Chapter 25

93 9 3
                                    

Chapter 25

Apologize


@theRhelleSedano

I am interested in being part of your construction company. Kindly reply back if you are interested in hiring me.



Titig na titig pa rin ako sa sinend kong message kay Liandel kagabi. Kahit nakatulog na ako ay pakiramdam ko hindi pa rin natatauhan ang sistema ko.


Did I do the right thing? If ever I get a reply from Liandel, ibig ba nun sabihin ay babalik ako sa Isla Cañas?


Pero bago 'yun, tama ba talaga na ni-DM ko lang siya, instead of sending an email? My gosh. Kung hindi ko siguro kaibigan si Liandel ay malamang hindi man lang lilingunin ng mga kompanya ang message ko.



But still, kahit kaibigan ko si Liandel, I should've kept it professional. Sending him that message was the same as sending a message to a future colleague.



Kung tutuosin, ito rin ang unang beses na nagreach out ako kay Liandel.. makatapos ang apat na taon. That's why I thought that it was a contributing factor to my nervousness.


I breathed in and out, trying to calm myself. I already managed to control my overthinking. Pero paminsan talaga, hindi ko naiiwasang hindi maging malikot ang isip.


"Is there something wrong, Rhelle? Hindi mo pa nagagalaw ang breakfast mo," puna ni Mommy.



Agad ko namang binaba muna ang cellphone ko at bumaling kay Mommy.



"Wala naman po, Mommy. I was just checking my phone for some messages," I said.



"Ahh, is that about your job? Nagsimula ka na bang mag-apply sa firms?" She asked.



Sumimsim na muna ako ng orange juice ko. "Ahh, opo Mommy. Chineck ko lang kung nag-reply na iyong prospect kong firm."




She smiled at me. "Don't stress yourself too much about it, Rhelle. I know that you'll be able to be a part of a firm you truly deserve. Hopefully, makapasok ka jan sa firm na prinioritize mo."




I nodded. Well, sana nga. I suddenly felt persistent in applying. It was true na prina-prioritize ko ang construction firm nina Liandel. Pakiramdam ko ay kung hindi man ako makapasok sa firm nina Liandel, parang wala na akong back-up. It was like I needed to be there or else..




Or else what, Rhelle? This was finally my sign to go back to Isla Cañas. Eto na ang pagkakataon ko para makabalik doon at makita ulit sina Nana at Dada... at ang iba ko pang mga kaibigan. Kung hindi ako makatanggap sa firm, parang senyales na rin siguro iyon na hindi pa ako dapat talagang umuwi.




And that's one of the reasons why I suddenly felt the urge to apply. Among everything else, like getting the job and coming back to the island, I wanted to apologize. I was already trying to envision kung paano ako hihingi ng tawad sa mga iniwan ko. That's why I'm persistent now. I needed to be hired.




Pero mukhang malabo pa iyon. I haven't even submitted my curriculum vitae and my resume. Nag-inquire pa lang ako sa firm nina Liandel! I probably shouldn't get my hopes up. Baka ay hindi naman pala sila naghahanap na ng interior designer.



Tinapos ko na muna ang breakfast kasama si Mommy. Plano ko sana pumunta muna kay Monique ngayon. Unfortunately, she had tons of work today kaya nahiya akong pumunta pa sa unit niya.





Eumoirous (ICS #1)Where stories live. Discover now