13

25.6K 715 28
                                    


MALIBAN kay Alvaro na humihingi ng direksiyon mula kay Lance ay walang nagsasalita sa mahigit kalahating oras na biyahe. Sa isang two-storey apartment sa Xavierville sa Quezon City ipinahinto ni Lance ang kotse.

"Ano ang gagawin mo dito, Lance?" tanong ni Alvaro na nilingon ang kapatid at pagkatapos si Billie na nasa likod ng kotse. "You can't possibly spend your honeymoon here..."

Ngumisi si Lance. And Billie swore it was a devil's grin. Si Alvaro man na kilala ang kapatid ay naghihinala pero hindi magawang magsalita. Hindi nito gustong dagdagan ang bigat ng mga pangyayari. Kilala nito ang kapatid, kung mayroon mang kinamumuhian si Lance ay ang ipilit dito ang bagay na hindi gusto.

"Wait for us, big brother," ani Lance sa kapatid. "We won't be long," pagkatapos ay niyakag lumabas si Billie na alanganing sumunod. Sa pahirap na paglakad ay pumasok sa nakabukas na gate si Lance at diniinan ang buzzer sa may pinto.

Ilang sandali pa ay isang magandang babae ang lumabas na sa tingin ni Billie ay inaasahan na ang pagdating nila.

"Siya ba, lover boy?" tanong nito, a seductive smile curving her lips.

"Yes, Maureen." hinawakan nito sa braso si Billie at ipinasok sa loob. "Make it fast, my brother's waiting."

"Sure, honey," nakangiting sagot ng babae. "Tara kayo sa loob."

Muli ay naramdaman ni Billie ang braso ni Lance sa likod niya at halos minamadali siyang pumasok sa silid sa ibaba. Kung gaano kadisente ang receiving area ng apartment ay siya namang kabaligtaran ng silid na pinasok nila na napahugot ng malalim na paghinga si Billie.

Nakapaskil sa buong silid ang iba't ibang uri ng disenyo ng tattoo that she shivered. Ano ang gagawin nila roon? Napatingin siya sa babae na may kinuhang mga gamit sa isang cabinet. Hindi man siya pamilyar ay alam niyang mga gamit iyon sa pagta-tattoo.

"You can sit here, Miss." itinuro sa kanya ng babae ang isang divan. "Just relax and make yourself comfortable..."

Nanlaki ang mga matang napatingala kay Lance si Billie. "A-anong ibig sabihin nito?"

Isang ngisi lang ang isinagot ni Lance sa kanya. "C'mon, Billie, ayokong magtagal..."

"No!" Akma siyang lalabas subalit nahawakan siya ni Lance sa bisig. Totoong nakasaklay ang kaliwang binti nito pero hindi siya makakawala mula rito.

"Don't just stand there, Maureen," wika nito sa babae. "Paupuin mo siya at nang makapagsimula ka na..."

"Lance, hindi mo sinabi sa aking hindi willing na magpa-tattoo ang pasyente?" naguguluhang wika ng babae.

Magpa-tattoo! Palalagyan siya ng tattoo ni Lance! Nanlalaki ang mga mata ni Billie Rose at naipon sa lalamunan ang paghinga sa takot.

Impatiently, dumukot sa bulsa niya si Lance at isang kumpol ng salapi ang inilabas at inihagis sa mesa. "Get on with it, Maureen. My wife won't say no!"

"Your wife?" bulalas ng babae bagaman ang mga mata ay sinundan ng tanaw ang salaping bumagsak sa mesa.

"Narinig mo and i can't lie about that. Now, get started."

"No, Lance, please!" pahisteryang pakiusap ni Billie. "Ayoko! Huwag mong gawin ito..."Ipinaupo na siya nito katulong ang babae sa kabila ng pag-ayaw niya. Tumingala ang babae kay Lance.

"Saan mo gustong lagyan siya, Lance?"

Tumaas ang isang sulok ng bibig nito at yumuko. Binuksan ang zipper sa likod ni Billie at sa panggigilalas niya ay ibinaba nito ang damit hanggang sa malantad ang puno ng dibdib niya.

"Sa tapat ng puso, Maureen. Ilagay mo ang pangalan ko over a rosebud. That's my wife's name, Rose," he instructed ruthlessly.

"Y-you can't do this, please... oh, god, god, please." may pakiramdam siyang wala namang tinig na lumabas sa bibig niya. She was staring at her husband in horror and all she saw in his eyes was the cruel gleam.

"Sinabi mong gusto mong maging Navarro, hindi ba, Billie?" wika nito, his eyes in slits. "Your wish is granted and not just in papers. Body and soul, you are a Navarro. My possession for life!"

She gasped in pain as she felt the first prick of a needle on her soft skin. Iyon lang at nawalan ng malay si Billie.

"Lance?" Nag-aalalang napatingala si Maureen dito.

Sandaling natigilan si Lance. Tinitigan ang dalagitang walang malay sa divan. The mischievous face that taunted him many times and yet looked angelic sa pagkakawala nito ng malay. May kung anong damdaming biglang bumangon sa dibdib. Something like indecisiveness and compassion. But he abruptly set the emotions aside. He was furious with her.... with her father... with Franco Navarro!

"That will make your job easier, Maureen" agad nitong sinabi, naggalawan ang mga muscles sa mukha. "Bilisan mo..."

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon