Chapter 15

105 9 6
                                    

Chapter 15

Extend


"What are you guys doing here?" I asked my cousins while I was getting their drinks from the kitchen.

Nakaupo na ang mga ito sa sala habang nanonood ng TV. Napansin ko ring may dala silang bagahe, siguro they'll stay here for a vacation like me?


Hindi naman agad nagsalita ang dalawa kaya nung bumalik ako para iabot sa kanila ang kinuha ko mula sa kusina ay tinanong ko sila ulit.

"Anong ginagawa niyo rito sa Isla?" Tanong ko.


Bumaling sa akin si Monique habang si Zaque naman ay tahimik na ininom ang juice niya. Napansin ko na pabalik-balik ang tingin ni Monique sa aming dalawa ni Zaque. I raised a brow. Wala ba silang balak na sagutin ang tanong ko?


"Uhh.." sabi ni Monique. "W-We're actually here for vaycay, Rhelle! Buti na lang Dad made payag to let us follow you here. You didn't make aya kasi! A-And I've missed you, Rhelle. Manila is dull without you!"




I just rolled my eyes sa sunod sunod na pahayag ni Monique. She was stuttering.. I knew she was not telling me the truth. Mas lalo itong nahalata nang agad naman niyang ininom ang juice niya kaya si Zaque naman ang sumagot sa akin.



"Rhelle... it's probably best if you don't come back to Manila for now," ani Zaque habang diretsong nakatingin sa akin.




I stared at Zaque's serious face, stunned. Si Monique sa tabi niya ay agad na napaubo dahil nasamid ito sa iniinom niya.



"That was too much, Zaque. You should've taken it slow," mahinang sambit ni Monique habang pinupunasan ang bibig niya.



"She will know anyways. Kaya nga nandito tayo," sagot ni Zaque.



"What? What do you mean?" Nagugulhang tanong ko. I'm not allowed to go back to Manila? I don't understand. Paano ang pag-aaral ko doon?



Nagbuntong-hininga si Zaque at pinagsiklop ang mga palad niya. "Tita's involved in a scandal," seryosong sabi niya.



Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Si Mommy? What the hell?



I'm aware Mom had men who were shamelessly showing their affection for her, despite knowing she's married. Kaya naman mas lumala ang mga admirers niya nang malamang divorced na sila ni Daddy.




But.. a scandal? Really, that was too low for someone like Mom. I never pegged her as someone na papatol sa ibang lalaki agad kahit kakahiwalay pa lang. Or maybe.. matagal na silang may affair? I am already disgusted at the thought of it.




"It doesn't stop there Rhelle," Monique said. "Recently kasi may na-caught na bigtime drug-lord. Unfortunately, Tita was seen with this man."


"There were pictures but Tita says that she doesn't kilala this person raw. But, it's really hard to tell though.. with all the pictures and such," wika ni Monique habang mahina niyang iniiling ang ulo.




"But we're still not sure if the pictures were fabricated or not. So don't worry, Rhelle. Dad's making sure na hindi lalaki ang issue," sambit naman si Zaque at tumuwid ng upo.




Mahinang tango na lang naging sagot ko sa kaniya. Out of all people, why did it have to be a drug-lord? Hindi ba alam ni Mommy na pwedeng ikapahamak niya 'yan? Baka makulong rin siya kapag totoo nga ang pagkadawit niya sa drug-lord na 'yun.




Eumoirous (ICS #1)Where stories live. Discover now