9

26.9K 658 19
                                    


"NO! Tell me you're only joking, Daddy!" she cried passionately at tinitigan ang ama na bagong ahit at paligo.

Mula nang dumating sila sa Pilipinas ay wala siyang natatandaang bagay na maaaring asikasuhin ng ama. He was busy drinking himself to death at wala siyang magawa. Gusto niyang magtanong kung bakit sila umuwi subalit natitiyak niyang sisinghalan siya nito. Kahit ang mag-asawang katiwala ni Nick na si Nana Tonia at Tata Resting ay napapailing.

At kaninang dumating siya mula sa pangangabayo ay ikinatuwa niyang makitang hindi lasing ang ama subalit tuwang dagling napalis nang marinig ang sinabi nito.

"Nagkausap na kami ni Franco Navarro, Billie," patuloy nito sa seryosong tono. "Ikatuwa mong gusto ka niya para kay Lance Navarro."

"No," mariing tanggi niya. "I won't allow you to do this to me! I won't marry that arrogant man and you can't force me!"

"What have you got against Franco's youngest son, Billie? Most women would welcome him as their husband and you must be thankful." tinitigan nito ang anak kasabay ng pagkunot ng noo. Iniisip kung paanong ang tulad ni Billie ay gugustuhin ni Lance Navarro at kung paano mapapapayag ni Franco Navarro ang anak na magpakasal sa kanya.

Parang lalaki kung gumayak. And Billie is young. Unsophisticated unlike the women he knew na napapaugnay sa jet-setter na anak ni Navarro. Agad ding inalis ni Luis sa isip iyon. 

Nagpapasalamat na sa pamamagitan ni Billie ay malaking problema ang nawala rito.

"I am not most women!" sagot niya sa mataas na tinig. "How can you think that I would want to marry that man not to mention that I have no wish to marry yet? Pilay na nga, mayabang at arogante pa!"

Tumalim ang mga mata ni Luis. "Obligasyon mo sa akin iyan at sa kapatid mo, Billie!"

"Oh!" Isinubsob ng dalagita ang mukha sa mga palad. "Why do you have to blame me always that I am a girl and you didn't inherit Hacienda Montaño?" pahikbi at buong kapaitan niyang sinabi.

Wala siyang natatandaang hindi isinumbat sa kanya ng ama ang pagiging babae niya. Billie. Ang daddy niya ang nagbigay ng pangalan niyang iyon na dinagdagan lang ng mommy niya ng "Erika Rose" to make it sound feminine. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nitong huling taon na lang ng buhay niya siya natutong mag-ayos bilang babae kahit paano.

She wanted to please her father by wearing boy's clothes at kumilos ng tulad sa isang lalaki. Subalit na-realize niyang anuman ang gawin niya ay hindi ikatutuwa ni Luis Montaño. Isinisi nito sa kanya na ipinanganak siyang babae. Dahil dito ay nauwi lahat kay Nick ang ownership ng Hacienda Montaño na dati ay nasa pangalan ng ama.

Maliwanag ang testamento ni Don Vicente Montaño na ang panganay na lalaki lamang ang magmamay-ari ng buong lupain ng mga Montaño bagaman may karapatan ang sinumang babae ng angkan na manirahan sa asyenda. At kung nagkataong ipinanganak siyang lalaki ay paghahatian nila ni Nick ang buong lupain tulad ng nasa testamento ng matanda.

At dahil naging babae siya ay ang minana ni Luis Montaño mula sa ama ay ang salapi nito sa bangko na kung tutuusin ay hindi biro ang halaga. Iyon ang ginamit ni Luis sa pangingibang bansa. Sa pamamagitan niyon ay nabili nito ang kasalukuyan nilang cottage at maliit na rancho.

Nang muling magkaanak ang mag-asawa ay isa uling babae ang naging anak. Ganoon pa man ay hindi dinanas ng bunsong kapatid ang dinanas ni Billie na hantarang paninisi at pagkasuklam mula sa ama. Hanggang sa ipagdalang-tao ng mommy niya ang ikatlong anak na siyang naging dahilan ng kamatayan nito. Doon lalong lumala ang relasyon nilang mag-ama dahil natutong uminom at magsugal si Luis. Ang tanging ipinagpasalamat niya ay hindi sila sinasaktang magkapatid.

"At ngayon ang pagkakataon mo upang bawiin sa akin na ikaw ang naging anak ko, Billie," patuloy ni Luis na nagpaangat ng mukha niya. "Ang buong cottage ranch ay nakasangla sa bangko and is facing foreclosure in two weeks' time."

"That's not true!" hiyaw niya sa nanlalaking mga mata. Hindi gustong paniwalaan ang sinasabi ng ama subalit naglaro sa isip ang sunod-sunod na sulat mula sa bangko nitong nakaraang mga buwan. Ganoon din ang tawag sa telepono mula sa bank personnel, ang paghinto niya sa pag-aaral nitong nakaraang semester, ang krisis nila pagdating sa pera.

Luis have long lost his job bilang computer analyst sa bangko dahil nga sa malimit itong lasing."Nasa loob ng study ang mga papeles, dala ko. You can take a look para maniwala ka," utos nito sa kanya na hinayon ng mga mata ang study.

"Y-you have no right," aniya sa gumagaralgal na tinig. "P-paano kami ni Angeli?" Ang tinutukoy ay ang apat na taong gulang na kapatid. "Ang pag-aaral ko?" she asked in a horrifying tone.

"Just as you didn't have the right to be born a girl!" balikwas nito sa kanya sa humihiwang tono. "You're so unfair..." humikbi siya nang tuluyan. "At kung tungkol sa pag-aaral mo'y problema na ng magiging asawa mo iyon. You know they're rich that I couldn't even think how much. At kung inaalala mo ang kapatid mo'y gagawin mo ang gusto kong mangyari."

Nag-angat siya ng luhaang mukha nang may biglang pumasok sa isip. "Kung... kung nakasangla ang buong cottage ranch then we can seek Nick's help, daddy. Hindi niya tayo tatanggihan!" Nakabanaag siya ng pag-asa. She was only nineteen to be married to someone she doesn't love and almost a stranger for that matter. At natitiyak niyang hindi rin siya gustong mapangasawa ni Lance Navarro. Hindi ang tulad niya ang nakikita niyang laging kasama ni Lance sa mga magazine. And he hated her kung ang pagbabasehan ay ang dalawang beses nilang pagtatagpo.

"Naisip ko na iyan nang ialok ni Franco Navarro ang tulong niyang tubusin ang buong rancho, Billie. Kung paano niya nalamang nakatakda ang foreclosure, the devil knows. Hindi ko gustong tumanggap ng charity mula sa lalaking siyang naging dahilan ng kamatayan ng kapatid ko." muling tumiim ang mukha nito.

"Kung ganoon ay walang problema, daddy." she smiled a little at pinahid ang luha sa mga mata. 

"Kausapin natin si Nick..."

"Don't be stupid, girl!" angil ng ama. "Nick's rich dahil nasa pangalan niya ang buong Hacienda Montaño subalit hindi niya magagawang ipagbili ang alinmang bahagi nito dahil maliwanag ang nakasulat sa testamento ng Papa na wala kahit isang metro kuwadrado ang ipagbibili. At ang share ni Jerome Gascon sa FNC na minana ng pinsan mo'y nanatiling kumikita sa FNC. Subalit sa palagay mo ba'y madali para kay Nick na kumuha ng napakalaking halaga nang hindi malalaman ni Franco Navarro? Dolyares ang pinag-uusapan dito at hindi peso. You can think again, Billie..."

Muling lumaylay ang mga balikat ng dalagita. Ang bahagyang pag-asang natanaw ay tuluyang naglaho. Patakbo siyang lumabas ng silid bago pa siya tuluyang humagulhol ng iyak.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon