42

29K 727 86
                                    


"NO?" Ulit ni Billie Rose sa nagsasalubong na mga kilay. Never knowing that that moment Lance was capable of violence.

Lance summoned all self-control. Ilang sandali ang pinalipas bago nagsalita. "Hindi ka aalis ng bansa, Billie Rose." his nose flared in anger. "You will stay and kill the rumor between you and my father. Tayong dalawa ang makikita nilang magkasama sa susunod na mga araw..."

"But—"

"Damn you!" he shouted. "Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung malaman nilang pareho kayong aalis ng papa!"

Lalo nang naguluhan si Billie Rose. She was having a difficult time keeping up with the man. 

"What are you talking about?"

"Don't play dumb, Billie Rose!" nagpupuyos na wika nito. Galit sa ama at galit sa babaeng nasa harap.

"I am dumb so tell me!" ganti niya. "You are driving me mad with your temper at hindi kita naiintindihan! You must have allowed yourself to undergo a head scan!"

Kung hindi sa bigat ng mga nabuong pangyayari sa isip ni Lance, he would have laughed aloud sa sinabi ng asawa. He decided to play her game.

"Nakatakdang umalis ang papa pagkatapos ng board meeting upang humabol sa meeting sa Texas. Nagkataong namatay ang Lola Erlinda so he was delayed. At nalaman ko mula sa sekretarya niyang tutuloy sa pag-alis ang papa sa linggong ito!"

"Oh."

"And you, my dear, will remain here with me and act your part as my beloved wife!"

"Lance, the moment I'm gone at bumalik na rito ang papa't mama ay tuluyan nang mawawala ang walang katotohanang tsismis na iyan," she pleaded. Kailangang mawala sa paningin niya si Lance para sa katinuan ng isip niya. "At paano na lang si Angeli?"

"Naroon si Nick. Hindi niya pababayaan ang kapatid mo," wika nito sa pinal na tono. "You can call her anytime."

TATLONG araw matapos ang pag-uusap na iyon ay umalis si Franco patungong Texas. Isinama siya ni Lance sa paghatid dito sa NAIA and was extra-sweet with her. She was never allowed to leave his side at alam niyang dahil iyon sa mga nakamasid na press. Inihatid lang siya ni Lance at pagkatapos ay umalis na rin ito. At sa loob ng natitirang oras sa maghapong iyon ay wala siyang ginawa kundi ang matulog. Masama ang pakiramdam niya at hindi niya gustong lumabas ng silid.

Kinahapunan ay tinawagan siya nito. "Get ready and we will dine outside," wika ni Lance.

"Oh, no, Lance," she answered weakly. "I don't feel like going out today. Masama ang pakiramdam ko at gustong kong matulog na lang."

"Billie—"

"You can't force me," agap niya sa naiinis na tono nang mahulaang hindi papayag ang asawa. "I want to have an early night, Lance, at kung gusto mong lumabas, suit yourself," pagkasabi ay ibinaba niya ang telepono at muling ibinaon ang mukha sa unan.

Si Lance ay nagtiim ang mga bagang. Nasa isip na nagdadahilan lamang ang asawa at hindi nito gustong lumabas na siya ang kasama. Muli niyang dinampot ang telepono at tinawagan si Charry.

HATINGGABI na nang makauwi si Lance. Tuloy-tuloy sa guest room at binuksan ang pinto ng silid. Pagkatapos ay kinapa ang ilaw at ini-on. Nagising si Billie at bahagyang nagmulat ng mga mata at nilingon ang asawa sa may pinto.

"W-what time is it?" she asked huskily.

"Past twelve," wala sa loob na sagot nito. Nakadapa sa unan ang asawa with her pajamas on.

"Good... morning then... and put the lights off," she purred and went back to sleep.

Walang kibong pinatay ni Lance ang ilaw at muling isinara ang pinto. Nagtuloy sa sariling silid. Inihagis ang susi ng sasakyan sa tokador at naghubad ng damit. Pumasok sa banyo at itinapat ang sarili sa malamig na tubig. Gusto niyang sugpuin ang init na nasa katawan sa pamamagitan ng tubig.

Lord, but he hated and wanted her at the same time. Anong uri ng virus ang dumapo sa kanya at ganito na lang kasidhi ang pangangailangan niya sa asawa? Pangangailangang hindi kayang tugunan ni Charry. Charry who was more of his type at higit na maganda, higit na kaakit-akit kaysa kay Billie. Si Charry na ginagawa lahat ang paraan upang masiyahan siya sa alinmang pagtatalik nila. While he taught his wife what to do during their lovemakings.

Sa lagaslas ng tubig ay pumasok sa isip ang frustration ni Charry kanina sa unit nito.

"You were bad today, honey?" she said accusingly. A frustrated look in her beautiful eyes. Tumayo ito, ni hindi nag-abalang takpan ang katawang hubad at lumakad patungo sa dresser kung saan naroon ang sigarilyo.

Lance watched the goddess beauty in admiration. Dark and exotic. Flawless mula ulo hanggang paa. The man must be physically impotent upang hindi mapukaw sa harap ng babaeng ito.

And he was as healthy and normal as the next man. He obligingly performed his task and to his dismay, couldn't reach for a satisfying release.

"What else do you want, Charry?" tanong niya and watched her blew the smoke ceilingward. 

"I've done my part..."

"Alam mong hindi ang sarili ko ang ibig kong sabihin," wika nito sa nagtatampong tinig. "I can't fault you with that. Ikaw ang gusto kong tukuyin, Lance."

Tumayo si Lance at dinampot ang briefs at isinuot. Isinunod ang pantalon. "Perhaps I want my wife and find myself defiling our marriage bed. Don't you think so?" he said brutally habang isini-zipper ang pants.

Naningkit ang mga mata ni Charry doon. "You hypocrite and heartless bastard!" ang hindi mapigil nitong bulalas.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Lance doon at itinaas ang dalawang kamay. "Guilty as charged." Pagkatapos ay inabot nito ang polo shirt at isinuot habang pinagmamasdan ang shock sa mukha ni Charry. "I have always been frank with you, Charry, honey, to the point of brutality. And I can't pretend otherwise, dahil ako iyon, 'di ba?"

"Get out, Lance Navarro!" she shouted hysterically. Tuluyang nawala ang iniingatang composure mula pa sa unang araw na nagkakilala sila. "And I hope your wife will break your heart to pieces as you did mine!"

"Paanong gagawin ng asawa ko iyon gayong kasasabi mo lang na heartless ako, Charry, honey?" he taunted.

"Oh!" Dinampot nito ang ashtray at ibinato sa kanya. Bahagya nang nakaiwas si Lance at tumama ang ashtray sa lampshade at bumagsak iyon sa sahig. Luminga ito sa paligid upang maghanap uli ng malaking bagay na ibabato nang magsalita si Lance.

"Don't try that again." his voice calm pero nasa mga mata nito ang pagbabanta. Dumukot ito sa bulsa ng pantalon at isang velvet box ang inihagis sa kama. "And don't pretend to give it back to me because I know you've wanted that. Good-bye, Charry, and thank you so much for the good times."

"I hate you, Lance Navarro!" hiyaw nito nang palabas na siya ng pinto. Nahagip ng kamay ang bote ng pabango at ibinato sa pasarang pinto kasabay ng sunod-sunod na pagmumura.

Pagkatapos ay nanlulumong umupo sa kama. Hindi makapaniwalang natapos nang ganoon lang ang relasyon nilang dalawa. Sinulyapan ang velvet box at dinampot at binuksan. She gasped nang matambad sa kanya ang isang diamond studded bracelet, ang minsang itinuro niya kay Lance sa isang kilalang jewelry store. At alam niya kung magkano ang halaga ng alahas. It was a small fortune.

So the bastard have planned to end their affair today and made it in his usual gallant ways. Gusto niyang mainsulto pero natakpan iyon ng kasiyahan sa bracelet na nasa box.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon