Chapter 6

148 12 6
                                    

Chapter 6

French Fries


"So, Rhelle, kailan ka pa rito sa Isla?" Tanong ni Kuya Liandel, habang nagmamaneho.


Nakaupo ako ngayon sa likod, katabi si Thaurn, samantalang si Aiah naman ay nasa shotgun seat. Nakasakay kami sa Sedan na sabi ni Aiah ay pagmamay-ari ni Kuya Liandel. Nabili niya raw ito pagkatapos niya grumaduate.



Napatingin kaming lahat kay Kuya Liandel nang magtabong siya sa akin. Kasasakay pa lang namin at hindi ako umiimik dahil hindi ko naman katabi si Aiah.



"Uhh, noong isang araw lang po." I said politely. Sa aming apat na magkakasama, I felt most awkward with Kuya Liandel, siya ang pinakamatanda saaamin at ngayon ko pa lang siya nakilala. With her Kuya around, kahit si Aiah ay mukhang hindi rin makapag-ingay.




Well, ok lang naman sa akin na hindi makipag-usap sa kanila. But! They will take me to God-know-where at sasamahan pa nila buong maghapon, kaya kung ganoon ang scenario buong araw ay paniguradong magiging awkward kami.




Tumango naman si Kuya Liandel, na seryoso pa ring nagmamaneho. Nahihiya naman akong mag-lean sa harap para lamang makausap si Aiah. So, I just layed my back on my seat.





Meanwhile, si Thaurn na kanina pa maingay sa bahay ay kinakalikot na lamang ang phone niya ngayon. He was wearing black shorts, a white t-shirt and slippers. Simple lang suot nito at ang wristwatch at baseball cap lang accessories niya.





Actually, I was expecting him to be loud and noisy inside the car. I assumed because kilala niya rin naman sina Aiah at Kuya Liandel. Kanina kasi sa bahay ay panay ang pangmamadali nito sa amin, lalo na sa akin, na gumalaw na ng mabilis. Para raw ay mas marami kaming mapasyalan.



I scoffed when I remebered his nagging. Excited siya? Eh dito siya nakatira, eh. Malamang ay kabisado niya na ang pasikot sikot sa mga lugar rito.




Hindi ko alam kung saan kami papunta at kung gaano pa katagal bago kami makarating roon. Kaya naman, linabas ko na rin ang phone ko at binuksan ang cellular data.




I don't really use my Facebook account, since marami ang posers na ginagamit ang mga pictures ko. I prefer Instagram and Twitter, dahil na rin ay verified na ang mga accounts ko roon.





I opened my Instagram app to check if my cousins were online. Sadly, wala sa kanila ang online ngayon. Hmm, siguro ikukuwento ko na lang sa kanila mamaya na namasyal ako rito sa Vasco.





I just scrolled through my feed and liked some posts of people I know. I continued to do that until a DM was sent to me.


@thaurn_herrera Ang awkward noh?



Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. He wasn't looking at me though, nakatutok pa rin ang atensyon niya sa phone na hawak niya. Nagtipa naman ako ng pupuwedeng ireply sa kaniya.



@theRhelleSedano
It's not awkward, it's quiet.



It was sent quickly. Mahinang napatawa ang katabi ko nang siguro ay nakita niya na ang nasend ko.


@thaurn_herrera Fine. It's just 'quiet'.


@theRhelleSedano
yea. Why? You have any problem with that?

@thaurn_herrera Oo.



@theRhelleSedano
Edi mag-ingay ka jan.

Then I hit the send button. After that, I chose to close my phone to ask Kuya Liandel something.


Eumoirous (ICS #1)Where stories live. Discover now