Chapter 18

92 12 4
                                    

Chapter 18

Here


"Rhelle, hija, sigurado ka bang hindi na kita ihahatid?" Nag-aalalang tanong ni Dada.

Kakatapos pa lang namin mag-almusal ngayon. Walang pupuntahan ngayon sina Nana at Dada kaya naman medyo tinanghali na rin sila ng gising.

Ngumiti ako kay Dada at tumango. Sa tinagal ko na rito sa isla na ilang buwan, natuto akong magcommute, either sa tricycle or jeep. Pinagtanungan ko si Aiah kung paano magcommute rito sa may sa amin.

Iyon nga lang, hindi siya pinapayagan magcommute kaya hindi niya rin alam, kaya si Liandel ang nagpaliwanag sa akin kung paano, tutal mas sanay siyang magcommute kaysa kay Aiah.

Medyo malayo ang Barangay Tagan sa highway, kaya may mga naka-standby na na tricycle malapit sa barangay plaza. Kaunting lakad pa iyon mula sa baranggay hall.

Parehong nasubukan ko na magjeep at mag-tricy. Kapag medyo maaga akong magising o di kaya'y trip ko maglakad-lakad, linalakad ko na lang simula bahay hanggang sakayan ng jeep. Syempre mas malayo iyon kumpara sa sakayan ng tricy.

Pero kung araw araw ang pagbabasehan ko, madalas ay sa tricy ako sumasakay. Bukod sa malapit lang ang sakayan nito sa bahay, mas mabilis akong nakakarating sa Collegio de Isla Cañas.

'Yun nga lang medyo may kamahalan na ang pagsakay sa tricycle papuntang Vasco Downtown, kung nasaan ang CDIC. Nandoon din ang Valmonte Trading Center, kaya paminsan para makaipon ako sa binibigay nina Nana at Dada na allowance, nilalakas ko na lang papunta roon sa bookstore sa VTC.

Katulad ng sinabi ni Zaque, hindi na ako masyadong active online. Hindi na rin ako masyadong gumagala at gumagastos, though may allowance ako weekly galing kay Mommy at monthly galing kay Daddy, wala naman akong masyadong nakikitang importante na pwedeng paggastusan.

Nagpaalam na ako kina Nana at Dada at nagsimula ng maglakad papunta sa sakayan ng tricy. Nang makarating ako sa may bandang Baranggay hall, binagalan ko ang lakad ko.

This became my habit everytime I pass by. Titingnan ko ang mga naka-park na sasakyan, nagbabaka sakaling may makita akong pamilyar na modelo ng pick-up.

I heaved a sigh. Katulad ng mga araw na nagdaan, wala akong makitang sasakyan na katulad ng kay Thaurn.

Iniiling ko na lang ako ulo ko nang makalampas na ako sa baranggay hall. Ano na kaya ang nangyari sa isang 'yun? Halos mag-iisang linggo na atang hindi nagpaparamdam.

Kahit sa Instagram ko ay wala akong makitang reaction niya sa story ko. I even tried posting a picture we took last summer at the Falls. Tinag ko na siya pati si Aiah, Liandel, Quincy, at iba pa naming kasama. Nagcomment na ang iba at lahat lahat, pero wala man lang ni isang notification galing sa kaniya.

Ipinikit ko ang mata ko ng magsimula na namang mag-ingay ang isip ko. I should just focus on studying for today. Tutal ay weekend na bukas, I should do my best today. Pambawi na lang sa mga araw na drained ako sa school.




×××




"Ms. Sedano, I'm impressed by your plates! Sa Manila ka di'ba nag-aral ng design for first year?" Puri sa akin ng prof ko nang tawagin niya ako after ng classes namin.


"Yes po, Ma'am." Magalang na sagot ko.

Tumango tango naman siya sa akin habang tinitingnan ang sinubmit kong plates na nakalatag sa mesa niya.

It was a simple residential project. I designed it to make sure na aakma siya sa location, which is malapit sa dagat. Alongside the design, I made sure na aware ako sa mga materials na pwedeng gamitin sa building interior so that it would be efficient and durable kahit na sa may coastal area ang bahay.

Eumoirous (ICS #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum