11

27.2K 700 114
                                    

"MAPAPAHIYA ka, Papa, kung ipakakasal mo ako nang maraming imbitado," banta ni Lance sa ama. "You won't like the treatment I will give to your little pigeon sa harap ng mga bisita," dagdag nito sa naghahamong titig.

"You son of a—" akmang lalapitan nito ang anak subalit hinawakan ni Beatriz sa bisig ang asawa.

"Franco, please," mariing awat nito. "Pumayag na ang anak mong pakasal kay Billie, bakit hindi mo gustong sundin ang nais niya sa sariling kasal?" Inakay nito ang asawang nagpupuyos sa galit patungo sa sofa.

"I have distributed some invitations to the Fortalejos, Beatriz, and to some of my close associates," galit nitong sinabi.

"That is your problem." si Lance na tumaas ang sulok ng bibig. "I cannot promise pleasant behaviour during the death sentence, Papa. I cannot even pretend. And you wouldn't want that. 

And don't you dare asking my sister and brothers to come home just for this wedding, damn it, but I will be married with only you and mother and Luis Montaño in attendance!"

Nakita ni Beatriz ang sagupaan ng tingin ng mag-ama. Nararamdaman pareho ang galit na inilalabas ng dibdib. At gusto nitong manlumo. Natitiyak niya ang takdang alitan ng mag-ama nang dahil kay Billie Rose. At hanggang kanina ay nagamit na niyang lahat ang maaaring gamitin upang pigilan si Franco na ituloy ang balak.

"Nakita mo si Luis, 'di ba, Beatriz?" wika nito sa kanya. "Ilang hakbang na lang sa hukay. He has become an alcoholic. Kaibigan mo siya, hindi ba? Tanging ang magkapatid na Montaño lamang ang kasa-kasama mo sa rancho noong kabataan mo. Luis was so fond of you, kung natatandaan mong sinabi mo sa akin iyan. He almost married you himself kung hindi ka nanghawakan sa pangako ko sa itay mo..."

Nagpakawala ng isang marahang paghikbi si Beatriz. Totoo ang sinasabi ng asawa. Lumayo lamang si Luis nang ipanganak ni Monica si Nick.

"He had lost his inheritance, a year ago, he lost his wife, and now he is about to lose his ranch in Colorado. Gaano man kaliit ang lupain, that was his..." patuloy ni Franco. "At kaya mo bang isipin ang mangyayari kung maiilit ng bangko ang ranch, Beatriz? He will kill himself!"

"Kaya mo siyang tulungan, Franco, nang hindi mo ipinapakasal si Lance kay Billie."

"Sa palagay mo ba'y hindi ko naisip iyan at hindi sinubukan? Minsan ang pride ay nagpapangyaring hindi makaisip nang mahusay ang isang tao, Beatriz. And Luis silently hated me. Ako ang sa palagay niya ang sanhi ng kamatayan ni Monica. And I fathered Nick na siyang dahilan upang mawala sa kanya ang kalahati ng Hacienda Montaño, and I know he resented Nick bagaman hindi lantarang ipinakikita iyon. At alam din iyon ni Nick.

"And you woudn't believe this, darling," lingon nito sa asawa na nakakunot ang noo sa pagkakatitig sa kanya. "Luis hated his own daughter dahil ipinanganak itong babae..."

"No... h-hindi totoo iyan..." hindi makapaniwalang iling ni Beatriz.

Huminga nang malalim si Franco at hinagod ng masuyong tingin ang asawa. "Nang una mong sabihin sa akin ang tungkol sa mga Montaño, Beatriz, I got so interested dahil sa paraan ng pagkakahayag mo sa attachment mo sa magkapatid. Kung paanong hindi ka nila tinatrato tulad ng iba sa Sto. Cristo sa kabila na noong panahong iyon, they were the richest and can be very powerful, kung pinili ni Luis na maging tyrant." muling humugot ng malalim na paghinga si Franco and lovingly gazed at his wife.

"You are the best thing that ever happened to me, Mrs. Beatriz Navarro, and I love you so much. If I am to die and live again, I'd still want no one but you," he said in soft and tender voice. "Ang mga kaibigan mo'y naging mga kaibigan ko. Tinatanaw kong utang-na-loob sa mga Montaño ang anumang tulong na ibinigay nila sa iyo bago tayo nagkakilala at kahit nang umalis ka sa bahay na ito at umuwi ng Sto. Cristo. What happened between me and Monica was beyond my control and by now, alam kong naintindihan mo iyon because you love Nick as if he was your own..."

Napahikbi nang tuluyan si Beatriz. At over fifty, Franco Navarro was very much a handsome and virile man not to mention his money. Hindi iilang babae ang nagpipilit na makuha ang atensiyon ng asawa. Perhaps there were little discreet flings but to the best of her knowledge, Franco remained faithful.

"But you cannot sacrifice your own son's life dahil lang sa pagtanaw ng utang-na-loob, Franco," patuloy niya. Pinunasan ng tissue ang mukha.

Matagal bago sumagot si Franco. Kung ilang beses sinulyapan ang asawa at tumingala sa kisame. Pagkatapos ay lumapit dito at inakbayan si Beatriz.

"Come, darling, and I'll tell you something."



*****Medyo attached talaga ako sa kuwento ni Lance my god. Masarap talaga alalahanin ang masasayang sandali kapiling ka bebe Lance char hahahaha. Enjoy reading mga beshie . Stay safe and God bless. Please read moderately alagaan n'yo ang mga sarili n'yo at mahirap magkasakit sa panahon ngayon. Stay safe and God bless. - Admin A *********

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon