Chapter 3

872 27 0
                                    


Chapter 3

Primrose


Loey wasn't joking when he suggested that he'll court me first. Hindi ako naniwala na seryoso talaga siya roon, hanggang sa umuwi na lang si ate Alice na may dalang chocolates galing kay Loey, sabi niya na nagbibigay din daw ng hint si Loey sa management na he's courting someone. Baka raw sa susunod gumawa na siya ng paraan para ma-date ako.

Well, he told uncle that it's better if we'll go through the courtship stage to get to know each other. Isa pa, sinabi niyang mas maniniwala ang iba kapag ngayon pa lang ay napapansin nilang may babae na sa buhay niya, kaya bago pa ako maka-angal ay agad na pumayag si uncle Reylan.

It was overwhelming, to be honest.

"Mr. Larry will visit the SBG later according to his secretary," ate Alice said.

Mabilis na kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Ang alam ko ay bihira lang siyang bumisita sa mga artists kahit nasa iisang building lang naman sila.

"I have a bad feeling about it," I replied, leaning against the sofa. "I guess it's also time for me to visit the company, my uncle, and the group of my future husband."

The corner of her lips rose, which made me roll my eyes. Noong mga nakaraang araw din ay sinasabi niya sa akin na baka magkatuluyan na talaga kami ni Loey. Like, hello? Kahit pa-paano naman ay nasa katinuan pa ako. Ayokong umasa.

I may be a fangirl, but I'm also the future President of one of the famous entertainment companies, though only those in the industry will know about my existence.

Mabilis akong tumayo upang magbihis at mag ayos. I wore a fitted pink shirt and black pants. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba't kulay kape kong buhok. I didn't wear any makeup, since I have fair skin, but I'll look pale if I won't apply anything on my face, that's why I just applied lip gloss.

"Pagdating natin sa Empire Building, kailangan kong magpasa ng report, I'll leave Mr. Reylan's secretary with you later. You need him lalo na may mga ibang hindi ka kilala kaya baka paalisin ka," ate Alice explained.

I nodded, "Don't worry about me. There's a private elevator, right? Isa pa, hindi naman siguro pakalat-kalat lang ang mga empleyado roon. Well, makikilala rin naman nila ako balang araw."

It's a good thing that there's a private elevator for the President and the Vice along with their secretaries. At least, hindi ko kailangan magpatay malisya sa mga taong titingin sa akin na may pagtataka sa kanilang mukha kung sino ako.

"Ms. Foster." A guy who is the same age as ate Alice greeted me politely.

"Hello, Mr. Reyes," I greeted back.

Nagpaalam sa akin si ate Alice bago ako sumunod sa secretary ni uncle Reylan.

"The President is on his way now. Supposedly, hindi dapat nagp-praktis ang SBG ngayon dahil baka hindi pa matuloy ang kanilang comeback, but they insisted," he explained.

I heaved a deep sigh, "Mukhang masesermonan sila, huh?"

Habang naglalakad ay tahimik lang ako nagmamasid, at hindi nakatakas sa aking mga mata ang mga empleyadong napapasulyap sa akin. I just ignored their gaze as I walked confidently. I can't blame them dahil lagi akong tago tuwing dinadala sa building na ito, pero alam naman nila may anak si daddy. Iyon nga lang ay hindi nila kilala except sa mga higher-ups. I may be strangers to the others, but soon, they'll know who I am in this company.

The Secret CEOWhere stories live. Discover now