Chapter 30

97 8 4
                                    

Chapter 30

Sundo


"Dito ka na maghapunan, Ineng."

"Ah, hindi na po siguro Aling Lita. Hinatid ko lang po kayo, uuwi na lang po ako."

Somehow, it did assure me that Aling Lita got home safe to their home. Maliit lamang iyon. Sementado naman at sim ang bubong. May lampara sa may kawayan na gate at sa likod ng bahay ay makikitang may usok, someone was probably burning wood or something.

"Saan ka ba umuuwi, Ineng?" Tanong ni ALing Lita habang sinisimulan na buksan ang gate ng bahay nila.

"Sa Tagan po."

"Talaga? Medyo may kalayuan pa iyon dito, Ineng! Dito ka na lang sumabay maghapunan! Pasasalamat ko na rin sa paghatid mo."

I bit my lip. I didn't want to turn her down, but I also thought na baka ay kumulang pa ang ulam nila kung makikikain ako.

"Salamat na lang po, Aling Lita, pero baka makaabala pa po ako."

"Ano ka ba, Ineng! Hindi naman iyon abala! Halina't pumasok ka na para sa hapunan." She insisted.

I smiled a little before eventually following her inside their house. Hmm, maybe I should stay for dinner? Wala naman akong kasama kumain mamaya sa bahay. And Aling Lita assures that I'm not a burden so...

"Mama! Nagpagabi ka na naman sa pagbebent –"

Naputol ang sasabihin ng isang lalaki nang madtanan niya kaming pumasok sa bahay. Nanlaki ang mata niya at hindi na nakapagpatuloy sa pagsasalita habang nakatitig sa akin.

The man was taller than me, but he was probably younger. Kamukhang kamukha ni Aling Lita at magands na ang hubog ng katawan. Ang kulay itim niyang V-neck shirt ay halatang marumi na. Galing siguro siya sa pagsisiga ng kahoy kaya may tira tira pang kahoy na nakasabot sa laylayan ng tshirt niya.

"Luis! Anak, may bisita tayo! Nakapaghanda ka na ng hapunan?"

Inilibot ko ang paningin sa loob ng bahay nila. It was honestly not bad. Maliwanag naman sa loob at malinis. Maliit lang ang salas na may kakaunting upuan at appliances. Mula rito ay kita mo na rin ang hapag-kainan nila.

"A-Ah, nagluto na ako Ma. Patapos na siguro iyon."

Aling Lita smiled. "Mabuti naman kung ganoon! Ito nga pala si Ma'am Rhelle Sedano. Hinatid niya ako mula sa HMC papunta dito sa bahay. Naku, inubos niya rin ang tinda kong mani!"

The man, named Luis, looked at me again. Nginitian ko na lamang siya.

"Ma'am Rhelle, ito ng apala ang panganay kong si Luis. Nag-aaral pa sa kolehiyo pero heto't malaki na rin ang tulong sa akin sa pagpapalaki sa mga kapatid niya!" Tuwang tuwa si Aling Lita habang sinasabi iyon.

"Osiya, Ineng upo ka na muna rito sa sala habang hinahanda ang hapag. Titingnan ko lang saglit. Luis, ikaw na muna ang bahala rito kay Ma'am Rhelle."

Pagkatapos niyang magbilin sa anak ay nawala nansiya sa paningin ko. Siguro ay pumunta na sa kusina nila.

"U-Uh, upo ka muna."

Napalingon ako kay Luis. May tinuro siyang upuan kaya naman naupo na lamang ako roon.

"Salamat nga pala," aniya nang umupo na rin sa silya di kalayuan sa akin.

"Sa tulong mo kay Mama at sa pagpakyaw ng benta niya."

I smiled. "Wala 'yun. I'm glad to help."

"Pasensiya na pala ulit sa abala. Sabi ni Mama'y galing pa kayong HMC? Doon ka nagtatrabaho?"

Eumoirous (ICS #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora