Chapter 22

71 7 3
                                    

Chapter 22

Sa mga naiwan


After a boring and lifeless summer here at Manila, sinamahanan ako nina Monique at Zaque para mag-enroll ulit sa dati kong school.

We were walking inside the campus when we saw some of my old collegemates.


"Rhelle! How have you been? Asaan ka last year?" Tanong ni Pamela, isa kong classmate nung first year.



"I've been fine. Nasa Isla Cañas ako last year and continued studying design there," I replied.



Mukha namang hindi niya inaasahan ang sinabi ko.




"Really? I thought you stopped going to school because of your Mom's scandals," she laughed.




I only smiled at her. I didn't want to waste my time explaining to her everything I've been through regarding my family. My family is my privacy. She was just a classmate, a competititive one, who doesn't really need to know and pry more about my privacy.



"How was the school there sa Isla.. what was the name again? Anyways, I sure hope na hindi kulang kulang ang mga tinuro sa inyo." She smirked.



"You know kasi, from a prestigious school sa Manila you settled sa isang school in an island! I never thought you'd settle for less, Rhelle." Umiiling iling pa siya habang may ngisi sa labi niya.


I sighed. Wala siyang alam, that's why it's easy for her to say that.



"Pareho lang ang program na inoffer doon at ang program ng school natin. It barely made a difference," I said simply.



I would've kept my mouth shut pero hindi ko kinakayang dine-degrade niya ang naging paaralan ko roon. Just because it was an island, far from the mainland, hindi ibig sabihin nun ay hindi na nito kayang makipagsabayan sa mga lungsod dito.


Pasimple akong sumulyap kay Monique na nasa tabi ko na ngayong nakahalukipkip na. She arched her brow as she looked at Pamela. Patuloy pa rin kasi ito sa pagsasalita habang hindi naman kami interesadong makinig ni Monique.



Pinagtiyatiyagaan lang naman namin siyang pakisamahan dahil sabi ni Zaque ay dito namin siya hintayin. Ang alam ko ay may hinihintay pa itong kaibigan si Pamela, siguro ay kasabay niya mag-enroll, kaya habang naghihintay siya ay kinakausap-- at iniirita niya kami.




Maya maya nang dumating si Zaque ay parang biglang nag-ayos ng tayo si Pamela. Natigilan siya sa pagsasalita. Her smug smile vanished from her face.


Tumabi na sa amin ni Monique si Zaque. Pinakita niya sa amim ang mga forms na pinilahan niya at binayaran.


"You're enrolled, Rhelle. Siguro ay---" Naputol ang sasabihin sana sa akin ni Zaque.



"I-I've heard about your Dad, Rhelle. I'm sorry for your loss." She suddenly said to me.



Napalingon kaming dalawa ni Monique sa kaniya, samantalang si Zaque ay abala pa rin sa pag-aayos ng mga papeles ko.


"Uhh.. how are you coping up naman? Hehe, I hope na magkaklase ulit tayo this academic year," she said to me but her eyes were on Zaque. Mahina akong napatawa, I find her ridiculous.




"Eww, so fake." Monique rolled her eyes.



Nag-angat naman ng tingin sa amin si Zaque nang marinig ang boses ng kapatid niya. Tinapunan niya rin ng tingin si Pamela. Mukha namang kinabahan si Pamela sa sinabi ni Monique.



Eumoirous (ICS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon