Epilogue

145 10 7
                                    

Author's Note: Thank you so much for making it this far and for bearing with me as I write this story. Thank you for supporting this story despite its imperfections. I will strive to walk on a path towards development in every book I write. I hope to be with you as I grow as an author. Again, thank you so much for spending your time in Isla Cañas with my Rhelle and Thaurn!

See you soon on the second installment of this series, Isla Cañas 2: Divagate!

Epilogue

"Kuya, she look's pretty noh?" Siko sa akin ng kapatid kong si Quincy.

Ang mga mata niya ay nakatutok sa cellphone kung saan naka-display ang isang picture ng babaeng pamilyar sa akin. Paano ba naman hindi magiging pamilyar eh tuwing may bagong post sa social media si Rheian Isabelle Sedano ay halos maglupasay na siya sa tuwa.

"Ano, Kuya?" Baling ni Quincy sa akin. Makulit talaga ang isang ito at hindi tumitigil hangga't walang sagot sa tanong.

Nandito kaming magkakapatid sa pasilyo ng bahay. Mahangin at nakakalma ang kahel na sinag ng araw. Sa tapat ko ay ang mga papeles na rinereview tungkol sa foundation namin. Sa tabi ko ay ang makulit na Quincy na hindi pa rin tumitigil sa paniniko sa braso ko . Sa tapat naman ni Quincy ay ang bunso naming si Jace na abala sa pagsasagot sa makapal niyang libro. Probably homework. And just like the usual, pagkatapos makasagot ay kinukunan niya itong litrato at nagiging abala sa cellphone pagkatapos sigurong isend sa kung sino.

I stared once more at the picture on her phone. Hmm...

"Ano ba naman 'to si Kuya! Hindi matinong kausap!" was her outburst when I answered her with a shrug.

Liningon niya naman si Jace at saka inistorbo. "Jace! Ikaw? What do you think? She looks pretty, right?" Sabay pakita niya ng cellphone.

Humingang malalim si Jace bago tinatamad na inangat ang tingin kay Quincy. Inilipat niya naman ngayon ang titig sa cellphone nito.

The girl was wearing a puffy, yellow dress. With matching headband and hoop earrings. And just like always, her expression is neutral. Her big, round eyes and pointed nose were nicely placed in her small face. She had pinkish, plump lips that always look refreshed. Iisipin ko na sanang talagang maganda siya. If only I wasn't bothered by her serious and snobbish atmosphere. Kung hindi ko nakikita ang mga tipid na ngiti niya sa ibang posts, iisipin kong napilitan lang talaga siyang dumalo at magpose sa mga events na iyon.

"She looks fine to me..." sagot ni Jace at binalik kaagad ang atensyon sa ginagawa. Quincy rolled her eyes.

"Fine?! Fine lang, Jace?" She cried desperately.

"Ate, she looks decent and great. Hindi ko naman sinabing pangit siya, just not my type." Dire-diretso ang salita ni Jace nang hindi nag-aangat ng tingin sa aming dalawa ni Quincy.

I heard Quincy groan in disapproval. Itong isang 'to. Hinihingi ang opinyon namin, pero ignigiit ang gusto niya. Tsk.

"I don't like her," I said.

Nanlilisik ang mga mata ni Quincy nang lumingon siya sa akin. I remained unbothered and just went on with the paperworks.

Inisip ko na sa dami kong nakakasalamuha at nagiging kaibigan, itong hinahangaan pa talaga ni Quincy ang hindi ko gustong mapalapit sa akin.

I don't like her. I don't like Rheian Isabelle Sedano. Her indifferent gaze, her snobbish look, and her pretty, pretty face. Hindi ko siya kilala sa personal, but she looks like a tough work. A really hard work.

She doesn't look transparent. She's not easy to read. Well, based on the interviews Quincy forces me to watch with her. When Quincy's bored, she binges on watching videos about Rheian Isabelle Sedano. I don't even know the point on idolizing someone like her.

Eumoirous (ICS #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin