsasalubong na mga kilay. Hinagod ng tingin ang dalagita. "Kasama mo ba ang Uncle Luis?"

Sandaling nailang ang dalagita. "I... I'm a-alone. I am staying at my friend's house. I came at the start of the race..."

Lalong nagdikit ang mga kilay ni Nick. "Pinanood mo ang race ni Lance? I can't believe it. You don't know each other... personally, at least. At pinayagan ka ng Uncle Luis na magpunta rito nang nag-iisa?" Ang cottage ranch ng mga ito ay mahabang oras ang biyahe mula Houston.

Bahagyang tumalim ang mga mata ng dalagita. "C'mon, Nick. I am nineteen years old. Hindi ko kailangan ng chaperone para—"

"What exactly did you tell your father para payagan ka niyang magpunta rito nang nag-iisa, Billie Rose?" agap ni Nick sa mapanganib na tono.

"As if Dad would care what ever happens to me?" she murmured. Umiwas ng tingin.

"Billie Erika Rose!"

She sighed. Kapag gumamit na ng ganoong tono si Nick at binuo ang pagkahaba-haba niyang pangalan ay alam niyang galit na ito. And she was scared of her cousin kaysa sa daddy niya. Marahang humakbang patungo sa mahabang upuan sa labas ng ICU at naupo.

"Sumagot ka, Billie or I'll call your father right this very moment!" banta nito sa kontroladong tinig.

Si Billie ang panganay na anak ng tiyuhin nitong si Luis Montaño, ang nakatatandang kapatid ng mama nitong si Monica Montaño Gascon. Sa Amerika ipinanganak at nagkaisip dahil isang American ang napangasawa ni Luis Montaño bagaman namatay ito sa panganganak sa ikatlong anak. Pana-panahon at tuwing may okasyon ay dumadalaw ang pamilya sa Sto. Cristo. Pagdalaw na dumalang magmula nang mamatay si Monica.

"All right!" baling ng dalagita rito na itinaas ang dalawang kamay at sinikap na huwag lakasan ang boses. "S-sinabi ko sa daddy na narito ka to watch the race kaya niya ako pinayagan. And that I will be staying at the Navarro cottage with you," sagot ng dalagita sa tagalog na may accent. Kahit paano ay sanay itong managalog dahil kay Luis at sa dalawang matandang katiwala nilang mga Pilipina na hindi pinangarap magsalita ng english maliban sa yes at no.

Tumiim ang mukha ni Nick. "You were never interested in car racing, Billie, para magsinungaling sa daddy mo." naghihinalang tinitigan nito ang pinsan.

Muling iniwas ng dalagita ang paningin. She couldn't tell her cousin the truth or Nick would kill her kung hindi man siya kakaladkarin nito pabalik sa Colorado sa oras na iyon. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahang makikita ang pinsan ngayon. Alam niyang maaaring nasa Houston ang pamilya dahil sa nangyari kay Lance but she wasn't expecting to see him soon.

At narito na rin lang siya sa ospital ay gusto na niyang silipin si Lance Navarro. Out of curiosity at pag-aalala na rin dahil kahit paano ay kapatid ito sa ama ng pinsan bagaman hindi naman sila talaga magkakilala ni Lance.

"W-well... it's... it's different with L-Lance, Nick. I had a c-crush on him..." she lied.

"What!" Muntik nang matapon ang kape sa styropor sa sinabi ni Billie.

Nagkibit ng mga balikat si Billie at bahagyang lumabi. "Is it unusual na magka-crush ako kay Lance? Everybody does..."

Hindi pa rin makahuma si Nick. Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita. "Since when?"

Tumingala sa puting kisame ang dalagita na tila iniisip kung kailan siya nagka-crush kay Lance Navarro. "I think it's when... yes, when Lance started to—"

"Kailan ka nagsimulang mag-ukol ng pansin sa lalaki?" agap ni Nick. "You were more interested in horses than boys, Billie, and I cannot imagine my dear little tomboyish cousin na mag-ukol ng pansin sa lalaki. At hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit," he said drily.

Matamis na ngumiti ang dalagita, tumayo at ikinawit ang braso sa pinsan. "Now, don't let us talk about me. I'm really glad I saw you here, Nick. How's Lance? Nandito rin ba ang Tito Franco at Tita Beatriz?"

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon