17

31.1K 826 109
                                    

MAAGA pa kinabukasan ay nasa FNC na si Billie. Wala sana siya roon kung nakausap niya si Lance sa bahay ng mga Navarro kagabi. Subalit ayon sa mga maids ay hindi roon umuuwi ang lalaki kundi sa bahay nito. Nang hingin niya ang phone number ay hindi ibinigay ng mga katulong.

"Good morning," bati niya sa receptionist, using her american accent. "Where can I find Mr. Lance Navarro's office..."

Nagkatinginan ang receptionist at ang telephone operator. Ganoon din ang ilang bisitang naroon sa reception na marahil ay may hinihintay na executive.

"I'm afraid Mr. Navarro hasn't arrived yet, Miss," magalang na sagot ng receptionist. "He's usually in at ten. And you're thirty minutes early."

"But I saw his carat the parking area," giit niya. Hindi niya kilala ang kotse ni Lance pero may nakaparadang Alfa Romeo sa parking space na may pangalan nito. One of the most expensive luxury cars.

Nagkatinginan ang dalawang babae. Ang receptionist ay dumayal at ilang sandali pa ay may kausap.

"Dulce, ang aga-agang may naghahanap sa boss mo rito sa ibaba. Papapanhikin ko ba?" wika nito na pasulyap-sulyap sa kanya. "As usual, babae, ano pa ba? Brunette ang isang ito, 'day." hininaan nito ang huling sinabi bagaman nakatitiyak sa sariling hindi nakakaintindi ng tagalog si Billie. "Okay," ibinaba nito ang telephone-intercom.

"Do you have an appointment, Miss?" baling nito sa kanya.

Umiling siya. "N-no. But I'm sure Lance will see me..." alanganing sagot niya. Hindi matiyak kung kakausapin nga siya nito kung ang pagbabasehan ay ang galit nito sa pagpapakasal sa kanya at ang hindi nito pagsagot sa dalawang sulat na ipinadala.

Sukat doon ay sabay na makahulugang ngumiti ang dalawang babae. "I am very sorry, Miss, but Mr. Navarro won't see you unless you have an appointment with him today. He's kinda busy and his meeting with the staff will start ten minutes from now."

Itinuwid ni Billie ang sarili at natitiyak niyang sa determinasyong nasa mukha ng receptionist ay hindi siya papayagang makapanhik man lang. Sinikap niyang pigilin ang inis at itinaas ang mukha.

"I don't think I need an appointment to see my husband, Miss. Dial his secretary and tell her that Mrs. Billie Navarro would like to see her boss!"

Sabay na napasinghap ang dalawang babae at bago pa naintindihan ni Billie ang nangyari ay kumislap ang isang camera sa mukha niya na sinundan ng isa pa. Ang receptionist ay nagmamadaling muling dumayal sa itaas habang mabilis na nakapaikot kay Billie ang dalawang reporter.

"Dulce, makinig kang mabuti," ang receptionist na patingin-tingin kay Billie na iniiwas ang mukha sa mga camera. "Ang brunette na narito sa ibaba'y sinasabing asawa siya ni Mr. Navarro... yes!" Ilang sandaling naghintay sa interphone ang receptionist.

Si Billie ay inulan ng tanong ng mga reporters.

"Excuse me, Miss... what did you say your name is?" ang isang lalaki na kanina ay alam niyang nakaupo sa mahabang sofa para sa bisita. "And did you say you are Mrs. Lance Navarro...?" Itinaas nitong muli ang camera at kinunan siya ng larawan na biglang nagpalito sa kanya.

"Oh, please..."

"It was rumored three years ago that Lance Navarro secretly married a daughter of a family friend. Is it true?" tanong naman ng isang kasama nito.

"Miss..." ang receptionist, hawak ang telepono bagaman tinatakpan ng kamay ang mouthpiece. 

"Mr. Navarro wants to know your full name..."

Inis na humakbang palapit si Billie at kinuha ang telepono sa nabiglang babae. "Hello..."

"Hello," the deep and husky voice mula sa kabilang linya.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon