Chapter 13

106 11 2
                                    

Chapter 13

Seat


"Rhelle, pasensiya ka na talaga. Kung hindi dahil sa akin ay---"


"Aiah.." tawag ko sa kaniya at nginitian. "It was not fine na ginaganun ganun na lang nila tayo, lalo na ikaw."



Nandito pa rin kami ngayon sa Vasco boulevard at ipinapagpatuloy ang coastal clean up. Simula nang marinig ni Aiah na may disciplinary measures na gagawin mamaya, kanina pa siya humihingi ng tawad sa akin.



"Wala lang naman na sa akin iyon, Rhelle. Sanay na ako roon..." mahinang sambit ni Aiah habang nakayuko.



Aiah is already a dear friend of mine. Even though we still aren't that close, I consider her to be one of my friends already.



She kept on apologizing kahit na malinaw na wala naman siyang ginagawang mali. She was done wrong. Nananahimik kami rito, tapos bigla bigla na lang na may magtsitsismisan tungkol sa amin, at sa harap pa namin!



Those kind of people needed to be taught a lesson. People who feed on gossips and accussations, wala silang mapupuntahan. Lalo na kung hindi naman nila kami gaanong kilala. What was their basis for saying those things? Napakapathetic.




I was not sorry na ginawa ko iyon kanina. I don't regret it. Kilalanin nila ang babanggain nila, that's all I could say.




Ang ganda na sana ng simula ng araw ko, eh! I was so excited for the coastal clean up tapos bigla na lang may mga sisingit na sisira ng araw ko!




I just heaved a sigh. "Aiah.. kaya siguro sila nagpapatuloy kasi hinahayaan mo."




Panandalian umangat naman ng tingin sa akin si Aiah, pero binaba niya lang ulit. "Ayaw ko kasi ng gulo, Rhelle," wika niya.



"Good thing you have me.." I chuckled. "Sobrang lapitin ng gulo. At tsaka, it's not bad to stand up for yourself every once in a while. Not in the way I did it though, I may have overreacted a little," I smiled at her.





Binalingan niya naman ako ng tingin at tsaka matipid din akong nginitian. "Pero.. salamat pa rin sa pagtatanggol mo, Rhelle. Kahit sa susunod, 'wag mo na lang siguro ulitin. Ayaw kong madamay ka sa gulo," aniya at nagsimula ng bitbitin ang sakong dala niya.




"Well.. I can't promise you that, Aiah," mahinang sambit ko na mukhang 'di niya naman narinig. Nagkibit balikat na lamang ako at mahinang natawa.





Somehow, kahit anong iwas ko ay parang sinusundan ako lagi ng gulo at mga away. At ako naman madalas ang dehado, ang napagbibintangan, ang may mali.




But I don't really care anymore kung anong isipin nila sa akin. It tires me that I have to explain my side to people who are too close-minded to understand my side of the story. So, what was the point in explaining my point of view, kung nakatatak na sa isip nila na ako ang nagsimula ng away at ako ang nagkamali?




Iniling ko na lamang ang ulo ko at sinundan na lang si Aiah habang bitbit ko na rin ang sako ko. Lumapit na kami sa truck na humahakot ng mga napulot namin dito sa Vasco boulevard.






×××






The other members of the foundation were staring at me. Hmm, siguro nakarating na sa kanila ang balita ng ginawa ko kanina?



I just ignored their stares and continued to wait for our jeep to load. Mag-isa lang ako ritong nakatayo sa may bandang likuran. Si Aiah ay sinundo na ni Liandel, mabuti na rin iyon para makapagpahinga na siya.




Eumoirous (ICS #1)Where stories live. Discover now