4

30.3K 834 30
                                    

SI LANCE ay bahagyang umungol na nagpakislot kay Franco. Humakbang palapit sa anak. 


"Lance...?"

Si Lance ay unti-unting nagmulat ng mga mata. Kumurap-kurap bago tuluyang naipokus ang paningin sa nasa harap.

"Papa..." he whispered in a hoarse voice. Nagtangka itong kumilos subalit napangiwi.

"It's all right, Lance," bulong ni Franco na banayad na hinawakan sa magkabilang balikat ang anak.

"Ano'ng... nangyari? Why am I in pain? What happened to my leg?" Niyuko nito ang naka-cast na kaliwang binti at muling napangiwi sa sakit dahil sa pagpilit na maiangat ang ulo.

"Huwag mong piliting kumilos, anak. It is to be expected that you will feel pain. Naaksidente ang—"

"Yes. Naalala ko na." mariing napapikit ang binata nang mag-unahan sa isip ang pangyayari bago siya tuluyang nawalan ng malay. Pagkatapos ay nagtagis ang mga bagang nang maalala ang dahilan ng pagtaob ng sasakyang pangkarera niya.

"It's okay, Lance. Magpasalamat tayo at buhay ka." tipid na ngumiti si Franco.Banayad na tumango si Lance at tinitigan ang ama. Pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay. 

"You look like hell..."

Lumapad ang ngiti ni Franco. "Look who's talking," tukso nito at masuyong hinagod ng tingin ang anak. May limang stitches sa may bandang itaas ng noo.

Gumanti ng ngiti si Lance. "Thanks for coming." pinisil nito ang palad ng ama. "Ang Mama?"

Biglang nawala ang ngiti ni Franco. "She's fine..."

"Hindi iyon ang ibinabadya ng mukha mo. How is she?" mapilit nitong tanong.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Franco. "She didn't take it lightly. But she's okay now, I talked to her this morning. She's burning the lines..."

Sasagot sana ang binata nang lumapit ang doktor. "I am sorry, Mr. Navarro, but the patient must rest." itinaas nito ang manggas ng hospital robe na suot ni Lance at tinurukan ng injection ang binata.

"What was that?" kunot ang noong tanong nito sa doktor.

"Sedative..." sagot ng doktor na tinapik sa balikat si Franco. "Let him rest, it'll do him good..." wika nito at tuloy-tuloy nang umalis.

"Damn doctor," usal ng binata na unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata. "I don't want... to sleep..."

Ginagap ni Franco ang kamay ng anak at pinisil. "I'll be around when you wake up..."

"Tawagan mo... ang... Mama. Tell her... not to... worry..."

Tumango si Franco. "I love you, son. Sometimes I wonder if I have told you that often enough..."

Nagpakawala ng inaantok na ngiti ang binata. "You... didn't have to. I... know you do..." tuluyan na itong pumikit.

"Yeah. Only you didn't know how much." Sinikap ni Franco na huwag bumagsak ang namumuong luha at itinuwid ang sarili. Tinitigan ang anak at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga kasabay ng pagtiim ng mga bagang.

Damn jet-setting and car races, Lawrence Navarro! It almost took your life. I will see to it na mananatili ka sa FNC at kalimutan ang racing car!

SA labas ng ICU ay nagulat pa si Franco nang makilala ang kausap ni Nick.

"Billie Rose!" bulalas nito. "Is it really you?"

"Hello, Tito Franco," bati ng dalagita na mabilis na lumapit dito at humalik sa pisngi. "Kumusta na po si Lance?"

"Nagkamalay na siya pero muling pinatulog ng doktor." niyuko nito ang pamangkin ni Monica. Mabibilang sa daliri ang mga pagkakataong nagkikita sila ng dalagita. Pero tinitiyak nitong sa tuwing nasa ibang bansa ay dinadalaw nila ni Beatriz ang kapatid ni Monica na si Luis. "When did you grow so tall and pretty?"

Ngumiti ang dalagita. "So you did notice that I am pretty, huh?" masuyo niyang sagot na tumingala rito. Singkuwenta nang mahigit si Franco Navarro. Pero sa tingin niya ay walang nagbago. Handsome as ever.

Si Franco Navarro ang kauna-unahan niyang crush. She first saw him when the Navarro's along with Monica attended Nick's graduation at UCLA. She was almost sixteen then. Tomboyish. Laging naka-jeans. Anybody could have mistaken her for a boy had it not been for her long dark brown hair.

She adored him. At sa tuwing dumadalaw ang mag-asawang Navarro sa daddy niya ay hindi niya pinagsasawaang pagmasdan si Franco. At nang araw na mamatay si Monica ay gusto niyang yakapin ito and comfort him. He was troubled then dahil sa nangyaring iskandalo. And she didn't blame her Aunt Monica for falling in love with the man. Ipinagtanggol niya si Franco Navarro sa daddy niya nang magalit ito. Para sa kanya ay si Franco Navarro ang epitome ng ideal man niya.

Funny that she never had a crush kahit sa isa sa mga binata nito. Oh, well, she loved and adored Nick dahil pinsan niya ito. Pero nakapagtatakang hindi niya napagtuunan ng pansin ang sino man kina Alvaro at Lance who were both as handsome as their father. Lance most especially dahil maliban sa kulay ng balat, ito ang younger version ni Franco.

And if truth be told, kinaiinisan niya ang parating nababasa at naririnig na mga affairs ni Lance Navarro. Para sa kanya ay napakairesponsable nito sa pagiging jet-setter habang nasa likod ng executive desk ang ama.

Bagaman tulad ni Lance ay hindi naman din siya personal na kilala ni Alvaro ay mas kinikilingan pa niya ang nakatatandang anak ni Franco. Tahimik at siyang namamahala sa rancho sa Alta Tierra.

And seeing Franco Navarro now ay naroon pa rin ang admiration niya. And she thought that childish crush had gone when she met his first and current boyfriend, ang dahilan kung bakit siya talaga naroon sa ospital.

"Bulag lang ang hindi makakapansing maganda ka, Billie Rose," ani Franco na nagsalubong ang mga kilay sa pagtitig sa magandang mukha ng dalagita. "Hindi ba, Nick?" dugtong nito bagaman hindi sinulyapan si Nick na natawa.

"The classic American..." matabang na sagot ni Nick.

Patuloy sa pagtitig si Franco sa dalagita. "Dark brown hair, the classic brunette in riot curls... your eyes, what color are they?" Hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha at tinitigan ang mga mata niya.

She wrinkled her nose. "I don't like the color of my eyes. I wish they were black or brown just like my hair."

"But they're beautiful, Billie Rose," patuloy ni Franco. "Deep set and the faintest of blue. The romantics called it ice blue. And fair skin." wala sa loob na umiling ito. Pagkatapos ay may misteryong ngiti na sumilay sa mga labi. "...the exact opposite..." anas nito.

"What are you talking about, Tito?" Si Billie na nakakunot ang noo na tumingala sa lalaki. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Nick ang sinabi ng ama at biglang napabaling ito ng tingin sa matandang lalaki.

"I want to talk to your father, Billie, bago ako bumalik ng Pilipinas."

"S-sure, Tito..." nagtataka pa ring sagot ng dalagita. Sinulyapan si Nick na tulad niya ay nagsasalubong ang mga kilay.

You will hate me for this, Lance, but enough is enough.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon