36

27.2K 722 26
                                    

SI CHARRY ay pinaglipat-lipat ang tingin kay Lance at sa dalawang taong nasa loob ng silid. Bahagyang umangat ang mga kilay ng dalaga. Tumikhim ito at nagpalingon sa dalawa sa may pinto.

"Oh, there you are, Lance," ani Franco at balewalang pinakawalan si Billie. "Isasama ko si Billie pabalik ng Maynila at—"

"Pabalik ng Maynila?" Tumaas ang tinig ni Lance. Tinitigan ang asawa sa naniningkit na mga mata.

"Two or three days," patuloy ni Franco na hindi pinapansin ang tono ng anak. "She'll be back. Ipahahatid ko rin siya rito. May aasikasuhin lang ang asawa mo." niyuko nito ang manugang sa suot na walking shorts at loose shirt. "Iyan na ba ang suot mo, hija?"

"I–I'll change," aniya at mabilis na lumabas ng silid.

"Hihintayin kita sa chopper, Billie. Huwag kang magtagal at may appointment ako ngayong hapon," pahabol ni Franco.

Sinundan ni Lance ang asawa sa silid niya habang si Charry ay nagtuloy na rin sa silid nito.

"Mag-usap tayo," magaspang nitong bungad habang kasalukuyang naghahanap ng isusuot si Billie.

"Mag-usap?" baling ni Billie dito sa mataas na tinig. "You must be kidding? You've been ignoring me for the past days pagkatapos sasabihin mong mag-usap tayo?" Mahigpit na hinawakan ni Lance ang braso niya. "Ano ang gagawin mo sa Maynila?"

"Gusto kong kausapin si Luke!" she snapped. "Karapatan niyang malaman kung nasaan ako at—"

"Then there's no need to leave," agap ni Lance na kinalma ang tinig. "Your boyfriend wasn't as noble as you thought him to be, Billie."

Nagdikit ang mga kilay niya. "Of course. Napakahusay mong manghusga ng tao, 'di ba? I should know, isa ako sa mga biktima mo," sarkastikong wika niya. For a fleeting moment she thought she saw him winced.

He took a deep breath. "Kinausap ko si Nick and had him investigated and—"

"Pinaimbestigahan mo si Luke!" Hindi niya mapaniwalaan ang narinig.

"I have to. I may not agree to annulment but I cannot force you to cohabit with me kung gugustuhin mong bumalik ng Colorado. And it is my obligation to protect my wife from unscrupulous men."

"I don't believe this!" She raised her hands in frustration. "Hindi ka nag-alala sa akin sa nakalipas na tatlong taong mahigit, 'tapos sasabihin mong pinoprotektahan mo ako sa mga—"

"Nakaraan na iyon, Billie," agap nito. "And I cannot undo what I did." somehow may nauulinigang regret si Billie sa tinig ng asawa o marahil ay nakaringgan lang niya. "Ang importante'y ang ngayon. At walang gusto si Luke sa iyo kundi ang mamanahin mong rancho sa pag-aakalang sa iyo ito iniwan ng daddy mo..."

"Damn you, Lance!"

"Ganoon din ang ginawa niya sa unang dalawang asawa niya, Billie," patuloy nito na hindi pinansin ang panlilisik ng mga mata niya. "His first wife died mysteriously at minana ni Luke ang kayamanan nito. His second wife divorced him and he settled with a fat alimony. You can give Nick a call kung hindi mo gustong maniwala sa akin."

She was stunned and speechless. Kung inutusan ni Lance na mag-imbestiga si Nick, then his cousin wouldn't lie no matter how he disliked Luke Wendell.

Gusto niyang umiyak sa galit at habag sa sarili. But she couldn't show self-pity sa harap ng lalaking ito. She squared her shoulder and raised her chin.

"Well, I seemed to have this luck to involve myself with men who only want to use me." sinalubong niya ng titig ang mga mata ng asawa. "Quinn used me to get back at you, Luke thought I was rich." she smiled bitterly. "And you used my body for your sexual pleasures..." nakita niyang akmang magsasalita si Lance at mabilis niyang idinagdag: "and don't dare deny that, Lawrence Navarro!"

Itinaas ni Lance ang kamay upang hawakan siya pero mabilis na nakaiwas si Billie. "Sasama pa rin ako pabalik ng Maynila sa Papa," she said in false calm.

"You are not leaving this ranch, Billie," matigas nitong sabi.

Umangat ang kilay ni Billie. "Really? Then go and argue with your father, Lance Navarro..."Patalikod na nagmura si Lance. Pagkatapos ay muling humarap sa kanya. "You're my wife, dammit! At hindi ko kailangang hingin ang permiso ng kahit na sino upang pigilin ka rito!"

"Go ahead then at ipakita mo sa dalawang bisita mo kung paano kayo magsigawang mag-ama," hamon niya.

Namumula na ang mukha ni Lance sa galit. "I'll haul you back and you can bet on that!" She gave him a sarcastic smile. "Naniniwala ako sa iyo. But don't bother, dahil nangako ako sa Papa na babalik dito after two days. Kung hindi lang, I don't really care if I never see you again, Lance Navarro!" Tuloy-tuloy na siyang lumabas ng silid.

Si Lance ay sinundan ng tingin ang asawa sa nagpupuyos at naguguluhang damdamin. Mula sa likuran niya ay nagsalita si Charry.

"I hate to ask this, honey, pero talaga bang ganoon ka-intimate ang Tito Franco sa manugang niya?"

Naniningkit ang mga matang binalingan niya ang dalaga. "What are you insinuating, Charry?" mapanganib niyang tanong.

"Relax, Lance. Wala akong masamang ibig sabihin," she said matter-of-factly. "Hindi ko naman talaga kilala si Billie. Baka naman talagang malapit lang siya sa papa mo."

Hindi sumagot si Lance pero tumaas-baba ang dibdib sa inis.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon