24

29K 702 86
                                    


SINULYAPAN ni Lance ang babaeng nasa harap. Too beautiful and sophisticated. She was so poised sa pagkakaupo sa settee na kaharap ng mesa niya. Parang mamahaling dresden china na dapat ilagay sa isang shelf upang i-display.

Her long straight hair was charcoal black. Thanks to the expensive hair dyes. The smooth skin tanned from sunbathing. He would have laughed aloud of her subtle efforts to please him kung hindi bumagay rito ang ginagawa. But she could make rags appear like a Queen's garment. Si Charry de Luna ang pinakamatagal sa mga naging girlfriend niya. Marahil ay dahil hindi ito demanding. Hindi rin emotional.

And Charry was a matured woman. One reason kung bakit kahit kailan ay hindi siya pumapatol sa mga babaeng bata. Chances were hysterical ang mga ito kapag tinatapos na niya ang relasyon. And to give her credit, ginawa ni Charry ang hindi nagawa ng mga naging girlfriend niya: ang i-announce sa publiko na malapit na silang magpakasal.

He admired the guts of the woman kahit na halos maghisterya si Beatriz Navarro nang mabasa sa peryodiko ang announcement ni Charry na sooner they will tie the knots.

"Lawrence, ano ang ibig sabihin nitong nasa peryodikong ipinahayag ni Charry de Luna?" Natutulog pa siya nang bumulaga sa silid niya ang ina. Uncaring kung natutulog siyang nasa birth suit niya, bagaman nakadapa.

Tanging si Beatriz lamang ang may susi sa bahay niya.

Sa inaantok na diwa ay hinagilap ang kumot at itinakip sa ibabang katawan. "Mother... it's Saturday. Ang aga-aga naman niyan." isinubsob niya ang mukha sa unan subalit hindi maawat si Beatriz. Nagmadali itong magpa-drive sa driver dahil naka-off ang CP ng anak. At natitiyak nitong nakatanggal sa plug ang landphone kapag Sabado.

"Lance, it's nine in the morning. At itinago ko lahat ang mga peryodikong dumating dahil baka makita ng ama mo," patuloy nito na umupo sa malapit sa ulunan niya. "Will you explain this?"

Napilitang siyang abutin ang peryodiko at daanan ng hindi pa maidilat na mga mata ang ikinaligalig ng ina. Isang inaantok na buntong-hininga ang pinakawalan at muling ibinalik sa ina ang diyaryo. Muli ring itinaob sa unan ang mukha.

"'Ma, nabasa n'yo naman diyang siya ang maysabi, hindi ako. You worry over a grain of salt." naghikab siya.

"You have no intention of dissolving your marriage with Billie Rose, Lance, have you?" alanganing tanong ni Beatriz sa anak.

Pero tulog na muli si Lance. She sighed at tumayo. Masuyong pinagmasdan ang bunsong lalaki. Pagkatapos ay yumuko and softly touched his dark hair. Inabot ang kumot at itinaas hanggang sa likod ng anak.

"You are just like your father, Lawrence. Iyan ang malaking dahilan kung bakit hindi kayo magkasundong mag-ama. And Franco was so wrong when he married you to Billie Rose. Binigyan ka niya ng lisensiya sa mga kalokohan mo," umiiling nitong sinabi.



***********Easyhan n'yo lang mga beshie, sorry at hindi me nakapag-update yesterday at malakas ang ulan, ayaw ko naman masira ang laptop ko kung sakaling mabasa ng ulan, may butas ang bubong ng bahay namin eh hahahaha, kaya pasensya na sa mga naghintay. Bawi na lang me today dapat nga sana bukas since Sunday today and Sunday is family day char hahahaha. Di bale dahil natuwa naman ako sa mga mensahe n'yo at comment n'yo kaya mag-uupdate me today char. Easyhan n'yo lang mga beshie at wag kayong magalit agad baka kasi may sitwasyon lng na kinakaharap yung isa sa atin kaya hindi agad napagbigyan ang kahilingan n'yo char. Try n'yo lang maging mahinahon mga beshie sa panahon kasi ngayon walang mararating ang init ng ulo natin char hahahaha. Ang drama ko na parang ang haba na ng mga sinasabi ko hahahaha. Basta salamat sa mga mensahe at comment's n'yo, lubos n'yo akong napasaya char. At rereplayan ko rin ang mga messages n'yo no worries sapagkat alam ko ang pakiramdam ng nase-seen lang charoooot hahahaha. Maraming salamat. Stay safe and God bless. -Admin A ********

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon