Prologue

86 5 22
                                    

"Ngayong napakasalan mo na si Vannesa, siguro naman mai-f-forward na ang shares ngayon Leonel? Nakakainip maghintay."

Isinalampak kaagad ni Dianne ang sarili sa couch at sinalubong ang tingin ng aburidong si Leonel. Siya ay isang certified mistress ng lalaki na bagong kasal sa nobya nito.

"Shut up, alam ko ang gagawin ko kay Vanessa." Napahilot sa sintido si Leonel. Wala siya sa mood na makipag-usap dahil may jetlag pa nga siya, sa London ginanap ang kasal nila ni Vanessa at mas madali ang proseso ng pakikipaghiwalay dahil legal naman doon ang diborsyo. He's a wise man enough to cheat.

Matagal na niyang side chick si Dianne, mas naibibigay kasi nito ang pangangailangan niya bilang lalaki kumpara kay Vanessa na talagang pinanindigan na hindi nito isusuko ang sarili hangga't hindi pa sila ikinakasal.

Masyado ring abala si Vanessa sa pagha-handle ng family business, a big advertising company. Sobrang passionate ni Vanessa pagdating sa pagpapalago ng negosyo at mas prayoridad iyon kaysa sa nobyong si Leonel.



Vanessa and Dianne are very different. Si Vanessa ay mas bruskong kumilos, madalas mapagkamalang lesbiana dahil hindi girly ang pananamit. Bukod pa doon ay may background sa martial arts at muay thai habang si Dianne naman ay babaeng-babae at parang kristal na hindi dapat mabasag dahil sa pagkayumi nitong kumilos. Pero kung anong ikinahinhin ni Dianne ay siya namang kabaliktaran ng saloobin nito. She may act like a noble woman but when she and Leonel are in private place, she's wild and liberated.

Ang pagiging makamundo ni Dianne ang nagustuhan sa kanya ni Leonel kaya naging kalaguyo siya nito habang nobya na nito si Vanessa. Nabaliw ito sa kanya at kaya na niyang paikutin sa sarili niyang mga palad. Gusto niya ring makamkam ni Leonel ang kayamanan ni Vanessa para naman may salapi silang magagamit kung sakaling mag-settle na sila. Pero magagawa lang iyon ni Leonel kapag tuluyan nang inilipat ni Vanessa ang shares nito sa pangalan niya. Kaunting plantsa na lang sa gusot na 'yon at mapapasakamay na rin nina Leonel at Dianne ang tagumpay.

"Okay, I'm always trusting you Leo," anas niya nang lapitan ito at hinigit pa ang necktie ni Leonel para masubsob ito sa kanya.

"Are you teasing me? You really know how to turn me on," malanding saad ni Leonel. He aggresively pulled himself against Dianne. Kapwa sila napahiga sa sofa at nagsalo sa mapupusok na halik na madaling tumangay papunta sa dagat-dagatang apoy.



Walang kamalay-malay ang dalawang taksil na narinig ni Vanessa ang lahat ng kanilang pinag-usapan, pati na rin ang halinghingan nila sa opisina. Naikuyom niya ang mga palad at tinawagan ang sekretarya niyang si Malou.

"Maria Lourdes," panimula niya sa kabilang linya. Binabanggit niya nang buo ang pangalan ng sekretarya kung may urgent siyang ipag-uutos.

"Yes Maam?" sagot ni Malou. "Maghanap ka ng investigator. Manghuhuli ako ng ahas!" paasik na utos niya.

"Maam, puwede namang ipahuli n'yo na lang sa mga taga-wildlife or animal rescuers ang ahas d'yan, delikado baka matuklaw kayo," pabirong sagot ni Malou. Akala niya kasi ay nakikipagbiruan si Vanessa pero minsan kasi ay pagka-naive siya kaya hindi niya kaagad makuha ang ibig sabihin ng amo.

"Maria Lourdes, seryoso ako rito. Maghanap ka ng investigator, kung wala kang mahanap na investigator, hanapan mo na lang ako ng funeraria dahil may ipalilibing ako nang buhay!" asik niya at ibinaba ang telepono.

Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga at mabilis na nagpahid ng luha. Hindi niya hahayaang maapektuhan siya ng kataksilan ni Leonel. Pinagtibay siya ng maraming pagsubok sa buhay kaya hindi niya hahayaang lalaking walang kuwenta lang ang magpapabagsak sa kanya.








Few weeks later...




Pilit na lumaban si Vanessa sa mga lalaking bumugbog sa kanya. Suspetsa niya ay pakawala iyon ng asawa niya at ng kalaguyo nitong si Dianne. Dapang-dapa na siya sa sahig at pakiwari niya'y malalagutan na ng hininga.

"Wala na! Bagsak na. Tawagin mo na nga si boss!" anang lalaki sa kasamahang lookout din. Nasa bakanteng lote sila at planado ng nasabing boss ang lahat para lang mamatay si Vanessa.

Ilang saglit pa ay narinig niya ang malakas na yabag na likha ng takong na suot ng isang babae. Naaninag ni Vanessa ang mukha nito, tama nga siya, si Dianne ang may kagagawan nito.

"Kung hinayaan mo na lang sana na mag-divorce kayo ni Leonel at binigay ang hinihingi niya, hindi sana tayo aabot dito Vanessa!" asik ni Dianne na pilit pang ipamukha na si Vanessa ang may kasalanan sa kasawiang palad nito.

"Patayin mo man ako, wala siyang makukuha ni isang kusing," sagot ni Vanessa sa mahinang tinig.

Nagpantig kaagad ang tainga ni Dianne at hinablot ang buhok ni Vanessa kahit nakahandusay na ito sa sahig. Di pa siya nakuntento, kinaladkad niya ito at itinulak sa posteng gawa sa marmol kaya nabagok ang ulo nito. Sunod ay inuntog niya si Vanessa sa pader, doon niya nakitang umagos ang dugo mula sa noo nito kaya bahagya siyang nakaramdam ng takot at tinigilan na si Vanessa, mukhang napatay na nga niya ito.

"Itapon n'yo na ang babaeng 'yan, kunin lahat ng posibleng pagkakakilanlan niya. Bahala na kayo kung saan n'yo itatapon," nanggagalaiting tugon ni Dianne at madali naman siyang sinunod ng mga tauhan.

May With June [FINISHED]Where stories live. Discover now