Chapter 1

1.5K 37 3
                                    

Chapter 1

Primrose


The people started chanting as the booming music filled the place. There's something magical in this place, something that could make you feel like you're flying with so much joy.

I wanted to join the crowd as they jumped along with the music, chanting, and dancing, but decided not to and just enjoy the concert silently. I watched the eight people on stage, dancing while singing with a smile as if they're not sweating.

"SBG! SBG! We love you!"

Everyone clapped when they ended their performance. It was indeed a wonderful night! Mabuti nalang talaga at humingi ako ng tulong para lang makakuha kaagad ng ticket nila.

"Thank you so much, ate Alice!" I jumped towards her and hugged her tightly.

She chuckled, "You're always welcome. Besides, libre lang din naman iyan, wala akong ginastos."

A soft giggle escaped my lips. Masaya akong tumingin sa hotel kung saan mananatili ang grupong nag concert. Since they booked the whole floor, ate Alice made sure that I'll have a room there. I'm really grateful to have her in my life, kahit hindi kami magkadugo ay para ko na siyang ate simula nung nawala ang magulang ko.

"Put this on." She gave me a face mask, cap and an I.D for the staff. "Kailangan mo iyan para hindi magtaka ang mga fans nilang naka-abang sa labas ng hotel at lobby. Basta may boundaries kapag nakita mong may nakabantay na guard, ha? Tayo malalagot nito sa tito mo, eh!"

I nodded and smiled at her, "Don't worry. Nasa katinuan pa naman ako. I just want to experience the concert and be on the same floor with them."

Ate Alice just shrugged before giving me her last instruction. It's really a great thing to have connections!

"Our beloved Primrose, ngayon lang kita pagbibigyan, ha? Ngayon ka lang naman na hilig sa isang boy group. Hindi mo lang ako secretary, ate mo na rin ako."

Masaya akong tumango sa kanya bago sinuot ang kanyang binigay sa akin. She's actually my secretary whom I treated like a big sister. We don't do formalities because I really want us to treat each other like a family even though we're not related.

Hindi ko nga alam bakit natutuwa rin siya na nagpa-fan girl ako ngayon. Isa pa, kilala ko na kasi talaga ang SBG noon kung saan labin-dalawa pa sila, ngunit hindi ako ganoong kahilig sa mga boy group at dahil na rin sa isang tao, pero ngayon ay todo naman ang paghanga ko sa kanila! It's so weird actually na hindi ko gusto ang ganito noon pero ngayon halos mukha na akong hibang, kung saan basta makakita lang ako ng video na nandoon ang miyembro ng SBG ay sobrang lapad na ng ngiti ko.

Habang nasa elevator ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Iniisip ko palang na halos nasa iisang lugar lang kami ng mga taong sobrang hinahangaan ko ay labis na ang aking tuwa.

"Ouch!" Muntik na akong mapaupo sa sahig kung hindi dahil sa isang kamay na humawak sa akin. Inalalayan niya 'ko para makatayo nang maayos.

"Sorry," I apologized.

Pag-angat ko ng aking ulo ay nanlaki ang mga mata ko. His hands were still on my shoulder, and I could tell they were rough from doing so much work.

"Are you okay?" His voice is like music to my ears. Kahit ilang beses ko talagang marinig ang kanyang boses ay hindi ako magsasawa.

"Loey Parker," I muttered.

Kailangan ko pang tumingala para lang makilala kung sino siya. He has grey hair, masculine body with long legs that made me feel so small in front of him. I'm one hundred percent sure that he's the rapper of the SBG!

The Secret CEOWhere stories live. Discover now